17/05/2026
Sa lahat ng interesadong lumahok sa COLOR RUN ng SELG ng Pantoc ES,
siguraduhing nag-PRE-REGISTER gamit ang link upang maitala ang inyong SHIRT SIZE
⬇️⬇️⬇️
https://forms.gle/3QaRHbCVa5eiD7Ak8
https://forms.gle/3QaRHbCVa5eiD7Ak8
https://forms.gle/3QaRHbCVa5eiD7Ak8
17/05/2026
🌈🏃♂️ COLOR RUN 2026 IS COMING! 🏃♀️🌈
Bilang bahagi ng Brigada Eskwela 2026, ang Supreme Elementary Learner Government ng Pantoc Elementary School, sa pakikipagtulungan ng SPTA Officers, ay malugod na nag-aanyaya sa inyong lahat sa gaganaping COLOR RUN 2026 sa darating na:
📅 June 1, 2026
🕖 5:00 AM
📍 Pantoc Elementary School
Layunin ng gawaing ito na makalikom ng suporta para sa mga proyekto ng Brigada Eskwela at makatulong sa paghahanda ng paaralan upang mas maging ligtas, maayos, at mas handa para sa pagbabalik-eskwela ng ating mga mag-aaral. 💙🏫
Inaanyayahan namin ang buong komunidad na makiisa sa makulay at masayang aktibidad na ito!
🎉 Lahat ng organisasyon, samahan, magulang, kabataan, at mga indibidwal ay very much welcome na lumahok at makibahagi para sa isang makabuluhang layunin!
💵 Registration Fee: ₱200.00 only
Kasama na rito ang:
👕 Color Run Shirt
💧 Bottled Water
📌 Magpa-pre register gamit ang Google Form link:
https://forms.gle/3QaRHbCVa5eiD7Ak8
https://forms.gle/3QaRHbCVa5eiD7Ak8
https://forms.gle/3QaRHbCVa5eiD7Ak8
📌 Sa darating na May 25 hanggang 27, 2026, kinakailangang pumunta sa paaralan para sa Official Registration at upang ma-claim ang inyong Color Run Shirt. Hanapin lamang ang SELG Adviser, SELG Officers, o SPTA Officers na nakatalaga sa school grounds.
📞 Para sa karagdagang impormasyon o katanungan, makipag-ugnayan lamang sa SELG Adviser ng Pantoc ES na si Ma’am Abby.
Tara na at sabay-sabay nating kulayan ang bayanihan para sa edukasyon! 🌈✨
06/02/2026
Ginanap sa araw na ito, Pebrero 4, 2026 ang Announcement of Official Candidates para sa nalalapit na Supreme Elementary Learner Government (SELG) Elections.
Narito ang Apat na (4) Partido na magtatagisan ng husay upang maipagpatuloy ang Liderato ni Ate Prasantia E. Baguio ..
Ito ay ang mga :
1. LEAD Party
2. TALA Party
3. VANGUARD Party
4. LABu Party
Ating tunghayan ang mga kaganapan sa gaganaping Campaign Period na magsisimula sa Pebrero 5, 2026.
Dahil sa Pantoc Es, mag-aaral ang bida.
Ang Batang Pantoc, May Galing na Subok!
04/02/2026
Ginanap ngayong Pebrero 3, 2026 ang Filing of Candidacy / Submission of Election Application Form ng mga partidong nagnanais na magpatuloy ng Liderato ni Ate Prasantia ..
Pinangunahan ng ating LR COMEA - Commission on Screening and Validation sa pamumuno ni Commissioner Norbert M. Pineda, at mga members na sina Ma'am Mary Ann B. Oli, Ma'am Emalyn B. Aliguem at Ma'am Rizza Erika LT. Fernandez ang pag pag-sala at pagberipika ng mga mag-aaral na kakandidato sa iba't ibang posisyon sa darating na SELG Elections.
Sa kabuuan, may apat na (4) partido ang magtatagisan upang bumuo sa panibagong administrasyon ng Pantoc ES SELG 2026-2027!
Tunghayan ang mga susunod na kaganapan sa campaign period na magsisimula bukas, Pebrero 4, 2026 hanggang Lunes, Pebrero 9, 2026!
Dahil sa Pantoc ES, mag-aaral ang bida.
Ang Batang Pantoc, May Galing na Subok!
01/09/2025
ADVISORY!
PAHABOL NA ANUNSIYO PARA BUKAS!
Hindi Kanselado ang klase in ALL LEVELS sa mga pampubliko at pribadong paaralan, bukas, September 02, 2025.
Matulog ng maaga ..
01/09/2025
Unity and Oneness habang nag eenjoy sa palakasan ?? Inihahandog ng 𝐒𝐄𝐋𝐆 𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐧𝐭𝐨𝐜 ang 𝐏𝐫𝐨𝐣𝐞𝐜𝐭 𝐋𝐀𝐑𝐎 )𝐋𝐞𝐚𝐫𝐧𝐞𝐫𝐬 𝐀𝐜𝐭𝐢𝐯𝐞𝐥𝐲 𝐑𝐚𝐜𝐞 𝐭𝐨𝐰𝐚𝐫𝐝𝐬 𝐎𝐧𝐞𝐧𝐞𝐬𝐬) kung saan ang bawat pangkat sa Grade 4, 5 at 6 (Key Stage 2) ay magtatagisan ng galing at husay sa iba't ibang sports tuwing Biyernes sa buong School Year. Layunin ng proyektong ito na maitanim sa puso ng mga mag-aaral ang pagkakaisa, pagtutulungan at pagiging sport sa mga paligsahan ..
