KATHAngZac

KATHAngZac Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from KATHAngZac, Mendez.

27/10/2025
A VERY SPECIAL MESSAGE TO MY HUSBAND 😁DAHIL VALENTINES DAW KUNO❣️❣️❣️Maraming valentines na ang ngdaan na di tayo ngcece...
13/02/2024

A VERY SPECIAL MESSAGE TO MY HUSBAND 😁
DAHIL VALENTINES DAW KUNO❣️❣️❣️

Maraming valentines na ang ngdaan na di tayo ngcecelebrate, no pressure sanay na ko!!! 😁😅

Sanay na ko na walang ganap,
walang kahit na ano,

" ang mahalga lang nman saken tapat ka sa Diyos, saken at sa lahat ng aspeto. Tanda kasi yon ng respeto."

By:Makathangzac na asawa mo😅

"Mensahe sa mga taong, pitiks sa buhay"May goal ka??? Ba't puro ka higa,Kilos, bangon at gumawa ng tama upang sa huli'y ...
13/02/2024

"Mensahe sa mga taong, pitiks sa buhay"

May goal ka??? Ba't puro ka higa,
Kilos, bangon at gumawa ng tama upang sa huli'y di ka magsisi't lumuha.
Huwag puro hayahay, galaw, kilos gamit ang kamay!
Sabi mo may goal ka? Bangon at trabahuin mo, wag puro sa salita lamang.
Hindi ang goal mo ang mag-aadjust Sa'yo, kailangan mong magbungkal bago makuha ang ginto.
Matuto kang yumuko, habang wala ka pang napapatunayan sa sarili mo.
Huwag kayabangan, kundi kapakumbabaan ang kailangan.
Kung gusto mo maranasan ang pabor ng Diyos,
Sarili Mo'y kailangan mo muna isaayos.
Wag ka puro kuskos balungos, kilos-kilos.
Gumising ng maaga,tupiin ang higaan, kumilos ka't Sarili Mo'y hilamusan,
Humarap sa salamin, sabay sabihin "ang goal ko'y handa ko ng abutin".

15/05/2022

Short Free style SPOKEN:

"t-i WALA"
KATHAngZac

May natuklasan akong isang salita na di kapani-paniWALA.
Sa una'y maganda sa pandinig ngunit sa huli'y kahina-hinala.
Parang patibong na nakakubli na Sa'yoy bibitag sa huli.
Aamu-amuin kang panig sa'yo, ngunit ang totoo'y sa kabila kakampi.
Ito ka nga't hubad na magsasabi nang tinatago mo sa sarili, ngunit pagdaka'y ipagkakalat kasiraan mo sa marami.
Kahubara'y nahayag sa madla, at ngayon lamang magsisi, na bakit ko pa ba sa kanya sinabi,
Ako ngayo'y walang masisi kundi ang hindi maingat na sarili.
Ilang beses na akong sa tao'y nagtiwala,
Ilang beses ko na din napatunayang sila'y di tapat sa pangako at kanila itong sinisira,
Ilang beses din akong umasa, ngunit walang napala,
Kaya sa ilang beses nitong pagkasira, natiyak kong
Di na muli mababalik ang nasirang tiWALA.
Limang letra na binubuo ng misteryosong salita,
Nakapag inalis mo ang unlaping ti.. Ang matitira ay salitang ugat na WALA.
Wala sa mundong ito ang katiwa-tiWALA, tanging ang Diyos lamang na may alam sa sangnilikha.

08/05/2022

" Mensahe ng Isang Balot na Sitserya"
KATHAngZac

Literal na maikling kwento: (basahin mo)

Larawan ito ng isang masayang pamilya , oo larawan ng nagkakaisa at walang pagkukunwang sa isat-isa.
Nagsimula ang kwentuhan, may kasamang tawanan, oras ay di na namamalayan. Lumalim pa nga ang usapan nang ang "Isang Balot na Sitserya'y buksan, "humirit na ng mga barberong salitaan at lahat nama'y naghagikhikan at maya-maya'y napunta na sa seryosong usapan.Tumingin kami sabay-sabay sa orasan at sabay pahaging na biruang," sana nga may dumaan at kumatok man lang sa munti nating pintuan 'nang maranasan biyayang di inaasahan, ngunit ito' y pasubali at pagbibirong patutsada lamang. Aming napagtanto, kay bilis ng segundo, minuto, at lahat palaban sa puyatan. Kung gaano kabilis maubos ang kalabasang buto na hinimay naming husto ,ganun pala kabilis umiikot ang mundo. Amin ngang napagtanto maya-maya lamang tayo na nga'y buboto. Sino nga ba ang nararapat sa pwesto? Isang pahabol na tulog ng madaling araw na ito bago ang makasaysayang halalan sa bansang ito. Abangan natin kung sino ang magiging Pangulo. Wala kaming pagtatalo, payapa kaming buboto, 'pagkat ang pagkapanalo sa halalan ng mga kandidato ay nakatakda sa kapasyahan ng Diyos ito at hindi sa kamay ng tao. Dito nagtatapos ang aming maikling kwento, isang balot na sitserya ang sa ami' y nagpasaya,ngunit malaking mensahe pala ang dala. Hinimay namin ng husto ang kalabasang buto at nilasap ang sarap nito habang nakikinig sa masayang istorya at kwento. Kaya ikaw na nagbabasa nito, himayin ng husto, piliin ang nararapat na tao nang malasap mo ang ginhawa ng pagbabago at piliin ang pagkakaisa kaysa pakikipagtalo!

