03/02/2026
Pebrero 2, 2026 We Grow Together, Together We Grow Program: Drug Awareness, To***co Awareness, and Anti-Cyberbullying
Ang pagpapalaganap ng kaalaman ay mahalaga upang makabuo ng mas ligtas at mas malusog na komunidad.
Isinagawa ang isang makabuluhan at nakapagpapalawak na talakayan ukol sa drug at to***co awareness at anti-cyberbullying, upang gabayan ang kabataan at hikayatin silang tumindig laban sa anumang uri ng pang-aabuso. Layunin nitong hubugin ang mas maliwanag at mas ligtas na kinabukasan para sa lahat.
Nagpapahayag ng taus-pusong pasasalamat ang SELG ng DepEd Tayo Pajo Elementary School sa Meycauayan City, sa pamumuno ni Punong-G**o I Catherine C. Escalante at SELG Teacher-Adviser Veronica T. Escabillas, sa City Anti-Drug Abuse Council (CADAC) sa pangunguna ni PCMS Norberto Bensurto Jr. at Police Patrolwoman Margarita Dela Cruz para sa kanilang masusing pagtalakay sa mga mag-aaral ng ikaapat na Baitang.
Ang pagtutulungan ng mga propesyonal at paaralan ay nagpapatibay sa kaalaman ng mga mag-aaral ukol sa panganib ng droga at iba pang isyu, at nagbibigay sa kanila ng kakayahang gumawa ng matalinong desisyon. Patunay ito ng pagkakaisa ng komunidad sa pagtataguyod ng kaligtasan at magandang kinabukasan ng kabataan.
30/12/2025
🇵🇭 Paggunita ng Rizal Day 2025
Ang Supreme Elementary Learner Government ng Deped Tayo Pajo ES ay nagbigay-pugay sa ating pambansang bayani, Dr. Jose Rizal. Isang paalala na ang kanyang tapang, talino, at pagmamahal sa bayan ay patuloy na nagbibigay-inspirasyon sa ating mga kabataan upang maging makabayan at makatao. ✨
“Ang kabataan ang pag-asa ng bayan.”
17/11/2025
Alam mo ba?
Ang SELG Pajo ay nakikiisa sa pagdiriwang ng Deaf Awareness Week! 🎉
Sa linggong ito, ating pahalagahan ang kahalagahan ng komunikasyon, pagkakaunawaan, at inklusibong komunidad para sa lahat. 💙🤟
Sama-sama tayong magbigay suporta at kaalaman upang mas mapalawak ang kamalayan tungkol sa Deaf culture at karapatan ng bawat isa.
03/11/2025
📍📍📍
ALAM N’YO BA? | NATIONAL CHILDREN'S MONTH
Alinsunod sa Republic Act No. 10661, ipinagdiriwang ang "Buwan ng mga Bata" tuwing Nobyembre sa Pilipinas. Ito ay upang gunitain ang pagpapatibay sa United Nations Convention on the Rights of the Child noong ika-20 ng Nobyembre 1989. Layunin ng batas na maitanim ang kahalagahan nito sa kamalayan ng mga Pilipino at mapanatili ang pagtataguyod at pagprotekta sa mga karapatan ng mga bata.
Ang tema para sa taong ito na tumutukoy sa Online Sexual Abuse or Exploitation of Children and Child Sexual Abuse or Exploitation Materials (OSAEC-CSAEM) ay, "OSAEC-CSAEM Wakasan: Kaligtasan at Karapatan ng mga Kabataan, Ipaglaban!".
Kaugnay ng pagdiriwang ngayong taon, inilabas ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal ang Memorandum Circular No. 2025-106 na nanghihikayat sa lahat ng tanggapan ng Kagawaran at sa mga lokal na pamahalaan na suportahan ang paggunita nito.
Upang mabasa ang buong teksto ng MC, mangyaring bisitahin ang link na ito: https://tinyurl.com/DILGMCNo2025-106
04/10/2025
Teacher ko, Idol ko!
🌟✨ Ang Teacher Feature of the Day ay si Teacher Veronica – ang “Mapagkalingang G**o”! ✨🌟
Si Teacher Veronica ay iniidolo ng kanyang mga mag-aaral dahil sa kanyang kabaitan, malasakit, at pagmamahal. Siya ang g**o na laging handang unahin ang kanyang mga estudyante sa oras ng pangangailangan. Sa bawat araw, ipinapakita niya ang tunay na diwa ng pagiging huwarang g**o—mapagkalinga, mapagmahal, at tapat sa kanyang tungkulin.
Dahil sa kanyang dedikasyon, ramdam ng kanyang mga mag-aaral ang init ng isang pangalawang magulang sa loob ng paaralan. Tunay siyang inspirasyon at mahal na mahal ng kanyang mga estudyante. 💖📚
📝 Nominated by: Jamaeca V. Delos Santos
03/10/2025
🌟👑 Teacher of the Day: Ma’am Catherine! 👑
Let’s gooo, besties! Today we’re giving the spotlight to none other than our Punong G**o, the one and only Ma’am Cath the real MVP of Pajo Elementary School! 🏫✨
Ma’am Cath is matiyaga, mapagmahal, maunawain, mapagbigay, at sobrang mabuti ang puso. Her heart is sooo big, you can feel her love for teaching and leading the school every single day. 💖
She’s a multitasking queen kaya niya lahat: meetings, programs, teachers, students, and still manages to slay with a smile! 😌💅
As a strong and loving mom, and a super dedicated principal, she’s the perfect mix of grace, power, kindness, and leadership goals. 💪👸 She’s always supportive to students and learners laging may time makinig, mag-guide, at magbigay ng advice. She makes us feel seen, heard, and valued. 🫶
She’s our school’s heart and soul, always guiding us, inspiring us, and making sure everything runs smoothly.
