COTO High School Barkada Kontra Droga Plus

COTO High School Barkada Kontra Droga Plus "Recovery is not for people who need it.Its for people who want it."

Ang BKD+ ay saludo sa inyong lahat!
06/12/2024

Ang BKD+ ay saludo sa inyong lahat!

Habang ang buong komunidad ng Coto High School ay nagbubunyi sa pamamayagpag ng koponan ng baseball kontra Sta.Cruz sa iskor na 25-1 at sa pagsungkit nina Allen Ziv Calub at Precious Fioma Fesway ng kanya-kanyang pilak sa magkaibang larangan ng paghagis ng discus at shotput, walang pagdadalawang-isip namang iniwan ni Jhon Timothy Llorente ang karerang 1.5 kilometro upang saklolohan ang nahimatay na katunggali sa kasagsagan ng kanilang pagtakbo sa unang araw ng Zonal Meet na ginanap sa Brgy. Dampay, Candelaria, Zambales.

"Naawa ako sa kanya, baka kung ano pang mangyari kung magpapatuloy ako sa pagtakbo", ito ang walang pangingiming saad ni Llorente.

Ayon pa sa kanya, nalagpasan na niya ito ngunit mabilis niyang binalikan ang nahandusay na katunggali upang humingi ng tulong sa mga tao sa paligid.

Napansin rin niyang hindi mabuti ang kondisyon nito na lalong nagpalakas ng kanyang loob na tuluyang biguin ang sarili na makalagos pa sa finish line.

"Walang katao-tao sa paligid, kaya ilang sandali rin akong nagsisigaw ng medic! medic! na sinabayan pa ng pagbusina ng traysikel na nakakita sa amin", dagdag pa ni Llorente.

Nang masigurong palapit na ang medic saka pa lamang niya iniwan ang katunggali at itinuloy ang pagtakbo kahit na bigo nang makahabol pa sa mga naunang mananakbo.

Bagaman nakapanghihinayang sa marami na pinalagpas ni Llorente ang pagkakataon na magkamit ng medalya sa larangan ng pagtakbo, ito ang walang bahid-hinayang niyang saad, "Okay lang, may plus point naman ako kay Lord."

Pinatunayan ni Llorente na isa siya sa iilang kabataan ng kanyang henerasyon na hindi nagpapaakit sa ningning ng materyal na karangalan at hindi nagpapadaig sa sindak ng pagkabigo kung ang kapalit naman nito'y pagkalugod ng Amang nagbigay-buhay sa kanya.

Kung ang buhay ay isang karera, ikaw ang tunay na nagkamit ng gintong medalya!

Larawang kuha ni Rian Reyes

Address

Sitio Coto Barangay Taltal Masinloc Zambales
Masinloc

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when COTO High School Barkada Kontra Droga Plus posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category