DepEd Cagbalete Island NHS - Quezon Province

DepEd Cagbalete Island NHS - Quezon Province We Are Cagba

🌷 IHANDA NA ANG MGA FLORAL OUTFIT!🌺Mga Nanay, Tatay, Guardians, at mga G**o, itabi muna ang pang-araw-araw na kasuotan! ...
21/08/2026

🌷 IHANDA NA ANG MGA FLORAL OUTFIT!🌺

Mga Nanay, Tatay, Guardians, at mga G**o, itabi muna ang pang-araw-araw na kasuotan! Oras na para mag-ayos, magpabango, at magsuot ng Floral Outfit para sa ating pinakaaabangang kaganapan sa CINHS! 💐

Sama-sama nating saksihan ang pag-usbong ng mga bagong pinuno at ang pagmamayagpag ng ating mga natatanging reyna!

🌹 MGA HIGHLIGHT NG GABI:

Oath Taking: Ang opisyal na panunumpa ng ating mga SPTA Officers 2026 na handang maglingkod nang buong puso.

Search for Mrs. SPTA 2026: Ang paandaran at paligsahan ng kagandahan at talino ng ating mga ina! Sino ang mag-uuwi ng korona? 👑

🌸 DRESS CODE: Floral / Plant-inspired Elegance (Mula sa simpleng bulaklakin hhanggangsa pinaka-grandeng gown!)

🗓️ Kailan: Huwebes, Setyembre 17, 2026
🕦 Oras: 6:30 ng gabi
📍 Saan: CINHS Covered Court

Huwag papahuli sa pinakamakulay at pinakamabangong kaganapan ngayong taon! Isama ang buong pamilya at magdiwang tayo bilang isang komunidad. 🌻


Remembering Ninoy Aquino Day 🇵🇭Today, August 21, we commemorate Ninoy Aquino Day, a significant milestone in our nation'...
20/08/2026

Remembering Ninoy Aquino Day 🇵🇭

Today, August 21, we commemorate Ninoy Aquino Day, a significant milestone in our nation's history.

As a national holiday, it marks the death anniversary of former Senator Benigno "Ninoy" Aquino Jr., whose courage, patriotism, and ultimate sacrifice became a powerful catalyst for the restoration of our country's democracy.

Beyond a day off from classes, may this occasion serve as a reminder for us—especially our dear students and youth—of the value of freedom, civic duty, and standing up for what is right through peaceful means. Let us continue to honor his legacy by being catalysts of positive change in our communities, starting right here in Cagbalete Island.





Si Manuel Luis Quezon y Molina (1878–1944) ay ang unang Pangulo ng Komonwelt ng Pilipinas at kinikilala bilang ikalawang...
19/08/2026

Si Manuel Luis Quezon y Molina (1878–1944) ay ang unang Pangulo ng Komonwelt ng Pilipinas at kinikilala bilang ikalawang Pangulo ng bansa.

Mga Trivia Kay Manuel L. Quezon
"Ama ng Wikang Pambansa": Sa pamamagitan ng Executive Order No. 134 noong 1937, opisyal niyang idineklara ang Tagalog bilang batayan ng pambansang wika ng Pilipinas.

Tumanggap ng mga Nakaligtas na Hukom (Jewish Refugees): Bago at habang nagaganap ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nagbukas si Quezon ng pintuan sa Pilipinas para sa higit 1,200 na Judiong tumatakas mula sa Holocaust sa Europa.

Pinanaligan ang Karapatan ng Kababaihan sa Pagboto: Sa ilalim ng kanyang pamumuno, naipasa ang plebisito noong 1937 na nagbigay sa kababaihang Pilipino ng karapatang bumoto (Women's Suffrage).

Matagumpay na Sundalo at Abogado: Bago pumasok sa politika, naglingkod siya bilang aide-de-camp ni Heneral Emilio Aguinaldo noong Digmaang Pilipino-Amerikano at nakakuha ng ika-apat na pwesto (4th place) sa 1903 Bar Examinations.

