24/08/2026
Sabi nila, "English is power." Totoo naman. Pero ngayong Buwan ng Wika, ipaalala rin natin na may sariling lakas at ganda ang wikang Filipino.
May mga salitang sa atin lang tunay na nauunawaan tulad ng "kilig," "gigil," "lambing," at syempre... "mamaya na." 😅 Iyan ang patunay na ang ating wika ay hindi lang paraan ng pagsasalita, kundi salamin ng ating kultura, damdamin, at pagkakakilanlan.
Ngayong Agosto, samahan ninyo kami sa pagbabahagi ng mga jokes na magpapangiti at magpapagaan ng araw natin, mga paalala, at aral sa wikang sariling atin. Tara, ipagmalaki natin ang Filipino...dahil ang wikang minamahal ay wikang ipinagmamalaki.