17/09/2026
Batang AnulIHSta, Nagningning sa Mendez District Sports Athletic Association 2026
MENDEZ, CAVITE β Ipinamalas ng mga batang atleta ng Anuling Integrated High School ang kanilang husay, determinasyon, at sportsmanship sa ginanap na Mendez District Sports Athletic Association (MDSAA) noong Setyembre 12β13, 2026.
Sa pamumuno ng punongguro Dr. Alma D. Cosino, at sports coordinator Sir Abhram Panganiban kasama ang mga coaches ng iba't ibang palaro, pinangunahan ng mga atletang AnulIHSta ang kanilang paaralan sa ibaβt ibang larangan ng palakasan, kung saan nakamit ang ilang kampeonato at unang puwesto, bukod pa sa mga medalya at puwestong nakuha sa iba pang events.
Nasungkit ng Volleyball Girls ang CHAMPION matapos ang kanilang mahusay na pagharap sa torneo. Kabilang sa koponan sina Aubrey M. Andres, Ellerie Blaire P. Manlapaz, Caszandra S. Penales, Marjorie Azares, Mary Joy Ann B. Rivera, Stephanie Ann A. Arteche, Alisa Mae A. Marino, Stephanie Fiona V. Falcotelo, Jamella Jane M. Paredes, Czarina Aira E. Jose, Ayessa P. Almazan, at Rhia Zhanne B. Rivera, sa pangunguna ni Coach Ehlrynne C. Dimapilis.
Nagpakitang-gilas din ang Badminton Girls, na nagkamit ng CHAMPION. Kinatawan sila nina Beatriz Daniela Cruz sa Single B at Shiela Zyren Verecio at Queen Juris B. Natalia sa Doubles, sa ilalim ni Coach Maricar P. Dimas.
Samantala, itinanghal na CHAMPION sa Lawn Tennis Doubles sina Raine Eurie E. Albito at Zanjie A. Mojica, na ginabayan ni Coach Kristynil D. Valeros.
Nag-uwi rin ng 1st Place ang Anuling Integrated High School sa Chess Boys Board 1, kung saan nagwagi si Felix Gabrielle L. Erce, sa paggabay ni Coach R-jhay M. Erce. Nakamit din ni Engelica Gatpandan ang 1st Place sa Chess Girls Board 1, sa ilalim ni Coach Jennifer L. Erce.
Bukod sa mga kampeonato at unang puwesto, nakamit din ng mga atleta ng paaralan ang mga sumusunod:
Billiards β 2nd Place: Lanz Daniel Rosano β 9 Balls; Shann Reigh C. Hermino β 8 Balls
Table Tennis Boys β 2nd Place: Elijohn Lawrenz P. De Guzman β Single A; John Alfred Singson β Single B
Sepak Takraw β 2nd Place
Lawn Tennis Single β 2nd Place: Daizke Dimapilis β Single A; Paul Aaron Ventillo β Single B
Badminton Boys β 3rd Place: Maverick A. Martinez; Markvil D. Penalba
Athletics β
Division Qualifiers:
Ken Santillan,
Ken Jaz Capilos,
Rosemarie Romblon, at
Rose Dulce
Ang mga tagumpay na ito ay bunga ng pagsisikap ng mga atleta, paggabay ng kanilang mga coach, at suporta ng buong Anuling Integrated High School community.
Higit pa sa mga medalya at tropeo, ipinakita ng mga batang atleta ang kahalagahan ng disiplina, tiyaga, teamwork, at sportsmanship sa bawat laban.
Sa bawat tagumpay at karanasang baon mula sa paligsahan, patuloy na itinatanghal ng mga atleta ang kanilang paaralan nang may pagmamalaki.
PADAYON, BATANG ANULIHSTA!
βοΈMaster B
πΈ Lavinia Marchela, Aira Margareth, Princess Panganiban