15/05/2026
๐๐๐ ๐ฅ๐ข๐ฅ๐ข๐ง๐ ๐๐ฉ ๐ง๐ ๐๐ฌ๐๐ง๐ ๐๐๐ฅ๐ฎ๐๐ก๐๐ฌ๐
Ni: Althea Borondia
Sa ilang taong paglilingkod,
Araw gabing dala-dala ang pagod.
Ngunit nananatili siyang matatag,
At sa kahit ano maโy hindi nagpapatinag.
Pagkaโt alam niya ang kaniyang halaga,
Dahil pinaghihirapan niya ng lubusan ang mga bagay na nais makuha.
Papasok at magtuturo ng napaka-aga,
Pagtuturo sa mga mag-aaral ang nagpapasaya sa kanya.
Sa gabiโy nakaharap sa kompyuter
Upang gampanan ang pagiging dalubhasang School Paper Adviser.
Mga mag-aaral ay itinuturing niyang parang tunay na mga anak,
Dedikasyoโy di mabubuwag kahit luha maโy pumatak.
Ngunit hindi lahat ng kabanata sa buhay ay positibo,
Maraming beses na rin siyang muntikang sumuko.
Pero kahit tamaan pa man ng malalakas na bagyo,
Ay makikita pa rin natin siyang lumalaban at nakatayo.
Hindi mapapalitan ng sinuman,
Ang iyong pagmamahal na parang isang tunay na ina.
Ang pag-aalaga at pagdamay sa oras ng problema,
At pagsama sa laban kahit nahihirapan ka na.
Sa tatlumpuโt tatlong taon na ikaโy nabubuhay,
Narito kamiโt patuloy na umaalalay.
Nawaโy bigyan ka pa ng madaming lakas at pag asa,
At patuloy na magpakatatag sa kabila ng mga problema.
02/04/2026
๐ฃ๐ฎ๐ด๐ฏ๐ฎ๐๐ถ ๐ฎ๐ ๐ฃ๐ฎ๐๐ฎ๐๐ฎ๐น๐ฎ๐บ๐ฎ๐ ๐๐ฎ ๐บ๐ด๐ฎ ๐๐๐ฒ ๐ฎ๐ ๐๐๐๐ฎ ๐ป๐ด ๐๐ป๐ด ๐๐ฎ๐น๐๐๐ฎ๐ป!
Kasabay ng pagtatapos ng taong panuruan 2025โ2026 ay ang pagsisimula ng panibagong yugto para sa mga mamamahayag ng Ang Daluyan na naglipat-antas noong ika-31 ng Marso 2026.
Isang matagumpay na taon ang ating pinagsaluhan. Baunin ninyo ang aming taos-pusong pasasalamat sa pagbabahagi ng inyong talino, talento, at oras sa pagsusulong ng tapat at makatotohanang pamamahayag.
Kaisa ninyo ang buong patnugutan sa pagdiriwang ng inyong tagumpay. Ikinararangal naming kayo ay naging bahagi ng pagbuo at paghubog ng ating pahayagan.
Patuloy na maging DALUYAN ng kahusayan at katotohanan, JourKnows! โจ
08/03/2026
NAILATHALA AT KINILALA NA!
Sa diwa ng ๐๐๐๐๐ at ๐๐๐๐๐ na ๐๐๐๐๐๐๐๐, buong lugod na isinasapubliko ng ๐๐ง๐ ๐๐๐ฅ๐ฎ๐ฒ๐๐ง ang ikaapat na elektronikong sipi ng pahayagan na kinilalang ๐๐๐ ๐๐ข๐ญ๐ฒ ๐จ๐ ๐๐๐ฒ๐๐๐ฎ๐๐ฒ๐๐งโ๐ฌ ๐๐ง๐ ๐๐๐ฌ๐ญ ๐๐๐ก๐จ๐จ๐ฅ ๐๐๐ฉ๐๐ซ ๐ข๐ง ๐๐๐๐จ๐ง๐๐๐ซ๐ฒ ๐
๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐จ ๐ฌ๐ ๐ง๐๐ ๐๐๐๐ง๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐ก๐จ๐จ๐ฅ๐ฌ ๐๐ข๐ฏ๐ข๐ฌ๐ข๐จ๐ง ๐๐ซ๐๐ฌ๐ฌ ๐๐จ๐ง๐๐๐ซ๐๐ง๐๐ ๐๐ซ๐จ๐ฎ๐ฉ ๐๐จ๐ง๐ญ๐๐ฌ๐ญ ๐๐จ๐ซ ๐๐๐ฌ๐ญ ๐๐๐ก๐จ๐จ๐ฅ ๐๐๐ฉ๐๐ซ๐ฌ.