Tunghayan ang mga kaganapan tuwing Biyernes, makiisa at makisaya.. 𝐏𝐫𝐨𝐣𝐞𝐜𝐭 𝐋𝐀𝐑𝐎 na!
23/03/2025
MAHALAGANG PABATID
MULA SA PUNONG LALAWIGAN
IGG. GOBERNADOR DANIEL R. FERNANDO
“Pagsasagawa ng Alternative Learning Modalities sa lahat ng antas ng pampubliko at pribadong paaralan sa buong lalawigan habang may banta ng tigil pasada.”
“Kahandaan ng bawat bayan at lungsod sa Pahayag na Pagkakaroon ng Tatlong (3) Araw na Pambansang Tigil Pasada ng mga Jeepneys.”
02/03/2025
💜𝐍𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍𝐀𝐋 𝐖𝐎𝐌𝐄𝐍'𝐒 𝐌𝐎𝐍𝐓𝐇 𝟐𝟎𝟐𝟓💜
Nakikiisa ang 𝐒𝐮𝐩𝐫𝐞𝐦𝐞 𝐄𝐥𝐞𝐦𝐞𝐧𝐭𝐚𝐫𝐲 𝐋𝐞𝐚𝐫𝐧𝐞𝐫 𝐆𝐨𝐯𝐞𝐫𝐧𝐦𝐞𝐧𝐭 ng 𝐏𝐚𝐧𝐭𝐨𝐜 𝐄𝐥𝐞𝐦𝐞𝐧𝐭𝐚𝐫𝐲 𝐒𝐜𝐡𝐨𝐨𝐥 sa pagdiriwang ng 𝐍𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐚𝐥 𝐖𝐨𝐦𝐞𝐧'𝐬 𝐌𝐨𝐧𝐭𝐡 ngayong 𝗠𝗮𝗿𝘀𝗼 na may tema na "𝑩𝒂𝒃𝒂𝒆 𝒔𝒂 𝑳𝒂𝒉𝒂𝒕 𝒏𝒈 𝑺𝒆𝒌𝒕𝒐𝒓, 𝑨𝒂𝒏𝒈𝒂𝒕 𝒂𝒏𝒈 𝑩𝒖𝒌𝒂𝒔 𝒔𝒂 𝑩𝒂𝒈𝒐𝒏𝒈 𝑷𝒊𝒍𝒊𝒑𝒊𝒏𝒂𝒔."
Halinat at gamitin ang opisyal na 𝐅𝐚𝐜𝐞𝐛𝐨𝐨𝐤 𝐏𝐫𝐨𝐟𝐢𝐥𝐞 𝐅𝐫𝐚𝐦𝐞 upang ipakita ang inyong suporta at pagpapahalaga sa mga kababaihan!
𝗡𝗪𝗠𝗖 𝗙𝗕 𝗣𝗿𝗼𝗳𝗶𝗹𝗲 𝗙𝗿𝗮𝗺𝗲 𝗟𝗶𝗻𝗸: https://www.twibbonize.com/nwmc2025
Para sa iba pang detalye tungkol sa Women’s Month, pindutin ang link na ito: https://pcw.gov.ph/2025-national-womens-month-celebration/
💜✨ 𝐌𝐚𝐛𝐮𝐡𝐚𝐲 𝐤𝐚, 𝐉𝐮𝐚𝐧𝐚!✨💜
👩🏻🏫👩🏻🚀👷🏻♀️👮🏻♀️🕵🏻♀️👩🏻✈️👩🏻🔬👩🏻⚕️👩🏻🔧👩🏻🏭👩🏻🚒👩🏻🌾👩🏻💼👩🏻⚖️👩🏻🎤👩🏻🎨👩🏻🍳🧕🏻👲🏻👵🏻👩🏻🦳👩🏻🦰👱🏻♀️👩🏻🦱
27/02/2025
BUMALAGBAG NA SILA !
Ginanap noong Lunes,Pebrero 24, 2025 ang kauna-unahang Fashion Contest sa Pantoc ES, ang 🅂🅃🅈🄻🄴 🅆🄰🅁🅂 𝗦𝘁𝗿𝗲𝗲𝘁𝘄𝗲𝗮𝗿 𝗙𝗮𝘀𝗵𝗶𝗼𝗻 𝗖𝗼𝗻𝘁𝗲𝘀𝘁 : 𝐓𝐡𝐞 𝐔𝐥𝐭𝐢𝐦𝐚𝐭𝐞 𝐁𝐀𝐋𝐀𝐆𝐁𝐀𝐆𝐀𝐍 𝐅𝐚𝐜𝐞-𝐨𝐟𝐟
May kabuuang 52 candidates ang isa-isang bumalagbag ng kanilang mala- Kiel The Great
Sa Unang Sampa : Rampa-Rambulan kung saan pumili ng 19 candidates na nagpatuloy sa Pangalawang Sampa : Puksaan ng Outfit. Binalagbag ng bawat sa Outfit Check ang kanilang ultimate get-up. Matapos nito, pumili ng 10 candidates na nagpatuloy sa Huling Sampa : Ang Ultimate Balagbagan Face-Off kung saan hindi nagpadaig ang bawat isa na iflex ang outfit sa huling pagkakataon ..
Sa huli, itinanghal si Ravin B. Leyte ng Grade 6 Antonio Luna bilang Hari ng Balagbagan suot ang white shirt, black coat, black skirt na nagcompliment sa black hat na tinambalan ng kanyang mga signature Geng-geng poses ..
Isang malaking tagumpay ang nasabing contest at nagdulot ng malaking impact sa confidence ng mga mag-aaral na sumali at manood ..Layunin ng activity na ito na iembrace ng bawat isa ang uniqueness ng Gen Alpha at iappreciate ang mga mag-aaral na may astig at kakaibang Fashion Statement.