18/06/2026
๐ค๐ค๐ฅ๐จ ๐ค๐ค๐ฅ๐จ ๐ค๐ค๐ฅ๐จ๐คญ, ๐ฃ๐๐ ๐จ๐ช๐ก๐ฉ๐ ๐ง๐๐๐๐ฎ๐ ๐ ๐ค ๐จ๐ ๐ฉ๐๐ฃ๐ช๐ค๐ ๐จ๐๐ง ๐๐๐, ๐๐๐ฃ๐๐๐๐ฃ ๐ข๐๐ฃ ๐๐ช๐ ๐ ๐๐๐ฎ๐ช ๐ ๐ค ๐ข๐ช ๐ซ๐ค๐ก๐๐ค๐ง๐จ โ ๐ซ๐ค๐ก๐๐ค๐ง๐จ? ๐ช๐ฃ๐จ๐ ๐ข๐๐ฃ ๐ฃ๐๐ซช๐ซช
wassup ka-sapsap!๐
This Academic Year 2026โ2027, the UPV CFOS SC is casting its net for CFOS students to join this yearโs Volunteer Corps (Volcors)! ๐
If youโre eager to serve, learn, lead, and make a splash in the CFOS community, then this is your sign to take the plunge!๐ฆ
Be part of us! Access the link below! Forms will be accepting responses until June 22, 2026. ๐
๐ https://forms.gle/UWEP8bZHTzQBarWHA
๐ https://forms.gle/UWEP8bZHTzQBarWHA
๐ https://forms.gle/UWEP8bZHTzQBarWHA
14/06/2026
๐๐๐ ๐ฉ๐ฎ๐ฉ๐ฎ๐ ๐๐ฒ ๐ฌ๐ ๐๐๐ ๐จ๐ง๐ ๐ฅ๐ข๐๐๐ซ-๐๐ฌ๐ญ๐ฎ๐๐ฒ๐๐ง๐ญ๐ ๐ง๐ ๐๐๐ ๐๐
๐๐ ๐๐ ๐ฉ๐๐ซ๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐๐๐๐ฆ๐ข๐ ๐๐๐๐ซ ๐๐๐๐-๐๐๐๐!
The UPV College of Fisheries and Ocean Sciences Student Council successfully conducted its Turnover Ceremony today, attended by Student Relations Officer Omar Adrianne P. Alaman, the Outgoing UPV CFOS Student Council Officers, and the Incoming UPV CFOS Student Council Officers.
The ceremony formally marked the transition of leadership and responsibilities from the outgoing council to the newly elected officers. It served as an opportunity to recognize the dedication, service, and contributions of the outgoing officers while officially entrusting the incoming council with the responsibility of advancing the interests and welfare of the CFOS student body.
05/06/2026
Pagpupugay mga bagong Anak ni Mother Diwata! ๐๐๐
Ang Konseho ng Mag-aaral sa Kolehiyo ng Pangisdaan at Agham Pangkaragatan ay nagagalak na tanggapin kayo dito sa unibersidad; at para tulungan kayo sa inyong mga tanong at pangangailangan, ang konseho ay gumawa ng group chat upang magsilbi sa inyo.๐ฏโค๏ธ
Upang makasali sa group chat, maaari nang i-click ang "link" sa baba. Ang mga miyembro ng Konseho ay maghihingi ng pagpapatunay na kayo ay isa sa mga bagong pumapasok na estudyante sa paparating na Akademikong taon 2026-2027.๐๐งโ๐ปโ๏ธ
Isang mapagpalayang pagdating, at sana ay magiging masaya ang iyong lakbay bilang isang Iskolar ng Bayan! โค๏ธโ
GC link: https://m.me/j/AbZp_1hcDYVdi44M/?send_source=gc%3Acopy_invite_link_c
31/05/2026
๐๐จ๐๐ฃ๐ ๐ข๐๐ฅ๐๐๐ฅ๐๐ก๐๐ฎ๐๐ฃ๐ ๐ผ๐ง๐๐ฌ ๐ฃ๐ ๐๐๐ฃ๐๐๐ฃ๐๐๐จ๐๐!
Ngayong araw ng Mayo 31, ginugunita sa buong bansa ang araw ng mga mangingisda; at para sa ngayong taon, binibigyan ng konseho ng diin ang mga suliranin at panawagan sa sektor ng pangisdaan.
Tignan ang isang litratoโt sanaysay na nagsasalaysay ng kwento ng mga pamilya sa Isla Gigantes Norte, ang kanilang mga adhikain, pang araw-araw na suliranin, at bukod sa lahat ang tanging hiling na protektahan ang kapaligiran.