Taglay ng bawat pahina ang diwa ng ๐ฝ๐ถ๐ฟ ๐ซ๐ฐ๐บ๐ช๐ฐ๐ท๐ผ๐ณ๐จ, ๐ซ๐ฐ๐ผ๐น๐ต๐จ๐น๐ฐ๐จ ๐ฏ๐ถ๐ต๐ฌ๐บ๐ป๐จ. Tapat na tinig ng mga mag-aaral ang laman ng bawat artikulo. Katotohanan ang puhunan at katapatan ang gabay. Iyan ang tatak ng Ang Daluyan.
Tuluyang nailathala ang mulat na isyung ito dahil sa husay ng mga mag-aaral at g**o sa pangunguna nina Punong Patnugot Jerbin T. Acosta, Kawaksing Patnugot Kylle A. Consad, Tagapamanihalang Patnugot Althea Jasmin Borondia, at Punong Taga-anyo G. Wendell M. Reyes, katuwang ang Tagapayo ng Pahayagan Bb. Iana Pauline G. Bulaong at ang mga patnugot sa ibaโt ibang seksyon.
Sa paggabay nina Punongg**o IV, Dr. Edgar Allan R. Calora at G**ong Tagapag-ugnay sa Filipino Bb. Eliza Mae A. Evangelista, patuloy na dumadaloy ang tinig ng kabataang mamamahayag.
Handa nang basahin ang buong isyu. I-click lamang ang link na ito:
https://tinyurl.com/AngDaluyan2026
Ipagmalaki ang galing ng mga mamamahayag na Kanluranin sapagkat ang mga ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐
๐๐
๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐ ๐๐๐๐
๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐.
04/03/2026
๐๐ง๐ ๐ง๐๐๐๐๐๐ ๐๐ฒ ๐ก๐ข๐ง๐๐ข ๐ง๐ ๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐ข๐ง๐ ๐ฉ๐ข๐ฉ๐ข๐ค๐ข๐ญ!
Bilang patuloy na pagtindig para sa ๐ ๐๐๐๐ฌ๐ at ๐ ๐๐๐๐ง๐ข๐ง๐ข๐๐๐ก๐๐ก๐ pamamahayag, inihahandog ng ๐๐ง๐ ๐๐๐ฅ๐ฎ๐ฒ๐๐ง ang ๐ถ๐ธ๐ฎ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ ๐ป๐ฎ ๐ฑ๐ถ๐ต๐ถ๐๐ฎ๐น ๐ป๐ฎ ๐๐ถ๐ฝ๐ถ na tampok ang mga ๐ถ๐๐๐๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ป๐น๐ถ๐ฝ๐๐ป๐ฎ๐ป ๐ฎ๐ ๐ฝ๐ฎ๐บ๐ฝ๐ฎ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐น๐ฎ๐ป na tuwirang nakaaapekto sa mga mag-aaral.
Bawat pahina ay isinulat upang ๐บ๐ฎ๐ด๐บ๐๐น๐ฎ๐ ๐ป๐ด ๐ธ๐ฎ๐บ๐ฎ๐น๐ฎ๐๐ฎ๐ป at maghatid ng ๐ฑ๐ถ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ sa gitna ng mga umuusbong na ๐ธ๐ฎ๐ต๐๐๐ฎ๐ฑ๐ฎ๐ป ๐ฎ๐ ๐ธ๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐น๐ถ๐ป๐๐๐ป๐ฎ๐ฎ๐ป.
