13/02/2023
From Hi to Everlasting Love
By Anonymous
January 2017 in an afternoon, nasa computer shop ako together with my friend to do our project and I am a grade 10 student that time. Nauna akong natapos gumawa ng project at hinintay ko nalang sa labas ang kaibigan ko and while waiting, nag open ako ng facebook and later on biglang may nag chat and he's really not familiar to me though we're fb friends. He says hi, at dahil wala din naman akong ginagawa, I replied to him hello. Nagpalitan kami ng tanong at sabi niya gusto niya daw makipagkaibigan so okay lang sakin yun and nasabi niya na may girlfriend naman siya kaso complicated it means medyo di sila okay. Makaraan ang ilang minuto, natapos narin sa wakas yung kaibigan ko at nag aya ng umuwi so nag paalam na muna ako sakaniya pero siyempre hiningi niya number ko hehe. While on our way home, may nag text from unknown number tinanong ko kung sino at nagreply siya " Ako to yung kachat mo kanina" I don't know pero kinilig ako dun hehe. Excited akong magreply sa kaniya ng biglang, hay naku bakit ngayon pako nalowbat? Nagtaka ang kaibigan ko kung kaya'y sinabihan ko nalang siya na bilisan nalang ang paglalakad. When I reached home, dali dali kong hinanap ang charger. Maaaa yung charger nasaan? sabay halungkat ng mga gamit kahit nakakalat na ang iba, maaa dalii. Ayan oh bakit ba masyado kang nag mamadali para ka namang iiwanan ng mundo sabi ni mama. Hehe basta, at ayun nga hindi pa na full yung cellphone ko ay kinuha ko na at nakita ko yung mga text niya. Simula nun ay madalas na kaming nag tetext at tawag kaso 50 text lang siya kasi magkaiba yung sim namin so nag papaload siya just to have 50 all net text na pang text sakin. Until one time nag share siya ng mga experiences niya sa love and I didn't expect that it is more sad than I thought.
I felt really sad for him and I know he doesn't deserve it. Kinalaunan hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ang alam ko lang happy ako tuwing kausap siya. Sabado ng Umaga nag tetext kami at mahilig kasi siyang mag throw ng mga pick up lines, jokes and logic questions until nahuli ako ni mama na naka ngiti as in sobrang naka ngiti kaya she asked me, iba na yan ah sobra ka naman atang masaya? At dun ko nalang napagtanto na tama si mama masaya nga ako at hindi lang ngayon kundi tuwing kausap ko siya. Hoyy self napano ka? Friend lang diba? Tsaka my girlfriend yun ang ganda nga eh. Habang sinasabi ko yun sa aking sarili deep inside nasasaktan naman ako. Gabi gabi ay tumatawag siya sakin and of course nag palit siya ng sim kaya pareho na kami para daw lagi niya akong makakausap oh diba haba ng hair haha at kinakantahan ko kasi siya at ganun din siya and I appreciate his effort. Isang araw sinabi niya sakin na wala na daw sila ng gf niya hindi ko alam kung good news ba yun o bad news para sakin. To make the story short, he confess to me and June 2017 I answered him "Yes". Siyempre ang bait niya sobra, napaka responsable, matalino at higit sa lahat may respeto at naintindihan ako iba siya sa mga lalaki na nakilala ko kasi hindi puro salita. Pero ayun na nga hindi madali para saamin yun kasi LDR kami nasa Antique ako siya naman dito sa Iloilo. But love has no boundaries kinaya namin yun kahit minsan may misunderstanding pero hindi natatapos ang gabi ng hindi kami nagiging okay.
Month of August 2017 I asked him if pwede niya akong samahan papuntang City kasi susunduin ko yung ate ko and it was our first time to meet and see each other in person. We're both excited and finally the day come. I saw him but only in picture so I'm not totally familiar of his face incase we met. It was my first time bumyahe mag isa from Antique to Miagao but he guided me through text until I reached Miagao. I was so nervous and I sat down in the bench and waited for him. Lumingon lingon ako sa paligid at naghihintay na may lalapit sa akin maraming tao kaya nahirapan akong makita siya until I saw a guy holding a bottled of water, hays Thank you lord buti naman may nag titinda ng tubig kanina pa ako nauuhaw, pero wait familiar siya ba yan? Hindi na ako nakagalaw sa mga oras na yun kasi alam kong siya na yun inabot niya sakin yung tubig and he gave me the most incredible smile and it took my breath away. I felt something I have never felt in my life before. Our eyes met and it was like our souls joined. We couldn't stop looking at each other. Naging memorable yung unang meet namin kung saan nakaholding hands lang kami buong byahe at pagkauwi ko andami naming napagkuwentuhan. A week passed and I still remembered the way our eyes joined and the incredible smile he gave me. November 2017 my event sa aming bayan gusto niya raw pumunta gusto niya magpakilala sa parents ko. Hindi ako pumayag kasi baka magalit sila pero, tita? tita? May tao sa labas sabi ni mama kaya pinuntahan ko. Jusko marimar hoyyy bakit ka nandito umuwi ka dun makikita ka patay ako! Pero huli na lumabas si mama at ang walang hiya nag mano pa kay mama at mukhang close na close na sila ha. Masaya kami araw araw kahit magkalayo kami at malaki ang tiwala namin sa isat isa. Pero sa kabila ng masasayang araw, may dumating na bad news kung saan kailangan kong mamili kasi pinapatransfer ako ng family ko sa Davao para magpatuloy ng pag-aaral ang sakit sobrang sakit malayo na nga kami sa isat isa magiging mas malayo pa pala. Pero pinili kong pumunta ng Davao dahil para din naman sa future ko yun at naintindihan naman niya.
May 2018 sinamahan niya si mama na ihatid ako sa airport at the age of 16 mag isa ako sa flight papuntang Davao at habang papasok sa loob hindi ko kayang lumingon sa kaniya kasi ayaw kong makita siyang nasasaktan pero nag pakatatag kaming pareho at sabi niya mahal niya ako at hihintayin niya ako. I started my senior highschool there in Davao nung una okay pa kami pero kinalaunan medyo madalas na kaming nag aaway ng dahil sa time namin sa isat isa. Minsan humantong kami sa hiwalayan ngunit naging okay din naman kami mahal ko siya at mahal niya ako kahit napaka selosa ko. Meron pa nga tuwing inaaway ko siya sinusumbong niya ako kay mama edi sila na magkakampi haha. Natapos ko na ang grade 11 ko and I decided to go back in Antique hindi ko na kasi kayang sobrang layo namin sa isat isa. May 2019 umuwi ako pero hindi niya ako nasundo kasi kasama ko naman ate at tito ko. Pero kinabukasan pumunta ako sa kanila we spend time to each other. And I finished my grade 12 in Antique and now currently studying here in Isat u and he is also a former student here in isat u miagao campus and now an alumnus. We've been through a lot of difficulties in our relationship but because of trust and love to each other, our relationship became stronger and put God in the center of your relationship and now we are road to 6 years na. If you really love each other, kahit ilang bundok pa ang namamagitan sa inyo mananatili kayong matatag. At sa mga nawawalan ng chance magkajowa, time will come malay mo kausap mo na pala siya. But before I end this story, I would like to say that valentine's is not all about love for boyfriend/Girlfriend but also to our family and friends. God bless and Happy Valentine's day to all! The End!!!