09/04/2026
𝗠𝗔𝗕𝗨𝗛𝗔𝗬 𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗘𝗧𝗘𝗥𝗔𝗡𝗢𝗡𝗚 𝗣𝗜𝗟𝗜𝗣𝗜𝗡𝗢! 🇵🇭
Nakikiisa ang National Commission for Culture and the Arts sa paggunita ng Araw ng Kagitingan at 2026 Philippine Veterans Week sa pangunguna ng National Historical Commission of the Philippines
Sa temang “Giting ng Bayani, Pamana sa Salinlahi,” ating binibigyang-pugay ang kabayanihan at sakripisyo ng ating mga beterano, gayun din ang mga aral na patuloy nating pinapanday at isinasabuhay para sa susunod na henerasyon.
Ang kanilang kagitingan ay bahagi ng ating pagkakakilanlan bilang isang bayan.
Ngayong Araw ng Kagitingan, ginugunita natin ang tapang at sakripisyo ng mga bayaning Pilipino na nag-alay ng kanilang buhay para sa kalayaan ng bansa.