22/08/2021

"Isang taon nang PINAG-ISA"
(First Wedding Anniversary)
Voice over by: KathangZac

See FULL VIDEO on this LINK👇

https://youtu.be/yugpB30WmAE

Once upon a time, may dalawang taong sabay
na binuo ang kanilang mga pangarap.
Pangarap na makapagtapos sa pag-aaral, makatulong
sa pamilya, maglingkod sa Diyos ng magkasama,
at sa tamang panahon haharap sila sa altar na magkasama at bubuo ng sariling pamilya.

Pitong taon ang ginugol, bilang magkasintahan, ngunit di
naging madali ang mga pinagdaanan. Tanging salita ng Diyos ang matibay na pundasyon kung kayat kahit matagal ang proseso, mas pinili nila ito para masapul nila ang matamis na plano ng Diyos dito.

Ezekiel 37:22-23
[23]Sila'y pag-iisahin ko na lamang. Isa lamang ang magiging hari nila; hindi na sila mahahati, sila'y gagawin kong isa na lamang kaharian.
[23]...........

Hindi maitatanggi, dinanas din ito ng marami may mga panahong susubukin ang relasyon ng matindi. Marami ang nabibigo, at karamihan sa pag-ibig ay sawi. Subalit pagtitiwala sa Diyos at sa isa't-isa ang tangi nilang susi.
May mga panahong, nagkakamali, subalit mas pinili nila ang manatili.

Pitong taoong kay tagal, ngunit sa isang iglap dumatal. Sinong mag-aakala sa gitna ng pandemya magaganap ang kasal. Diyos ang nagtakda, pag-ibig nila siya ang may akda. Sinong hindi mabibigla, tunay na kamangha-mangha ang Diyos na dakila.

"TAGUMPAY ANG RELASYON,
ANG DIYOS ANG PUNDASYON".

24/07/2021

"ULAN"
Maikling tula by KATHAngZac

Ulan, ulan di ka namin kayang pigilan,
Pagbuhos mong kay lakas di namin kayang labanan,
Isang linggo na ng ika'y aming maranasan,
Mga bahay kubo o semento, iyong pinasakitan,
Ibang lugar ay naghihinagpis sa iyong kalabisan,
Baha dito, baha doon, sa balita'y aming nasaksihan,
Alam naming ika'y di maunawaan,
Bawat hina at paglakas may mensahe kang pinaparatingan,
Patawad sa aming kadustahan sa mahal na kalikasan,
Patawad sa aming mga kasalanan,
Kami naman ngayo'y kaawaan, sana naman kayo'y mangagsitahan,
Kami namay umaasa sa Diyos na MAKAPANGYARIHAN,
Na siyang mag uutos na ikaw ay tumahan.
Oh Ulan, ikaw namay tumahan, kami ay iyong kaawaan.
Iparanas na sa amin ang kapayapaan.
Ulang dulot ng kalangitan, nagpapaalalang may Diyos
na MAKAPANGYARIHAN, SIYANG NAGPAPAULAN, SIYA RING KAYANG ULAN'Y PIGILAN☝️

by ulan😁

Dear Leaders|Ministers| at Kung sa tingin mo ikaw ito na may "PUSO SA PAMILYA"!PAMILYA MUNA, BAGO BUHAY NG IBA!!!Marahil...
15/07/2021

Dear Leaders|Ministers| at Kung sa tingin mo ikaw ito na may "PUSO SA PAMILYA"!

PAMILYA MUNA, BAGO BUHAY NG IBA!!!

Marahil marami sa ating mga KRISTYANO ang nagtataka kung bakit hindi tayo epektibo sa ating kinabibilangang ministeryo.

Yung tipong sasabihin mo ang tag line na, "ginawa ko naman lahat pero di pa rin epektib, wala pa ring nagbabago sa sistema".

BAKIT NGA BA???? (Malaking tanong, maaaring ito ang kasagutan) 👇

1 Timoteo 3:5
[5]Sapagkat paano siyang makakapangasiwa nang maayos sa iglesya ng Diyos kung hindi niya maiayos ang sarili niyang pamilya?