Ngayong ika-4 ng Marso 2026, halinaโt saksihan ang ๐ฝ๐ฎ๐ด๐๐ฎ๐๐ฎ๐ฝ๐๐ฏ๐น๐ถ๐ธ๐ผ ng ๐ฝ๐ฎ๐ป๐ถ๐ฏ๐ฎ๐ด๐ผ๐ป๐ด ๐บ๐๐ธ๐ต๐ฎ ng ๐๐ง๐ ๐๐๐ฅ๐ฎ๐ฒ๐๐ง!
25/02/2026
๐๐ฌ๐๐ง๐ ๐ฆ๐๐๐ฅ๐๐ ๐ง๐ ๐ฉ๐๐ ๐๐๐ญ๐ข ๐ฌ๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐ฆ๐๐ฆ๐๐ฆ๐๐ก๐๐ฒ๐๐ ๐ง๐ ๐๐ง๐ ๐๐๐ฅ๐ฎ๐ฒ๐๐ง ๐ง๐ ๐ง๐๐ ๐ฐ๐๐ ๐ข ๐ฌ๐ ๐ข๐ฌ๐ข๐ง๐๐ ๐๐ฐ๐๐ง๐ ๐๐๐๐ ๐๐ฅ๐ฎ๐ฌ๐ญ๐๐ซ ๐๐๐ฌ๐๐ ๐
๐๐ฌ๐ญ๐ข๐ฏ๐๐ฅ ๐จ๐ ๐๐๐ฅ๐๐ง๐ญ๐ฌ. ๐
๐ฅ๐ช๐๐๐๐๐๐๐ ๐ท๐๐๐๐๐๐๐ ๐ช๐๐๐๐๐๐
Unang Puwesto โ Kylle A. Consad
Tagapagsanay: Bb. Romina S. Evangelista
DFOT Qualifier
๐ฅ๐ท๐๐ ๐ซ๐๐โ๐ท๐๐ ๐ธ๐๐๐
Unang Puwesto โ Nikki C. Zamudio
Tagapagsanay: Bb. Geline T. Fajardo
DFOT Qualifier
๐ฅ๐ซ๐๐๐๐๐พ๐๐๐๐
Unang Puwesto
Ykho M. Giron
Luvi G. Binamira
Tagapagsanay: Bb. Iana Pauline G. Bulaong
DFOT Qualifiers
๐ฅ๐ท๐๐๐๐บ๐๐๐๐
Unang Puwesto
Enrico Pascual
Gerardo Delfin Barretto
Tagapagsanay: G. Aljon B. Valenzuela
DFOT Qualifiers
๐ฅ๐บ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐ช๐๐๐๐๐๐
Ikalawang Puwesto โ Nazh Ivler Gonzales
Tagapagsanay: Gng. Monica Alison A. Luza
๐ฅ๐จ๐
๐๐๐๐๐๐ ๐ท๐๐๐๐
Ikatlong Puwesto โ Kurt Laurence R. Villanueva
Tagapagsanay: Bb. Shiena May A. Carullo
๐ฅ๐ท๐๐๐๐๐๐ ๐ด๐๐๐๐๐๐๐๐
Ikatlong Puwestoโ Rhian Marie C. Pramoso
Tagapagsanay: Bb. Regene T. Torres
Ang inyong husay, talino, at talento ang patuloy na nagpapatingkad sa pangalan ng ating paaralan hindi lamang sa larangan ng pamamahayag bagkus maging sa sining.
Ang buong patnugutan ay lubos kayong ipinagmamalaki.๐๐๐
๐๐๐๐๐ฒ๐จ๐ง, ๐๐๐ฅ๐ฎ๐ฒ๐๐ง ๐๐จ๐ฎ๐ซ๐๐ง๐จ๐ฐ๐ฌ! โจ
12/02/2026
๐๐ข๐ ๐ข๐ญ๐๐ฅ ๐๐๐ฒ๐จ๐ฎ๐ญ๐ข๐ง๐ , ๐๐๐ฆ๐ฉ๐จ๐ค ๐ฌ๐ ๐๐ค๐๐ฅ๐๐ฐ๐๐ง๐ ๐๐ซ๐๐ฐ ๐ง๐ ๐๐ซ๐จ๐ฃ๐๐๐ญ ๐๐๐๐๐
Balita nina: Althea Reileen Ragsac at Catherine Roberto.