Unang Pangulo na Sumakabilang-Buhay sa Ibang Bansa: Pumanaw si Quezon noong Agosto 1, 1944 sa Saranac Lake, New York dahil sa sakit na tuberculosis habang nasa exile ang gobyerno ng Komonwelt noong WWII.

Bakit Ipinagdiriwang ang "Quezon Day"?

Ipinagdiriwang ang Quezon Day tuwing Agosto 19 taun-taon upang alalahanin at parangalan ang kaarawan ni Pangulong Manuel L. Quezon (isinilang noong Agosto 19, 1878).

Batayang Batas:
Sa ilalim ng Republic Act No. 6741 (na naipasa noong 1989), ang Agosto 19 ay opisyal na idineklara bilang: Special Non-Working Holiday sa Quezon City, Lalawigan ng Quezon, at Lalawigan ng Aurora.

Special Working Holiday naman sa natitirang bahagi ng buong Pilipinas.

Layunin ng Pagdiriwang: Ginugunita nito ang kanyang mahalagang ambag sa kalayaan ng bansa, pagtataguyod ng katarungang panlipunan (Social Justice), pagbuo ng sariling wika, at ang kanyang pangarap na itatag ang isang bagong kabisera na kalaunan ay ipinangalan sa kanya—ang Lungsod Quezon.

🌟 HANDANG MAGLINGKOD, HANDANG MAGKAISA! 🧹🏫Hindi po matatawaran ang sipag at dedikasyon ng ating mga 4Ps members sa Cagba...
19/08/2026

🌟 HANDANG MAGLINGKOD, HANDANG MAGKAISA! 🧹🏫

Hindi po matatawaran ang sipag at dedikasyon ng ating mga 4Ps members sa Cagbalete Island National High School! Sa mabilisang panawagan ng paaralan para sa paglilinis, agad silang tumugon at nag-alay ng kanilang oras at lakas.

Kayo po ang patunay na ang paaralan at ang komunidad ay magkatuwang sa pagbuo ng isang ligtas, malinis, at maayos na kapaligiran para sa ating mga kabataan.

Ang inyong pakikiisa ay bahagi rin ng pagtupad sa ating tungkulin sa ilalim ng Republic Act No. 11310 (Pantawid Pamilyang Pilipino Program Act), na naglalayong patatagin ang ugnayan ng bawat pamilya sa pagpapaganda ng ating pamayanan.

Maraming salamat kina Jhunelle B. Baruelo at Lisette Ann L. Sandoval, Project Development Officer II- Municipal Link at Bb. Dianne R. Caberera sa inisyatibo ng gawaing ito.

Mula sa pamunuan, g**o, at mag-aaral ng Cagbalete Island NHS—MARAMING MARAMING SALAMAT PO SA INYONG AGARANG PAGTALIMA AT PATULOY NA PAGIGING KATUWANG! 🙌💙




Isang malaking karangalan para sa Cagbalete Island National High School na ibahagi ang pakikilahok ng ating mga mahuhusa...
18/08/2026

Isang malaking karangalan para sa Cagbalete Island National High School na ibahagi ang pakikilahok ng ating mga mahuhusay na mag-aaral sa ginanap na Youth Counterpart Election sa ilalim ng Local Youth Development Office ng LGU Mauban kaugnay sa pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan 2026 sa ating bayan!

Taas-noo nating kilalanin ang ating mga estudyante na nagpamalas ng husay, dedikasyon, at kakayahang mamuno sa pamahalaang lokal:

👑 Little PPSK President: Jerra Ney Gubantes
✍️ Little Sangguniang Bayan Secretary: Allyza Khate Galendez
🎓 Little Pambayang Kolehiyo ng Mauban President: Xhaniah Mae Gasid
📖 Little PKM Vice President for Academic Affairs: Jhandy Gael Durante

Ang inyong ipinakitang kagalingan ay patunay na ang kabataang Isla ay hindi lang pag-asa ng bukas, kundi katuwang na sa paghubog ng magandang kinabukasan ngayon!

