21/08/2026
Matagumpay na Gallery Walk: “Kulay ng Kultura, Yaman ng Heograpiya, Lakas ng Pagkakakilanlan.”
Ni: Ginang Rose Bohol
Buong pagmamalaki nating ipinagdiriwang ang matagumpay na pagsasagawa ng Gallery Walk Performance Task sa asignaturang Pag-aaral ng Kasaysayan at Lipunang Pilipino (KPLP) na may temang “Kulay, Kultura, at Heograpiya ng mga Pangkat Etniko sa Pilipinas.”
Naging napapanahon ang pagsasagawa nito ngayong buwan ng Agosto, sapagkat naging bahagi ito ng mga gawain ng MSAT-SHS sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa at Buwan ng Kasaysayan, dalawang pagdiriwang na may malapit na kaugnayan sa nabanggit na performance task dahil ang wika at kasaysayan ay mahalagang bahagi ng pagkilala, pag-unawa, pagpapanatili, at pagpapahalaga sa pagkakakilanlan, tradisyon, paniniwala, at kulturang pamana ng iba’t ibang pangkat etniko sa Pilipinas.
Sa pamamagitan ng Gallery Walk, naipakita ng ating mga mag-aaral ang kanilang kamalayang pangkasaysayan, pagkilala at pag-unawa sa “saysay” ng nakaraan upang mas maintindihan kung sino tayo ngayon at maibabahagi sa susunod na mga henerasyon sa malinaw, makabuluhan at puno ng pagmamahal na kamalayan.
Sa ganitong paraan, ang gawain ay hindi lamang nakatugon sa mga pamantayan at kasanayan ng asignaturang KPLP, kundi naging isang makabuluhang pagdiriwang ng mayamang wika, kasaysayan, kultura, at pagkakaiba-iba ng ating pagka-Pilipino.
🌟 Taos-pusong pasasalamat sa mga kasamahang g**o sa KPLP – sa pagpaplano, pagbuo, pag-oorganisa, paggabay, at pangangasiwa sa buong gawain. Ang kakaibang dedikasyon ang naging mahalagang bahagi upang maging makabuluhan at matagumpay ang Gallery Walk.
🌟 Sa mga g**ong tagapayo – maraming salamat sa patuloy na paggabay, paghikayat, koordinasyon, at suporta sa kanilang mga mag-aaral bago at habang isinasagawa ang aktibidad.
🌟 Sa mga g**o sa iba’t ibang asignatura ng bawat pangkat – maraming salamat sa inyong pakikiisa, kooperasyon, at suporta sa paghikayat sa mga mag-aaral na aktibong makilahok at maipakita ang kanilang mga talento at kakayahan at sa oras na inyong pinapahiram.
🌟 Sa mga Kagalang-galang na Hurado – maraming salamat sa pagbibigay ng inyong mahalagang oras, kaalaman, at patas na pagsusuri. Ang inyong presensya at makabuluhang puna ay nagsilbing inspirasyon sa ating mga mag-aaral upang maipakita ang kanilang pinakamahusay na kakayahan.
🌟 Sa ating Assistant Principal, Ma’am Hazel A. Silvosa – taos-puso po ang aming pasasalamat sa inyong presensya, paggabay, paghikayat, pamumuno, at walang sawang suporta. Malaki ang naging ambag ng inyong pamumuno sa matagumpay na pagsasagawa ng makabuluhang gawaing ito.
At higit sa lahat, MALIGAYANG PAGBATI sa lahat ng mag-aaral ng Baitang 11. Ang inyong sipag, pagtutulungan, pagkamalikhain, kasanayan sa pagsasaliksik, at pagpapahalaga sa ating kulturang pamana ang tunay na nagbigay-buhay at tagumpay sa Gallery Walk na ito.
Sa ating pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa at Buwan ng Kasaysayan, nawa’y magsilbing paalala ang gawaing ito na:
Ang ating wika ay nagsasalaysay ng ating mga kuwento, ang ating kasaysayan ay humuhubog sa ating pagkakakilanlan, at ang ating mayamang kultura at pagkakaiba-iba ang nagbibigay-lakas sa ating pagka-Pilipino.
Mabuhay ang Kulturang Pilipino!
Mabuhay ang ating Kasaysayan!
Mabuhay ang Wikang Pambansa!
Mabuhay ang Baitang 11 ng MSAT.