09/06/2026
“𝘼𝙣𝙜 𝙠𝙖𝙧𝙖𝙣𝙜𝙖𝙡𝙖𝙣 𝙖𝙮 𝙗𝙪𝙣𝙜𝙖 𝙣𝙜 𝙩𝙖𝙥𝙖𝙩 𝙣𝙖 𝙥𝙖𝙜𝙡𝙞𝙡𝙞𝙣𝙜𝙠𝙤𝙙.”
𝐈𝐒𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐆𝐏𝐔𝐏𝐔𝐆𝐀𝐘 𝐒𝐀 𝐌𝐆𝐀 𝐍𝐀𝐓𝐀𝐓𝐀𝐍𝐆𝐈𝐍𝐆 𝐎𝐏𝐈𝐒𝐘𝐀𝐋𝐄𝐒 𝐍𝐆 𝐊𝐀𝐏𝐈𝐒𝐀𝐍𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐓𝐀𝐋𝐀 𝐍𝐆 𝐖𝐈𝐊𝐀🌟🏆
Taos-pusong binabati ng Kapisanan ng Tala ng Wika ang mga opisyales nito sa pagtanggap ng iba't ibang parangal sa ginanap na SR at ASCOs PASIDUNGOG 2026 na may temang “MIAGAO Honors of Excellence: Where Leaders are Recognized and Excellence is Celebrated.”
Ang pagkilalang ito ay iginawad sa mga mag-aaral na nagpakita ng natatanging pamumuno, dedikasyon at makabuluhang paglilingkod sa pamantasan. Ang inyong mga natamong parangal ay hindi lamang bunga ng pagsisikap at pagpupunyagi kundi patunay rin ng inyong kakayahan, malasakit at katapatan sa tungkuling inyong ginagampanan.
Nawa’y magsilbing inspirasyon ang tagumpay na ito sa patuloy na pagtataguyod ng kahusayan, pagkakaisa at paglilingkod sa kapwa. Patuloy ninyong dalhin ang ningning ng karangalan at isabuhay ang diwa ng tunay na liderato.
Lubos namin kayong ipinagmamalaki! 🎉