Maraming salamat sa LGU Mauban at sa Lokal na Asembleya ng Kabataan sa pagbibigay ng ganitong pagkakataon upang mahasa ang leadership potential ng ating mga mag-aaral.

Mabuhay ang Kabataang Maubanin! Mabuhay ang CINHS! 🇵🇭🏝️





📢 PABATID SA PUBLIKO AT PAARALANCAGBALETE ISLAND NATIONAL HIGH SCHOOL (GRADES 7-12)📅 August 18, 2026 | MartesIpinagbibig...
18/08/2026

📢 PABATID SA PUBLIKO AT PAARALAN

CAGBALETE ISLAND NATIONAL HIGH SCHOOL (GRADES 7-12)
📅 August 18, 2026 | Martes

Ipinagbibigay-alam sa lahat ng mga mag-aaral, g**o, at mga magulang na ang klase ngayon, August 18, 2026 (Martes ng hapon), ay isasagawa sa pamamagitan ng ASYNCHRONOUS LEARNING MODALITY.

Ito ay matapos itaas ang Orange Rainfall Warning batay sa opisyal na anunsyo ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

📌 MGA PAALALA:

Para sa mga Mag-aaral: Manatili sa loob ng tahanan at gawin ang mga nakatakdang Self-Learning Modules (SLMs) o mga gawain mula sa inyong mga g**o.

Para sa mga G**o: Subaybayan ang mga gawain ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng inyong opisyal na Class Group Chats (GCs) at magpasa ng kinakailangang Means of Verification (MOVs).

Para sa mga Magulang: Gabayan ang inyong mga anak sa kanilang home-based learning at tiyakin ang kanilang kaligtasan habang masama ang panahon.

Manatiling ligtas at alerto, Cagbaletenians! 💚




PABATID SA PUBLIKOAng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) ay nagpapaalala sa publiko, lalo na sa mga magulang at tagapag-alag...
18/08/2026

PABATID SA PUBLIKO

Ang Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) ay nagpapaalala sa publiko, lalo na sa mga magulang at tagapag-alaga, tungkol sa mahahalagang alituntunin sa suspensyon ng klase batay sa DepEd Order No. 22, s. 2024.

Mga Magulang at Tagapag-alaga, ang inyong desisyon ay mahalaga:

Ang mga magulang o legal na tagapag-alaga ay may pangunahing responsibilidad sa pagpapasya kung dapat ba pumasok sa paaralan ang kanilang anak kung sa kanilang pananaw, ang paglalakbay papunta at pabalik sa paaralan ay mapanganib dahil sa baha, malakas na ulan, o iba pang panganib na may kinalaman sa panahon.

Ang inyong desisyon ay dapat igalang.

Ang mga mag-aaral ay HINDI papatawan ng multa para sa hindi pagpasok sa ilalim ng mga sirkumstansyang ito.

Ang kaligtasan ng ating mga mag-aaral ang aming prayoridad. Hinihimok namin ang lahat ng mga magulang at tagapag-alaga na unahin ang kaligtasan ng kanilang mga anak kapag may masamang panahon.

Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring makipag-ugnayan sa inyong lokal na paaralan o DepEd office.

Salamat sa inyong pagtutulungan.

🛡️ PARA SA LIGTAS AT MAPAGKALINGANG PAARALAN! 🏫✨Isinagawa ng Cagbalete Island National High School ang oryentasyon tungk...
15/08/2026

🛡️ PARA SA LIGTAS AT MAPAGKALINGANG PAARALAN! 🏫

✨Isinagawa ng Cagbalete Island National High School ang oryentasyon tungkol sa DepEd Order No. 006, s. 2026 (Guidelines on Ensuring a Safe and Motivating Learning Environment) para sa ating mga mag-aaral. Ang talakayan ay pinangunahan nina Bb. Blessie Joyce D. Bamba at Gng. Lydia F. Salumbides, mga Designated Guidance Teachers ng JHS at SHS.

Alinsunod sa instructional block policy ng DepEd, isinagawa ang oryentasyon nang by year level upang walang maantalang klase. Matapos ang oryentasyon, agad na bumalik ang mga mag-aaral sa kani-kanilang silid-aralan upang magpatuloy sa kanilang mga aralin.

