28/03/2026
Khutbah 06
Topic: Ang Kahalagahan ng Buwan ng Shawwal
Unang Khutbah
إِنَّ الْحَمْدَ لِلَّهِ، نَحْمَدُهُ وَنَسْتَعِينُهُ وَنَسْتَغْفِرُهُ,وَنَعُوذُ بِاللَّهِ مِنْ شُرُورِ أَنْفُسِنَا، وَمِنْ سَيِّئَاتِ أَعْمَالِنَا،
مَنْ يَهْدِهِ اللَّهُ فَلَا مُضِلَّ لَهُ، وَمَنْ يُضْلِلْ فَلَا هَادِيَ لَهُ،
وَأَشْهَدُ أَنْ لَا إِلَٰهَ إِلَّا اللَّهُ وَحْدَهُ لَا شَرِيكَ لَهُ،
وَأَشْهَدُ أَنَّ مُحَمَّدًا عَبْدُهُ وَرَسُولُهُ.
يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا اتَّقُوا اللَّهَ حَقَّ تُقَاتِهِ، وَلَا تَمُوتُنَّ إِلَّا وَأَنْتُمْ مُسْلِمُونَ
Innal-hamda lillahi, nahmaduhu wa nasta’inuhu wa nastaghfiruhu, wa na’udhu billahi min shururi anfusina wa min sayyi-ati a’malina. May-yahdihillahu fala mudhilla lah, wa may-yudhlil fala hadiya lah. Ash-hadu an la ilaha illallahu wahdahu la sharika lah, wa ash-hadu anna Muhammadan ‘abduhu wa rasuluh.
Ya ayyu-halladhina amanut-taqullaha haqqa tuqatih, wala tamutunna illa wa antum Muslimun.
Mga kapatid sa Islam, ngayong araw ay ating tatalakayin ang tungkol sa buwan ng Shawwal. Pagkatapos nating dumaan sa madisiplinang buwan ng Ramadan, narito tayo ngayon sa Shawwal upang patunayan na ang ating pagsamba ay hindi natatapos sa paglubog ng araw ng huling araw ng Ramadan.
Mga kapatid ko sa Islam,
Nakamit natin ang buwan ng Ramadan, nag-ayuno, nagdasal, at nagbasa ng Qur'an.
Ngayon, tayo ay nasa buwan na ng Shawwal, ang buwan na sumusunod sa Ramadan. Ang Shawwal ay isang buwan ng pagpapatuloy ng kabutihan.
Ang unang araw ng Shawwal ay ang Eid al-Fitr, ang araw ng pagdiriwang at pasasalamat sa Allah. Mahalagang tandaan na ipinagbabawal ang mag-ayuno sa araw ng Eid.
Ang Anim na Araw ng Shawwal (Sitta Shawwal)
Isa sa pinakamahalagang sunnah (tradisyon) ng ating Propeta Muhammad (SAW) sa buwang ito ay ang pag-aayuno ng anim na araw.
Sinabi ng Propeta (SAW) sa isang Hadith:
مَنْ صَامَ رَمَضَانَ ثُمَّ أَتْبَعَهُ سِتًّا مِنْ شَوَّالٍ كَانَ كَصِيَامِ الدَّهْرِ"
"Sinuman ang mag-ayuno sa Ramadan pagkatapos ay sinundan niya ito ng anim na araw sa Shawwal, ito ay katulad ng pag-aayuno sa buong taon." (HR. Muslim)
Ang prinsipyo ng Islam ukol dito ay Ang Sinabi ng Allah
Bakit ito mahalaga?
1. Gantimpala ng Isang Taon: Ang bawat kabutihan ay may sampung katumbas na gantimpala. Ang 30 araw ng Ramadan x 10 = 300 araw. Ang 6 na araw ng Shawwal x 10 = 60 araw. 300 + 60 = 360 araw, na halos katumbas ng isang taong pag-aayuno.
Sa Qur'an, ipinaliwanag ng Allah kung paano kinakalkula ang gantimpala:
Sinabi ng Allah:
من جاء بالحسنة فله عشر أمثالها ومن جاء بالسيئة فلا يجزى إلا مثلها وهم لا يظلمون
Man ja'a bil-hasanati falahu 'ashru amthaliha..."
"Sinuman ang gumawa ng isang mabuting gawa, siya ay magkakaroon ng sampung katumbas nito..." (Surah Al-An'am 6:160)
2. Pagpapatuloy ng Pagsamba: Ito ay nagpapakita na ang pag-aayuno ay hindi lang para sa Ramadan. Ito ay tanda na ang ating pagiging alipin ng Allah ay hindi natatapos.
Ang Shawwal ay pagpapatuloy ng pagsamba mula Ramadan.
Sinabi ng Allah: واعبد ربك حتى يأتيك اليقين
Wa’bud Rabbaka hatta ya’tiyakal-yaqin."
"At sambahin mo ang iyong Panginoon hanggang sa dumating sa iyo ang katiyakan (kamatayan)."(Surah Al-Hijr 15:99)
3. Kagandahan ng Ugali: Ang Shawwal ay nagpapaalala sa atin na panatilihin ang disiplina, pasensya, at kabutihang asal na ating natutunan noong Ramadan.
Ang pag-aayuno sa Shawwal ay pasok sa utos ng Allah na mag-unahan sa kabutihan:
Sinabi ng Allah: فاستبقوا الخيرات
"Fastabiqul-khayrat..."
"Kaya mag-unahan kayo sa paggawa ng mabubuting gawa..."(Surah Al-Baqarah 2:148)
Maaaring i-ayuno ang anim na araw na ito nang sunod-sunod pagkatapos ng Eid, o kaya ay paghiwa-hiwalayin sa buong buwan ng Shawwal.
Aqulu qawli hadha wa astaghfirullaha li wa lakum wa li sa’iril Muslimina min kulli dhanbin, fastaghfiruhu innahu Huwal Ghafurur Rahim."
Ikalawang Khutbah
Allahamdulillah……
Mga kapatid, huwag nating hayaan na ang ating mga puso ay tumigas muli pagkatapos ng Ramadan. Ang pag-aayuno sa Shawwal ay isang magandang paraan upang ipakita ang ating pasasalamat sa Allah sa pagpapahintulot sa atin na maranasan ang Ramadan.
Gawin nating tulay ang Shawwal upang ang ating mga nakagawian (gaya ng pagdarasal sa masjid, pagbasa ng Qur'an, at pagbibigay ng sadaqah) ay magpatuloy sa buong taon.
Nawa'y tanggapin ng Allah ang ating mga pag-aayuno sa Ramadan at gabayan tayo sa pag-aayuno sa anim na araw ng Shawwal.
Allahumma taqabbal minna siyamana, wa qiyamana, wa ruku’ana, wa sujudana."
Allahumma wa-ffiqna li-siyami sittatin min Shawwal, wa-j’alhu khulisan li-wajhikal Karim.
Allahumma thabbit qulubana 'ala dinik, wa 'ala ta'atik, ba'da Ramadan.
Rabbana atina fid-dunya hasanatan, wa fil-akhirati hasanatan, wa qina 'adhaban-nar.
Akh Esmael Bin Yosoof