BIS AP Department - Historia

BIS AP Department - Historia

Share

The Official page of Bancal Integrated School's Araling Panlipunan Historia Club

30/11/2025

Magandang buhay, BISian! 🎉✨

Tunay na makasaysayan ang pagdiriwang sa araw na ito, ito ay ang Bonifacio Day isang pagkakataon upang bigyang pugay ang ating Ama ng Himagsikan na si G*t. Andres Bonifacio na buong tapang na lumaban para sa kalayaan ng ating bayan.

Ang AP Historia Club ng Bancal Integrated School ay nakikiisa sa paggunita sa araw na ito. Nawa’y patuloy nating pahalagahan ang diwa ng katapangan, malasakit, at pagkamakabayan na ipinamana sa atin ng ating bayaning si G*t. Andres Bonifacio.

Mabuhay ang diwa ng himagsikan! Mabuhay si G*t Andres Bonifacio! 🎉🇵🇭





Photos from BIS AP Department - Historia's post 08/09/2025

Magandang Buhay BISian's!✨

Maligayang Pagbati sa lahat ng mga nagwagi at nakilahok sa ating pagdiriwang ng Buwan ng Kasaysayan 2025 na may temang "Diwa ng Kasaysayan, Kabilin sa Kabataan"! 🎉✨

Ngayong araw, Setyembre 08, 2025, ay nagmarka ng isang makabuluhang kaganapan para sa ating mga BISian's, kung saan ang inyong mga pinaghirapan at dedikasyon ay kinilala at pinarangalan.

Patuloy nating pagyamanin at ipagmalaki ang ating kagalingan at pagmamahal sa kasaysayan. Nawa'y ang diwa ng ating pinagmulan ay patuloy na magbigay inspirasyon sa atin upang makamit ang ating mga layunin at adhikain.

Muli Pagbati para sa lahat!🥳✨


"

Photos from BIS AP Department - Historia's post 03/09/2025

Magandang Buhay BISian's!✨

Sa wakas ngayung September 03, 2025 naganap na ang huling patimpalak na inihanda ng AP Historia Club sa pamumuno ni G. Marky P. Osorio PhD at iba pang g**o ng Araling Panlipunan. Ito ay naging maganda at madikit na laban sa bawat isang kalahok, tunay na talagang pinaghandaan at pinaglaanan ng panahon✨❤️.Pagbati sa lahat ng nagwagi🥳

Abangan sa September 08, 2025 kung sino-sino ang magkakamit ng medalya sertipiko ng pagkilala.🥇🥈🥉



Photos from BIS AP Department - Historia's post 29/08/2025

Magandang Buhay BISian's!

Ngayong ika-29 ng Agosto, 2025 matagumpay na naisagawa ang dalawang patimpalak na inihanda ng mga AP Historia Club officers sa pamamatnubay ng mga g**o ng Araling Panlipunan ng BIS JHS. Ito ang Guhit-Bayani at Kantasaysayan.

Abangan ang mga pangalan ng nagwagi sa mga susunod na araw🥳✨

Muli pagbati sa lahat ng nakilahok at nakiisa sa araw na ito❤️

25/08/2025

Magandang buhay, BISian! 🎉✨

Tunay na makasaysayan ang pagdiriwang ng Pambansang Araw ng mga Bayani. Ito ay pagkakataon upang bigyang-pugay ang mga taong nag-alay ng kanilang buhay para sa ating kalayaan at kinabukasan.

Ang AP Historia Club ng Bancal Integrated School ay nakikiisa sa paggunita sa araw na ito. Sana'y patuloy nating ipagmalaki at alalahanin ang bawat sakripisyo ng ating mga bayani para sa Inang Bayan. 💕

Mabuhay ang mga bayani ng Pilipinas! 🎉🇵🇭





21/08/2025

Magandang Buhay BISian's!✨

Alam nyo ba kung bakit walang pasok sa araw na ito?🤔

Yan ay dahil ngayong Agosto 21, 2025 ginugunita natin ang Ninoy Aquino Day bilang pagpupugay sa kanyang sakripisyo at pagmamahal sa ating bayan. 🇵🇭

Tunay syang nakahahanga hindi ba👏🏻



Photos from BIS AP Department - Historia's post 18/08/2025

"Magandang buhay, BISian's!✨

📅 Ngayong Lunes, Agosto 18, 2025, matagumpay na naisagawa ang final round ng "KASAYSAYAN QUIZ BEE” bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Kasaysayan na may temang “ Diwa ng Kasaysayan, Kabilin sa Kabataan”. Ito ay pinangasiwaan ni J-Ann Lipio Rejano at iba pang opisyal ng AP Historia Club sa patnubay ni G. Marky P. Osorio. Sa pangkalahatan, naging matagumpay ang gawain na nilahukan ng 6 na mag~aaral mula sa iba't ibang baitang.❤️⏳




15/08/2025

Magandang Buhay BISian's!✨

Alam nyo ba kung bakit "holiday" sa Bulacan?🤔

Ito ay dahil ngayong Agosto 15, 2025 ay ipinagdiriwang ang ika-447 taon ng Pagkakatatag ng Lalawigan ng Bulacan. Ating Ipagbunyi ang Lahing Bulakeno, Dangal ng Lahing Pilipino.

Photos from BIS AP Department - Historia's post 13/08/2025

"Magandang buhay, BISian's!✨

📅 Ngayong Miyerkules, Agosto 13, 2025, matagumpay na naisagawa ang "SANAYSAYAN" bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Kasaysayan na may temang “ Diwa ng Kasaysayan, Kabilin sa Kabataan”. Ito ay pinangasiwaan ni Francis Lei Periabras sa patnubay nina G. Marky P. Osorio, Gng. Erminda A. Embing, at Gng. Honey Arcee E. Ramos. Sa pangkalahatan, naging matagumpay ang gawain na nilahukan ng 6 na mag~aaral mula sa iba't ibang baitang.




02/08/2025

Magandang araw sa ating lahat!

📢 Malugod naming ipinapaalam na nakikiisa ang Bancal Integrated School sa Pagdiriwang ng Buwan ng Kasayasayan 2025⏳



28/07/2025

Magandang Buhay BISian's!!

Sa Pilipinas, ang SONA ay isang taunang tradisyon kung saan ang Pangulo ng bansa, alinsunod sa mandato ng Konstitusyon, ay nag-uulat sa estado ng bansa at naglalatag ng mga plano at prayoridad ng administrasyon para sa susunod na taon. Ito ay karaniwang ginagawa tuwing ika-apat na Lunes ng Hulyo.

Ngayon BISian's, Aming lugod na ipinababatid na sa araw na ito magaganap ang ika-apat na "State of the Nation Address" sa ilalim ng pamamahala ni President Ferdinand Marcos Jr. Halina't saksihan at tutukan ang mga kaganapan at mga proyekto o programang maaring matalakay na magpapaunlad ng ating bansa.

Bilang isang Pilipino dapat may pakialam ka, Bilang BISian's dapat maalam ka! ✨


Want your school to be the top-listed School/college in Meycauayan?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Website

Address


Bancal Meycauayan City Bulacan
Meycauayan
3020