San Salvador Elem School 106896

San Salvador Elem School 106896 โ€œAnchored in values, Sailing towards dreams!โ€ ๐Ÿ˜‡๐Ÿซถ๐Ÿผ๐Ÿ™‚๐Ÿ’™ none

Maligayang Araw ng Kalayaan! ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญSa pagdiriwang ng ika-128 anibersaryo ng Proklamasyon ng Kalayaan ng Pilipinas, kaisa ang...
12/06/2026

Maligayang Araw ng Kalayaan! ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

Sa pagdiriwang ng ika-128 anibersaryo ng Proklamasyon ng Kalayaan ng Pilipinas, kaisa ang Kagawaran ng Edukasyon sa pagpupugay sa katapangan at sakripisyo ng ating mga bayani na nagbukas ng landas tungo sa ating kasarinlan.

Nawaโ€™y magsilbing inspirasyon ang kanilang pamana upang patuloy nating mahalin ang bayan, pahalagahan ang kalayaan, at magkaisa para sa mas maunlad na kinabukasan ng bansa.

Brigada Eskwela 2026: Tagumpay ng Isang Puso, Isang Bayanihan para sa mga Bata!Isang mapagpalang araw sa buong komunidad...
07/06/2026

Brigada Eskwela 2026: Tagumpay ng Isang Puso, Isang Bayanihan para sa mga Bata!

Isang mapagpalang araw sa buong komunidad ng Barangay San Salvador, Masinloc, Zambales!

Matapos ang limang araw (June 1-5, 2026) ng walang pagod na pagkakaisa, pagbuhos ng pawis, at pagbabahagi ng oras, matagumpay nating naihanda ang ligtas, malinis, at kaaya-ayang pangalawang tahanan ng ating mga mag-aaral. Ang tagumpay na ito ay hindi magiging posible kung wala ang inyong nag-aalab na espiritu ng Bayanihang
Salvadorians

Espesyal na Pagkilala at Pasasalamat sa Likod ng Suportang Pinansyal at Materyales:
Lubos ang aming pasasalamat sa pamunuan ng ating lokal na pamahalaan at sa mga instrumental na indibidwal na nagbahagi ng kanilang tulong pinansyal at suporta upang masig**o na may sapat na kagamitan ang ating paaralan:

โ€ข Sa Lokal na Pamahalaan ng Barangay: Sa pamumuno ng ating masipag na Barangay Captain Richard Pascual, maraming salamat po sa inyong walang sawang paggabay at tulong pinansyal na naging pundasyon ng proyektong ito.
โ€ข Sa Sangguniang Kabataan (SK): Kay SK Adrian Edora, salamat sa pagpapakita na ang kabataan ay katuwang sa pag-unlad at pagsuporta sa edukasyon.
โ€ข Sa ating Sandatahang Lakas: Kay Jeoffrey Elad/Rodel Balagat ng kanilang organisasyon, saludo po kami sa inyong serbisyo at suportang pinansyal para sa seguridad at kaayusan ng ating paaralan.
โ€ข Sa ating mga Dedikadong G**o: Na siyang nanguna, nag-asikaso, at nagbigay ng direksyon upang maging organisado ang buong linggo ng paggawa.
Pasasalamat sa mga NGO, Sektor, at Lahat ng Organisasyon:
Ang inyong pagtugon sa "Tawag ng Tungkulin" ay patunay na buhay na buhay ang pagmamahal sa ating mga kabataan. Maraming salamat sa mga sumusunod na grupo at sa kanilang mga pinuno na nag-alay ng kanilang lakas, oras, at donasyon:
โ€ข Barangay Officials โ€“ Sa pamumuno ni Kapitan Richard Pascual
โ€ข Fisherfolk โ€“ Sa pamumuno ni Olive Naboya
โ€ข Farmers โ€“ Sa pamumuno ni Alberto Esmende
โ€ข ComsCa / Bantay Dagat - Taklobo โ€“ Sa pamumuno nina Edna Sarmiento at Clarence Dela Cerna
โ€ข Eco Aide โ€“ Sa pamumuno ni Necita B. Ramirez
โ€ข Bantay Dagat - Big Sanctuary โ€“ Sa pamumuno ni Rommel Legaspi
โ€ข La Salvia โ€“ Sa pamumuno ni Jeoffrey Elad
โ€ข Sanvizama โ€“ Sa pamumuno ni Allan Legaspi
โ€ข 4Ps โ€“ Sa pamumuno ni Kimberly Meer
Sa lahat ng iba pang mga organisasyon, samahan, at mga pribadong indibidwal na hindi man pormal na nabanggit sa listahan ngunit tahimik na nag-abot ng kanilang tulong at nakipagtulunganโ€”maraming, maraming salamat po sa inyo! Ang inyong ambag ay naging mahalagang bahagi ng tagumpay na ito.
Pati na rin sa lahat ng mga Magulang at mga Ka-Barangay na hindi nag-atubiling humawak ng walis, paint brush, at martilyo upang kumpunihin ang mga silid-aralanโ€”isang snayper na saludo sa inyong lahat!