Sa pamamagitan ng oryentasyong ito, ibinahagi ang mga malinaw na alituntunin ukol sa:
✅ Pag-iwas sa Bullying sa lahat ng antas (Minor, Serious, Severe)
✅ Mga Disiplina at Polisiya sa Non-Bullying Offenses
✅ Mga tamang Interbensyon at Guidance Counseling para sa paghubog ng magandang asal.

Sa CINHS, katuwang ang ating mga Guidance Teachers, g**ong tagapayo, subject teachers, magulang, at mag-aaral, sisiguraduhin nating ligtas, masaya, at motibado ang bawat isa sa kanilang pag-aaral! 💙

"CINHS: ANG PAARALANG MATATAG, PUSO'Y NAG-AALAB!" 🔥



🎉 NAGKAISA AT NAKIISA SA LINGGO NG KABATAAN 2026! 💙✨Puno ng sigla at talino na nakiisa ang mga mag-aaral at student lead...
15/08/2026

🎉 NAGKAISA AT NAKIISA SA LINGGO NG KABATAAN 2026! 💙✨

Puno ng sigla at talino na nakiisa ang mga mag-aaral at student leaders ng Cagbalete Island National High School sa ginanap na Opening Ceremony at Youth Counterpart Election para sa pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan 2026 na may temang "Different Contexts, Common Aspiration", noong Agosto 14, 2026 sa Mauban Gymnasium.

Ipinamalas ng ating mga kinatawang mag-aaral ang kanilang aktibong pakikilahok at dedikasyon sa pamumuno, civic engagement, at pagsuporta sa youth governance ng ating bayan.

Isang tapat at taos-pusong PASASALAMAT din po ang aming pinaabot sa Local Youth Development Office (LYDO) - Mauban, sa pangunguna ni Mr. Dondi U. Decena, sa pag-alalay at pagtiyak sa ligtas na pagsundo at paghatid (safe transport) sa ating mga mag-aaral mula sa Isla ng Cagbalete patungong Mauban Gymnasium at pabalik. Ang inyong walang sawang suporta sa ating mga kabataan ay tunay na kapuri-puri! 🙌

Maraming salamat din po sa Pamahalaang Bayan ng Mauban sa pangunguna ng ating Punong Bayan, Hon. Bautista Erwin Dwight C. Pastrana at Vice Mayor Hon. Sir Alween M. Sardea.

Salamat kay Bb. Lea May O. Derecho, CINHS SSLG Co- Adviser at G. Michael Anthony T. Nadera, CINHS SSLG Adviser sa pag-aasikaso sa mga batang kalahok!

Mabuhay ang Kabataan ng Mauban! Mabuhay ang Batang Cagbaletenians! 🌟





✨PAGBATI PARA SA ISANG BAGONG YUGTO NG PAMUMUNO!✨"Leadership is not about a title or a designation. It's about impact, i...
14/08/2026

✨PAGBATI PARA SA ISANG BAGONG YUGTO NG PAMUMUNO!✨
"Leadership is not about a title or a designation. It's about impact, influence, and inspiration."

Isang mainit na pagbati kay Rich-Ann N. Gonzaga ng Cagbalete Island NHS sa kanyang pagkakapanalo bilang YECS First District Board Member ng Quezon Division para sa SY 2026–2027 (batay sa Division Memorandum No. 0724, s. 2026).

Ang iyong dedikasyon sa entrepreneurship at pamumuno ay nagsisilbing inspirasyon sa kapwa mo kabataan sa Mauban South at sa buong Unang Distrito! Suportado ka namin sa iyong layuning maglingkod at magdala ng positibong pagbabago! 🌟
Lay-out: Rose Ann C. Gulfan



Address

Cagbalete I
Mauban
4330

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5am
Friday 8am - 5pm

Telephone

+639605381116

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DepEd Cagbalete Island NHS - Quezon Province posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The School

Send a message to DepEd Cagbalete Island NHS - Quezon Province:

Shortcuts

Share

Category