Larawan kuha ni: Ccier Ian Ceriales
Isinagawa kahapon, ika-11 ng Pebrero 2026, ang ikalawang araw ng pagpapatuloy ng Project DIGMA o Dihital na Galaw ng mga Mamamahayag, na naglalayong palawakin ang kaalaman at kasanayan ng mga mag-aaral sa larangan ng digital journalism.
Tampok na tagapagsalita si G. Wendell M. Reyes, School ICT Coordinator at Head Layout Artist ng Ang Daluyan. Sa kaniyang talakayan, ibinahagi niya ang mahahalagang kaalaman sa Digital News Paper Layouting, kabilang ang wastong pag-aayos ng ulo ng balita, larawan, teksto, at paggamit ng angkop na disenyo upang maging malinaw, organisado, at kaaya-aya ang isang digital na pahayagan.
Matapos ang talakayan, isinagawa ang isang aplikasyon kung saan inatasan ang lahat ng kalahok na lumikha ng kani-kanilang sariling layout. Layunin nitong masukat ang kanilang pag-unawa at malikhaing kakayahan sa pagdidisenyo ng isang digital na pahayagan.
Sa pagtatapos ng programa, itinampok ang isang awarding session kung saan kinilala ang mga natatanging kalahok. Itinanghal na mga wagi sina Zander Pepanio, Kylle Consad, at Khloe Jade Caniete dahil sa kanilang kahusayan at malikhaing presentasyon ng layout.
Naging masigla at makabuluhan ang ikalawang araw ng Project DIGMA, lalo na sa awarding session na nagbigay inspirasyon sa mga batang mamamahayag na higit pang paghusayin ang kanilang kasanayan sa digital na pamamahayag.
10/02/2026
๐๐ง๐๐ง๐ ๐๐ซ๐๐ฐ ๐ง๐ ๐๐ซ๐จ๐ฃ๐๐๐ญ ๐๐๐๐๐, ๐๐จ๐ซ๐ฆ๐๐ฅ ๐ง๐ ๐๐ข๐ง๐ข๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐๐ง
Balita nina: Althea Reileen S. Ragsac at Catherine M. Roberto
Mga larawan kuha ni: Ccier Ian Ceriales
Pormal na inilunsad ngayong araw ang Project DIGMA (Dihital na Galaw ng mga Mag-aaral), isang inisyatibong naglalayong hasain ang kakayahan ng mga mag-aaral sa larangan ng digital journalism.
Maalab at masayang binuksan ni Punongg**o IV Edgar Allan R. Calora, PhD ang programa sa pamamagitan ng pambungad na pananalita. Binigyang-diin niya na ang pagbabago ang tanging permanente sa mundo at, kasabay ng mabilis na pag-unlad ng teknolohiya, kinakailangang makasabay ang mga publikasyong pampaaralan. Sa gitna ng pagdami ng mga content creator na kung minsaโy mas nagiging maingay kaysa sa tunay na pamamahayag, hinikayat niya ang mga mag-aaral na magsilbing tanglaw ng katotohanan sa digital na espasyo.
Tinalakay sa unang araw ang paksang โDigital Editorial Cartooning: Visual Commentary in the Age of Online Journalism.โ Naging panauhing tagapagdaloy sina Bb. Mary Precious Mayel L. Capiral, Circulation Manager ng Ang Lagusan at dating Punong Patnugot ng Ang Daluyan, at si G. Dave Adrian DP. Vivo, SK Chairman ng Brgy. Pajo at dating dibuhista ng Ang Hiyas. Ibinahagi ng mga tagapagsalita ang mahahalagang prinsipyo ng biswal na komentaryo at ang papel nito sa makabagong pamamahayag.
