15/07/2026
TINGNAN ๐ | Pasya ng masang magKaSama
Matagumpay na nairaos ang Club Day o Pagtitipon ng Samahan ng mga Mag-aaral sa Filipino (SAMAFIL) kahapon, ika-14 ng Hulyo 2026, kung saan ang bawat kaSAMA ay nagsama-sama upang talakayin, magbahagi ng mga mungkahi, at bumoto para sa opisyal na disenyo ng club shirt na magsisilbing sagisag ng pagkakakilanlan hindi lamang bilang isang samahan subalit bilang responsable at tapat na mga mamamayan ng BAYAN.
Upang maging mas maayos at organisado ang daloy ng pagpupulong, hinati ang mga kaSAMA sa dalawang pangkat. Ang unang pangkat ay binuo ng mga mag-aaral mula Baitang 7โ9, na pinangunahan nina Bb. Keyza Vicente, Club Moderator, at Heart Trixie Salva, Pangulo ng SAMAFIL. Samantala, ang ikalawang pangkat ay binuo ng mga mag-aaral mula Baitang 10โ12, na pinangunahan ni Bb. Mariel S. Caรฑabano, Assistant Club Moderator, kasama ang ibang opisyales ng samahan.
Sa bawat koponan, malayang naipahayag ng mga kaSAMA ang kanilang mga mungkahi at pananaw hinggil sa magiging opisyal na disenyo ng club shirt. Isinagawa rin ang isang demokratikong botohan upang mapili ang disenyong tunay na kakatawan sa pagkakaisa, adhikain, at identidad ng samahan.
Muling pinatunayan ng gawaing ito na ang lakas ng SAMAFIL ay hindi lamang nasusukat sa mga programang isinasagawa nito, kundi sa aktibong pakikilahok, pagtutulungan, at pagkakaisa ng bawat kaSAMA. Sapagkat sa SAMAFIL, ang bawat tinig ay may halaga, at ang bawat boto ay may nararapat maitatag upang ang kariwasaan sa bayan ay mapalawig gamit ang sariling himig.
โ๏ธ: Lowin Salimbagat
๐ผ๏ธ: Angel Claire Didal
๐โค๏ธ๐