"Walang perpektong pamilya ika nga ng iba, pero may perpektong Diyos na kayang bumuo ng maayos, mahusay, nagmamahalan nagkakaisa at naglilingkod ng tapat na pamilya sa ating buhay na Diyos".

Sabi nga ng Bibliya: (Aklat ng 1 Timoteo chapter 3)

1 Timoteo 3:1-12

[1]Totoo ang pahayag na ito: Ang sinumang nagnanais na maging tagapangasiwa sa iglesya ay naghahangad ng mabuting gawain.

[2]Kaya nga, ang isang tagapangasiwa ay kailangang walang kapintasan; isa lamang ang asawa, marunong magpigil sa sarili, maingat, kagalang-galang, bukás ang tahanan sa iba, at may kakayahang magturo.

[3]Hindi siya lasenggo, hindi marahas, kundi mahinahon; hindi mahilig makipag-away at hindi maibigin sa salapi.

[4]Dapat mahusay siyang mamahala sa sariling pamilya, iginagalang at sinusunod ng kanyang mga anak.

[5]Sapagkat paano siyang makakapangasiwa nang maayos sa iglesya ng Diyos kung hindi niya maiayos ang sarili niyang pamilya?

[6]Kailangang siya'y matagal nang mananampalataya; sapagkat kung hindi, baka siya'y maging palalo at mapahamak na gaya ng diyablo.

[7]Bukod dito, kailangang siya'y may mabuting patotoo sa paningin ng mga hindi sumasampalataya upang di siya mapintasan at hindi mahulog sa bitag ng diyablo.

[8]Ang mga tagapaglingkod naman ay dapat ding maging kagalang-galang, tapat mangusap, hindi lasenggo at hindi sakim sa salapi.

[9]Kailangang sila'y tapat sa pananampalataya na ating ipinapahayag, at may malinis na budhi.

[10]Kailangang subukin muna sila, at kung mapatunayang sila'y karapat-dapat, saka sila gawing mga tagapaglingkod.

[11]Gayundin naman, ang mga babaing tagapaglingkod ay dapat maging kagalang-galang, hindi tsismosa, mapagtimpi at matapat sa lahat ng mga bagay.

[12]Ang mga tagapaglingkod sa iglesya ay dapat isa
lamang ang asawa at maayos mangasiwa sa kanilang mga anak at sambahayan.

Kaya pala, nalinawan ka na ngayon kapatid😉,
Tunay nga ang Salita ng Diyos, tapat at totoong totoo.

Gusto mo maging epektibong taga pangasiwa,
pagbutihan mo muna daw pangasiwaan ang pamilya mo, bago ang iba, tiyak magiging epektibo ka.

Be onfire 🔥for GOD ☝️

KATHAngZac
Godbless!!!

This is for the GEN Z Youth reminder: (PARA SA MGA KRISTYANONG KABATAAN) "Di ka lang basta SAIYAN-SUPER SAIYAN ka" Likas...
13/07/2021

This is for the GEN Z Youth reminder:
(PARA SA MGA KRISTYANONG KABATAAN)

"Di ka lang basta SAIYAN-SUPER SAIYAN ka"

Likas sa tao ang pagiging "MAPANGMATA", bakit
Kasi naka base lang sila sa mga bagay na nakikita,(physical judgment) naririnig patungkol sa inyong karanasan, kilos, galaw at sa pangkalahatang pagtingin sa inyo.

Let me share this to You:

1 Timoteo 4:12 (MBB)
Huwag mong hayaang hamakin ka ninuman dahil sa iyong kabataan. Sa halip, sikapin mong maging halimbawa sa mga mananampalataya, sa iyong pagsasalita, pag-uugali, pag-ibig, pananampalataya at malinis na pamumuhay.

Anong connect ni GOKU???

From nothing to something transformed :

See the before and after transformation and reflect on this.

Makikita mo dito kung gaano kasinungaling ang mundo, at mga taong "MAPANGMATA" sayo.

In Fact : Basta kilala mo ang Diyos at ang katayuan mo sa harap ng Diyos, PANALO KA!

Tulad ni Goku, "di ka tinakda na Saiyan lang,
Isa kang Supers Saiyan". (binago ka ng Diyos).

Lagi mong tandaan:

Juan 1:16 (MBB)
Dahil siya'y puspos ng pag-ibig, naranasan natin ang masaganang kagandahang-loob ng Diyos.

Binago tayong lahat dahil sa salitang ito, di tayo kailanman makokondena ng kasinungalingan dahil
Ang Diyos ang katotohanan.

Be onfire 🔥for GOD ☝️

KATHAngZac
Godbless!!!

Address

Mendez

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when KATHAngZac posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share