Sa hapon, isinagawa ang isang hands-on activity kung saan aktuwal na lumikha ang mga kalahok ng sariling digital editorial cartoons. Isa-isang sinuri at binigyan ng puna ng mga tagapagdaloy ang mga nagawang likha ng mga mag-aaral, na nagbigay-daan sa mas malalim na pag-unawa sa teknik, mensahe, at biswal na bisa ng isang epektibong kartung editoryal.
Isasagawa bukas ang ikalawang araw ng Project DIGMA na tutuon sa pag-aanyo ng mga pahayagang pampaaralan, na pangungunahan ni G. Wendell M. Reyes. Inaasahang higit pang mapauunlad nito ang kasanayan ng mga mag-aaral sa paglikha ng makabago at makabuluhang publikasyong pampaaralan sa digital na panahon.
03/02/2026
๐๐ ๐ ๐ฆ๐๐ -๐๐๐ซ๐๐ฅ ๐ฌ๐ ๐๐๐ข๐ญ๐๐ง๐ ๐๐, ๐ฅ๐ฎ๐ฆ๐๐ก๐จ๐ค ๐ฌ๐ ๐ฎ๐ง๐๐ง๐ ๐๐ซ๐๐ฐ ๐ง๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐ซ๐๐๐ซ ๐๐๐ฅ๐ค
Ni: Catherine M. Roberto
Mga larawan kuha ni : Ccier Ian Ceriales
Lumahok ang mga mag-aaral sa Baitang 10 ng MWCIS sa isinagawang unang araw ng 2026 Career Talk and Orientation ngayong araw sa bulwagang pampaaralan ng paaralan bilang bahagi ng paghahanda sa kanilang pagpili ng angkop na strand at track sa senior high school.
Layunin ng aktibidad na gabayan ang mga mag-aaral sa mas malalim na pagkilala sa kanilang sarili, kakayahan, at interes upang makagawa ng matalinong desisyon kaugnay ng kanilang akademikong landas at hinaharap na karera.
Tumagal ng apat na oras ang talakayan na binubuo ng ibaโt ibang paksang may kaugnayan sa career development. Tinalakay ni Gng. Ma. Aida D. Bautista ang paksang Self Awareness: Me, Myself and My Career na nakatuon sa kahalagahan ng pagkilala sa sariling lakas at interes. Sinundan ito ng talakayan ukol sa Strands and Tracks na pinangunahan ni Gng. Ma. Erica C. Peรฑaflorida, G**o III mula sa ASHSCOM, kung saan ipinaliwanag ang ibaโt ibang opsyon sa senior high school.
Ibinahagi naman ni Gng. Eleonor N. Francisco ang paksang Career Exploration: World of Work na nagbigay ng kaalaman tungkol sa ibaโt ibang larangan ng trabaho at oportunidad sa hinaharap. Samantala, tinalakay ni Gng. Sherry May L. Capiral, G**o II mula sa ASHSCOM, ang Crafting Your Career Plan na gumabay sa mga mag-aaral sa pagbuo ng konkretong plano para sa kanilang napiling karera.
Isasagawa bukas ang ikalawang araw ng 2026 Career Talk and Orientation kung saan inaasahang dadalo ang ibaโt ibang paaralang nag-aalok ng senior high school upang ipakilala ang kanilang mga programa at magbigay ng karagdagang impormasyon sa mga mag-aaral.
08/01/2026
๐๐ฌ๐๐ง๐ ๐ฆ๐๐๐ฅ๐๐ ๐ง๐ ๐ฉ๐๐ ๐๐๐ญ๐ข, ๐๐๐ข๐๐ซ ๐๐๐ง ๐๐๐ซ๐ข๐๐ฅ๐๐ฌ, ๐๐๐ ๐จ๐ง๐ ๐ก๐๐ฅ๐๐ฅ ๐ง๐ ๐๐ค๐๐ฅ๐๐ฐ๐๐ง๐ ๐๐๐ง๐ ๐ฎ๐ฅ๐จ ๐ง๐ ๐๐๐ก๐จ๐จ๐ฅ๐ฌ ๐๐ข๐ฏ๐ข๐ฌ๐ข๐จ๐ง ๐จ๐ ๐๐ข๐ญ๐ฒ ๐จ๐ ๐๐๐ฒ๐๐๐ฎ๐๐ฒ๐๐ง ๐๐๐๐จ๐ง๐๐๐ซ๐ฒ ๐๐๐ข๐ญ๐จ๐ซ๐ฌโ ๐๐ฎ๐ข๐ฅ๐.
