30/01/2023
Mga huling paalala sa 129 na EPS Regular Workers at 27 na EPS Sincere Workers bago sila lumipad patungong South Korea ngayong gabi.
Nagpaunlak ng pagbati at kaunting paalala ang DMW Assistant Secretary for Pre-Employment Services, Levinson C. Alcantara sa mga paalis na EPS Workers; gayundin ang Director ng PEGPB na si Atty Rosemarie Duquez at mga account officers ng Korean Account. Tulung-tulong ang mga empleyado ng nasabing branch upang masigurado ang smooth at mabilis na proseso ng mga dokumento na dadalhin ng mga workers.
Ang mga EPS Workers ay nahire at prinoseso sa pamamagitan ng Government to Government Arrangement ng Pilipinas at South Korea. Tangging POEA lamang, at sa koordinasyon sa EPS Manila, ang inatasan upang magproseso ng mga aplikante ng EPS Korea.
POEA Government Placement Branch In-Action