01/10/2026
Batang MCES, Protektado sa Bakuna
Isinulong ng Matalam Central Elementary School (MCES) ang kalusugan at kapakanan ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng school-based vaccination program na ginanap nitong ika-1 ng Oktubre 2026 sa MCES Social Hall.
Isinagawa ang pagbabakuna sa tulong ng Local Government Unit (LGU) ng Matalam, katuwang si Matalam South District School Nurse Cecile J. Segumban. Layunin ng programa na maprotektahan ang mga mag-aaral laban sa iba’t ibang sakit at mapanatili ang kanilang kalusugan.
Tumanggap ng Measles-Rubella at Diphtheria vaccines ang mga mag-aaral mula sa unang baitang. Samantala, binigyan naman ng HPV vaccine at Tetanus Toxoid ang mga babaeng mag-aaral sa Ikaapat na baiting.
Patuloy na nakikiisa ang MCES, sa pamumuno ni Juheri K. Pagocag, sa mga programang pangkalusugan ng pamahalaan upang mapangalagaan ang kaligtasan at kapakanan ng mga mag-aaral.