Thank you po, Ma’am Cath, for being our light, our leader, and our everyday inspiration. We love you so much! 💐💖
01/10/2025
🌟🎶📐 Teacher of the Day: Ma’am Emz! 📐🎶🌟
Yaaay! Today we’re celebrating our amazing Grade 4 subject teacher who teaches Math and EPP with so much energy, love, and talent! 💖🧠🛠️
Ma’am Emz is super galing sa Mathenik numbers become easy and fun when she’s teaching! Plus, mahilig din siya sa pag-awit parang may concert vibes sa classroom minsan! 🎤✨
She’s maunawain, mapagmahal, mapagbigay, at sobrang mabuti ang puso. Her heart is soooo big, especially for her calling as a teacher. 🥹💕
She’s also a loving mom and teacher, always patient and caring. Kahit ang daming ganap, she’s a true multitasking queen kaya lahat with grace and good vibes! 👑💪
Thank you po, Ma’am Emz, for being our classroom hero! You make learning fun, exciting, and full of love. We always love you! 💐💖
Let’s make him feel all the love this Teachers’ Month, she deserves it for being so kind, patient, and inspiring! 💬✨
01/10/2025
🌟📐 Teacher of the Day: Sir Ronnick! 📐🌟
Yaaay! Today we’re celebrating our amazing Grade 6 subject teacher who teaches Math and EPP like a total pro! 🧠🛠️
Sir Ronnick is super galing sa Mathenik parang magic ang numbers kapag siya ang nagtuturo! ✨📊
He’s also maunawain, mapagmahal, mapagbigay, at sobrang mabuti ang puso. His love for teaching is so big, kita mo agad sa way niya magturo full of care and passion! 💖
He’s a multitasking king kaya niyang pagsabayin ang pagiging teacher, guide, and classroom hero! Kahit ang daming ganap, he handles everything so well. 😎💪
Thank you po, Sir Ronnick, sa lahat ng effort, guidance, at pagmamahal. You make learning fun, exciting, and full of good vibes! We always love you! 💐💖
Let’s make him feel all the love this Teachers’ Month he deserves it for being so kind, patient, and inspiring! 💬✨
30/09/2025
🌟🎶 Teacher of the Day: Sir Elmer Evasco! 🎶🌟
Yaaay! Today we’re celebrating our awesome Grade 6 subject teacher who teaches MAPEH and GMRC with so much energy and heart! 💃🧠🎨
Sir Elmer is maunawain, mapagmahal, mapagbigay, at sobrang mabuti ang puso. His love for teaching is so big, kita mo agad sa way niya magturo with passion and care! 🥹💖
And guess what? Napakahusay niya sa pag-awit! 🎤✨ Parang may concert vibes sa classroom minsan ang saya!
He’s also a super patient and loving teacher, and a multitasking king! Kahit ang daming ginagawa, he handles everything so well parang superhero sa school! 🦸♂️💪
Thank you po, Sir Elmer, sa lahat ng effort, guidance, at pagmamahal. You make learning fun, inspiring, and full of good vibes! We always love you! 💐💖
📣 Let’s drop our messages for Sir Elmer!
He’s our awesome MAPEH and GMRC teacher, super galing sa pag-awit, and always full of good vibes! 🎶💖
Let’s make him feel all the love this Teachers’ Month he deserves it for being so kind, patient, and inspiring! 💬✨
Comment your messages below and let’s make Sir Elmer smile today! 😄
29/09/2025
🌟✨ Teacher of the Day: Ma’am Veronica T. Escabillas ! ✨🌟
Yaaay! Today we’re celebrating our energetic Grade 5 Kabutihan adviser, and our dedicated, passionate SELG Adviser 🧪! 🎉
Si Ma’am Nica ba kamo ? Siya lang naman ang Fur Mom ng ating paaralan aba! May makita lang siya pusa naku di magdadalawang isip alagaan yan!
Syempre lagi rin nandiyan para sa lahat students and teachers! She’s the best when it comes to teaching, guiding, and giving the vibes and help na kailangan ng isang students. Kahit mahirap ang task, walang imposible kay Maam Nica.😎💻
She’s maunawain, mapagmahal, mapagbigay, at sobrang Energetic laging happy ang nasa paligid pag siya ang kasama. Her love for teaching is motivating ramdam mo agad parang may sparkle sa eyes niya! 🥹💖
Para sa amin, she’s not just a teacher she’s also a strong, independent and loving daughter , ahm! Single man yan pero ang puso punong-puno ng love sa kanyang famliy, students and work . Kulang na lang ang magpapapuno ng love sa heart niya sino kaya yun? 🤔💖kidding aside , The best ka talaga Teacher Nica🤩👩🏫
Thank you po, Ma’am Nica, sa lahat ng tulong, malasakit, at pagmamahal. You’re our multitasking queen, and we always love you! 💐💖
📣 Drop your messages below and let’s show Ma’am Nica some love this Teachers’ Month! 🌈