Lubos na ipinagmamalaki ng patnugutan ng Ang Daluyan ang iyong pagkakahirang. Nawa ay patuloy kang maging daluyan ng kahusayan at katotohanan hindi lamang sa kanluran kundi sa buong Meycauayan.
Mabuhay ang makabuluhang pamamahayag! ๐ฐ
10/12/2025
๐๐ง๐ ๐๐๐ฅ๐ฎ๐ฒ๐๐ง, ๐๐๐ ๐ข ๐ฌ๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐ก๐จ๐จ๐ฅ๐ฌ ๐๐ข๐ฏ๐ข๐ฌ๐ข๐จ๐ง ๐๐ซ๐๐ฌ๐ฌ ๐๐จ๐ง๐๐๐ซ๐๐ง๐๐
Pinatunayan ng mga mamamahayag ng Ang Daluyan ng Meycauayan West Central Integrated School (MWCIS) ang kanilang husay sa larangan ng campus journalism matapos magwagi sa ibaโt ibang kategorya sa 2025 Schools Division Press Conference na ginanap noong Disyembre 4 at 5 sa Malhacan Integrated School (MIS).
Dinaluhan ang naturang patimpalak ng mga pampubliko at pribadong paaralan sa Lungsod ng Meycauayan bilang bahagi ng patuloy na pagpapaunlad sa kasanayan ng mga mag-aaral sa ibaโt ibang larangan ng pamamahayag.
Idinaos kahapon, Disyembre 9, 2025, sa MIS ang awarding ceremony kung saan nasungkit ng mga mamamahayag ng Ang Daluyan ang ibaโt ibang parangal sa kani-kanilang kategorya. Kabilang sa mga nagwagi ay sina:
Ccier Ian Ceriales, 1st Place โ Photojournalism
G**ong Tagapagsanay: Iana Pauline G. Bulaong
Janus V. Ladrera, 3rd Place โ Editorial Cartooning
G**ong Tagapagsanay: Ma. Aida M. Bautista
Rhian Marie C. Ramoso, 4th Place โ Sportswriting
G**ong Tagapagsanay: Wendell M. Reyes
Jerbin T. Acosta, 4th Place โ Science Writing
G**ong Tagapagsanay: Teresita A. Ruiz
Kinilala rin ang Meycauayan West Central Integrated School bilang 3rd School Highest Pointer sa Secondary Filipino, patunay ng patuloy na pag-angat ng paaralan sa campus journalism sa pangunguna nina Bb. Iana Pauline G. Bulaong, School Paper Adviser sa Filipino, Bb. Eliza Mae A. Evangelista, Tagapag-ugnay sa Filipino, at sa paggabay ni Punongg**o IV, Edgar Allan R. Calora PhD.
Inaasahang magiging masinsinan ang paghahanda nina Ceriales at Ladrera, kasama ang kanilang mga g**ong tagapagsanay, para sa nalalapit na 2026 Regional Schools Press Conference kung saan kakatawan sila sa dibisyon ng Meycauayan.
06/12/2025
๐๐๐น๐ฒ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ช๐๐ฆ๐ง, ๐ง๐ฎ๐๐ฎ๐ธ ๐๐ต๐ฒ ๐๐๐ฆ๐ง!
Narito ang kabuoang bilang ng mga medalyang naibulsa ng mga atleta mula sa Meycauayan West Central Integrated School - Meycauayan City - Secondary Level sa naganap na Meycauayan City Wide Athletic Meet, Disyembre 5-6.
Ang mga datos na ito ay nagmula sa mga g**ong tagapagsanay at mga manlalaro.