08/08/2026
Baguhan pero Matatag: Mercedes High CAT, Kampeon sa Fancy Drill ng 'March of the Brave'
Muling nagkamit ng tagumpay ang CAT contingent ng Mercedes High School matapos tanghaling kampeon sa “Fancy Drill” ng “March of the Brave: CAT Drill Fest” at First Runner up sa Parade na ginanap ngayong ika-8 ng Agosto, 2026, bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-78 Founding Anniversary ng Mercedes, Camarines Norte.
Ayon kay Jhayco Anton A. Teope, isa sa mga miyembro ng CAT, hindi nila inaasahan ang kanilang pagkapanalo dahil marami sa kanila ang baguhan.
“Ang pagka-panalo namin ay hindi ko inaasahan, kasi ang daming baguhan at hindi rin masyadong maayos ang sayaw namin. Pero 'yun nga, ginalingan namin sa laban at na ayos yung pag sayaw kaya kami nanalo. Nanalo kami dahil sa pag tutulungan ng mga cadet, cadet officers at sa pag gabay ng mga trainor namin at ng aming facilitator,” aniya.
Samantala, ibinahagi ni G. Genmil M. Rait, isa sa mga tagapagpayo ng CAT, ang kanyang pasasalamat sa mga taong naging bahagi ng kanilang tagumpay.
Aniya, “Maraming salamat po sa inyong lahat, lalo na po kila Sir Virgilio C.Cabanela-Head Teacher III, Jayson Pandi, Jayven C. Borja at Ma'am France Manantan, at sa ating minamahal na Principal, Ma'am Mercie P. de Guzman,PhD, salamat po sa pagpayag sa lahat ng request ko po sa inyo at sa tulong pinansyal po, lahat po nang karangalan ito ay para saatin pong lahat sa susunod po ulit.”
Sa kabuuan, lahat ng mga palakpak ay nagsipagtapos. Lahat ng mga sigawan ay tuluyang naglaho, ngunit ang tagumpay na dala ng CAT ay hindi kailanman mawawala sa isipan ng mga manonood.
✍🏻Ashley M.Hugo-SPJ 8 at Franz Lexlyn N. Estrebillo The Outrigger Senior Staff Writer