Kuha ni: Frederick Meรฑeza
Likhaโt Sulat ni: Sean Buenavista
28/05/2026
๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐-๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐
Kahapon lang Mayo 27, isang Thresher shark (Alopias sp.) ang nakita sa isang post na nahuli. Ang page na Ocean Invader ay nagpost ng litrato na may caption na โ300 kilosโ na kung saan makikita ang thresher shark ay hinahawakan ng isang mangingisda. Batay din sa nasabing page, pinakawalan nila ang nasabing nilalang at sa isang video ay nakikitang ito a lumalangoy papalayo sa bangka.
Ngunit, hindi maitatanggi ang stress na naidudulot ng pagkahuli sa nilalang. Batay sa RA 9147 o Wildlife Resources Conservation and Protection Act ang nilalang na kagaya na lamang sa Thresher shark na nakalista sa IUCN Red list of Threatened Species bilang Vulnerable o nanganganib, ay di dapat hulihin, kainin, patayin, pagkakitaan, at gawing libangan.
Ipinapanawagan ng konseho ang atensyon ng DA-BFAR, bagamat di lang ito isang isolated case na kung saan ang isang nilalang na pinoprotektahan ng batas ay hinuli, pinatay, at ginawang libangan; ang post na ito ay isa lamang sa nakararaming pagkakataon na nilabag ang batas. Dagdag pa dito ang mga illegal, unreported, at unregulated na paghuli sa mga nilalang na kung saan ay โdi nababantayan ng ahensya ang mga pagkahuli ng mga protektadong nilalang.
Mariing kinokondena ng Konseho ang paghuli sa Thresher Shark, dagdag pa ang maling pag asikaso ng pagkahuli ng nilalang na nagbigay lamang ng โdi kinakailangang stress sa nilalang. Hindi dapat ginagawang pang content lamang ang mga nilalang na ito at kung sakali man ay nahuli ay dapat ibinabalik kaagad sa tubig upang maiwasang ang pagkastress nila.
Iginigiit din ng konseho na dapat ay napapatatag ang mga mekanismo sa pagmonitor laban sa mga illegal na pangisdaan at mga mekanismo ng pananagutan para sa lumabag sa batas. Dapat ding isiwalat ng DA-BFAR ang mga dapat gawin sa pagkakataong makasalubong ng mga nilalang kagaya nito, mga pulidong aksyon na makakatulong sa pagpapangalaga sa ating mga protektadong nilalang.
21/05/2026
๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐-๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐
๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐
Kahapon lang Mayo 20, isang Ocean sunfish o Mola mola ang binaril sa karagatan ng Molo, Iloilo. Kuha sa video post ng Aksyon Radyo Iloilo ang isang lalaking nakasakay sa isang dilaw na bangka ang lumapit sa nasabing nilalang at pinutukan ito ng dalawang beses bago lumiko at binalikan upang barilin ng pangatlong pagkakataon bago naputol ang video.
Batay sa International Union for Conservation o IUCN, nasa Red List of Threatened Species ang Ocean sunfish o Mola mola. Batay sa listahang ito, Ang isdang binaril ay minamarkanhan bilang isa sa mga Vulnerable o nanganganib ang kanilang populasyon sa buong mundo. Kung kaya't, ang pagkakataong makita ang nilalang na ito ay mailap lamang at nasa iilang lugar lang sa Pilipinas na kung saan ay mayroong nakalaang Marine protected areas.
Mariing kinokondena ng Konseho ang pagbaril sa nasabing nilalang, bagamat ang bawat isang indibidwal ay maaari pang magparami sa kanilang bilang sa buong mundo. Binibigyang diin ng konseho ang kahalagahan ng kaalaman sa pagprotekta sa mga nanganganib na nilalang, at ang impormasyong kung ano nga ba ang dapat gawin sa pagkakataong makakita o engkwentro sa mga nilalang kagaya nito. Binibigyang halaga din ang mga batas na dapat ay nagpoprotekta sa mga nilalang na nanganganib o ang RA 9147 o Wildlife Resources Conservation ang Protection Act ay mas mapalakas at mapaintindi sa masang Pilipino na kung saan Pinangungunahan ito ng DA at BFAR upang mas mapanindigan natin ang pagalaga at pagprotekta sa mga nilalang kagaya na nito.
14/05/2026
๐๐ข๐ฅ ๐ช๐๐๐๐ฆ๐ง ๐๐๐ฆ๐ฆ๐๐ ๐๐ก๐๐ง๐๐ข๐กโ๏ธโ๏ธโ๏ธโ๏ธโ๏ธโ๏ธ
Ang UPV College of Fisheries and Ocean Sciences Student Council, bilang pinakamataas na kinatawang konseho ng mga estudyante sa kolehiyo, ay mariing kinokondena ang sexist remarks at pagre-redtag sa isang estudyante mula sa UPV College of Fisheries and Ocean Sciences.
Kinikilala at iginagalang natin ang awtonomiya, dignidad, at karapatan ng bawat estudyante na malayang magpahayag ng kanilang saloobin, paninindigan, at opinyon nang walang takot sa harassment, paninira, o anumang anyo ng panggigipit. Ang paggamit ng sexist na pahayag at red-tagging laban sa isang indibidwal ay malinaw na paglabag sa ligtas at demokratikong espasyong dapat tinatamasa ng bawat mag-aaral sa loob at labas ng pamantasan.
Ang ganitong mga aksyon ay hindi dapat gawing normal o palampasin. Ang misogynistic na pananalita ay tahasang pag-atake sa dignidad ng isang tao, habang ang red-tagging ay mapanganib na gawain na naglalagay sa seguridad at kaligtasan ng isang indibidwal sa alanganin. Walang puwang ang ganitong kultura ng pananakot at diskriminasyon sa ating komunidad.
Kaugnay nito, hinihikayat ng konseho ang mga estudyante at kasapi ng komunidad na makiisa sa pagprotekta sa ating kapwa mag-aaral sa pamamagitan ng pag-report ng naturang post at ng page kung saan ito inilathala kung ito ay dadaan sa inyong mga news feed. Ang sama-samang pagkilos ay mahalaga upang mapanagot ang mga nagpapakalat ng mapanirang nilalaman at mapigilan ang patuloy na paglaganap ng ganitong uri ng pang-aabuso sa online spaces.
Naninindigan ang konseho para sa isang komunidad na ligtas, mapagkalinga, at may paggalang sa karapatan ng bawat isa. Hindi tayo mananahimik sa harap ng pang-aapi at paninindak.
07/05/2026
Hala manog tapos na gali ang Academic Year?!?!?!!๐ซฅ๐ซ ๐ฅบ
Tapusin ang Akademikong Taon with a BANGโ๏ธ๐ฅ๐ฅ๐ฅBANGโฆS???? ๐๐คชCharez! Lalaganap na naman ang Diwa ng Saya sa AV Hall bukas @5:30 PM sa ating 2nd General Assembly na may temang: โDress like you went to a WRONG EVENTโ. ๐๐๐๐ฏ๐ฏโโ๏ธ
Sabi nga nilaโฆ. all roads lead to AV Hallโฆ.Sea you there mga Anak ni Mother D!๐ฅน๐๐คฉ๐Wow Peace!๐๐ซฐ
05/05/2026
๐๐ช๐จ๐ฉ๐๐จ๐ฎ๐ ๐ฅ๐๐ง๐ ๐ ๐๐ฎ ๐ผ๐ก๐ฎ๐จ๐จ๐ ๐ผ๐ก๐๐ฃ๐ค! ๐๐ช๐จ๐ฉ๐๐จ๐ฎ๐ ๐ฅ๐๐ง๐ ๐จ๐ ๐๐๐๐ง๐ค๐จ 19!
Mariing kinokondena ng UPV College of Fisheries and Ocean Sciences Student Council ang brutal na pagpaslang kay Alyssa Alano, kapwa lider-estudyante sa University of the Philippines Diliman, at ang malagim na sinapit ng Negros 19.
Nagsimula ang mga pangyayaring ito sa marahas na operasyong militar at pulis sa Negros na nagresulta sa pagkamatay ng labing siyam na magsasaka at sibilyan. Bagamat itinuring itong โlehitimong engkwentro,โ lumitaw ang mga ulat ng kawalan ng due process at iba pang paglabag sa karapatang pantao. Sinundan ito ng pagpaslang kay Alyssa Alanoโisang lider-estudyante na nagsusulong ng makamasang edukasyonโna nagpapakita ng patuloy na panunupil hindi lamang sa kanayunan kundi maging sa hanay ng kabataan at akademya. Ang mga insidenteng ito ay nakaugat sa malalim na krisis sa kanayunan: ang kawalan ng tunay na reporma sa lupa, kahirapan, at militarisasyon na kung saan ang tugon ng estado sa hinaing ng mamamayan ay nananatiling dahas.
Sa gitna nito, ang komunidad ng UP Diliman ay naghahanda ng isang tribute ngayong unang linggo ng Mayo, kasabay ng isang donation drive para sa pamilya ni Alyssa at pagpapatuloy ng kanyang mga adhikain.
Kaugnay nito, maaari ninyong ipadala ang inyong tulong at alamin ang iba pang detalye sa pamamagitan ng nakasaad na contact number o sa pag-scan ng QR code na makikita sa opisyal na pubmat.