Isang Mapagpakumbabang Paumanhin at Pagkilala:
Habang kami ay lubos na nagagalak sa inyong pagdalo, humihingi rin po kami ng paumanhin at pasensya kung hindi naging sapat ang aming nakayanang meryenda para sa lahat sa gitna ng inyong pagod at pagbuhos ng lakas. Sana po ay tanggapin ninyo ang aming taus-pusong pasasalamat na higit pa sa anumang materyal na bagay na aming naihanda. Ang inyong kabutihan at bukal sa pusong pagtulong ang tunay na nagpakinang sa ating Brigada.
Ang inyong mga donasyonโ€”maging ito man ay pinansyal, materyal, o lakas ng katawanโ€”ay ang pinakamagandang regalo para sa kinabukasan ng mga batang San Salvador. Handa na po ang ating paaralan para sa pagbubukas ng klase dahil sa inyong ISANG PUSO, ISANG BAYANIHAN!
Mabuhay po kayong lahat at pagpalain kayo ng Maykapal!

Magandanggg Buhaaaay๐ŸŒธ๐Ÿ’—๐ŸŽ’โœจ Welcome back to school, Salvadorians!See you tomorrow! ๐Ÿ’— Let's start another school year with e...
07/06/2026

Magandanggg Buhaaaay๐ŸŒธ๐Ÿ’—

๐ŸŽ’โœจ Welcome back to school, Salvadorians!

See you tomorrow! ๐Ÿ’—
Let's start another school year with excitement, positivity, and a smile.

๐Ÿซ San Salvador Elementary School

๐— ๐—ฎ๐—น๐˜‚๐—ด๐—ผ๐—ฑ ๐—ป๐—ฎ ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐—ฑ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด, ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ฆ๐—ฎ๐—น๐˜ƒ๐—ฎ๐—ฑ๐—ผ๐—ฟ๐—ถ๐—ฎ๐—ป๐˜€!Sa pagsisimula ng panibagong taong panuruan, buong galak at pananabik naming ipin...
05/06/2026

๐— ๐—ฎ๐—น๐˜‚๐—ด๐—ผ๐—ฑ ๐—ป๐—ฎ ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐—ฑ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด, ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ฆ๐—ฎ๐—น๐˜ƒ๐—ฎ๐—ฑ๐—ผ๐—ฟ๐—ถ๐—ฎ๐—ป๐˜€!

Sa pagsisimula ng panibagong taong panuruan, buong galak at pananabik naming ipinakikilala ang opisyal na talaan ng mga baitang, seksyon, at mga g**ong tagapayo ng San Salvador Elementary School para sa Taong Panuruan 2026โ€“2027.

Sa pangunguna ng aming masipag at dedikadong Punong G**o, G. Owen Neil F. Ocden, HT-III, kasama ang buong pangkat ng mga kaguruan, kami ay nagkakaisang maglingkod at maghatid ng de-kalidad, makabuluhan, at makataong edukasyon para sa bawat batang Salvadorian.

Ang bawat seksyon ay magiging tahanan ng pagkatuto, at ang bawat g**o ay magiging katuwang sa paghubog ng kaalaman, kasanayan, at mabuting pagkatao ng ating mga mag-aaral. Sa ating munting paaralan sa gitna ng karagatan, patuloy nating pinatutunayan na walang hangganan ang pangarap at walang hadlang ang lokasyon sa pagkamit ng de-kalidad na edukasyon.

Inaanyayahan ang lahat ng ating mga mag-aaral at magulang na tingnan ang kalakip na listahan upang malaman ang kani-kanilang seksyon at g**ong tagapayo.

Maligayang pagbabalik sa paaralan, mga Salvadorians!

Nawaโ€™y maging makabuluhan, masaya, at puno ng tagumpay ang ating sama-samang paglalakbay tungo sa mas matatag at mas mahusay na edukasyon.

โ€œSa bawat alon na ating tatawirin, dala natin ang pangarap ng bawat batang Salvadorian at ang pangakong walang maiiwan sa paglalakbay tungo sa tagumpay.โ€





Magandaaang araw, Salvadorianssss! ๐Ÿซถ๐Ÿผ๐Ÿฅฐ๐Ÿ’—Anunsyo mula sa Generika!Ikinagagalak po naming ipaalam na ang Generika Drugstore...
04/06/2026

Magandaaang araw, Salvadorianssss! ๐Ÿซถ๐Ÿผ๐Ÿฅฐ๐Ÿ’—

Anunsyo mula sa Generika!

Ikinagagalak po naming ipaalam na ang Generika Drugstore ay makikilahok sa gaganaping Brigada Eskwela ngayong darating na Biyernes ika-5 ng Hunyo simula alas otso ng umaga.

Bilang bahagi ng aming suporta sa komunidad, magkakaroon po ng mga sumusunod na serbisyong pangkalusugan:

โœ… FBS (Fasting Blood Sugar) Test
โœ… Uric Acid Test
โœ… Cholesterol Test

Bukod dito, available rin po ang iba't ibang bitamina para sa mga bata at matatanda, gayundin ang mga maintenance medicines na mabibili sa abot-kayang presyo.

Inaanyayahan po namin ang ating mga g**o, magulang, at mga kabarangay na makiisa at samantalahin ang mga serbisyong ito para sa mas malusog na pamayanan.

Maraming salamat po at inaasahan namin ang inyong pagdalo.

Kita-kits po tayo sa Brigada Eskwela! ๐Ÿ’™๐Ÿงก

29/05/2026

BRIGADA ESKWELA SA ISLA

โœจ ISANG PUSO, ISANG BAYANIHAN PARA SA MGA BATA Isang nagkakaisang pagbati sa ating buong komunidad sa Barangay San Salva...
27/05/2026

โœจ ISANG PUSO, ISANG BAYANIHAN PARA SA MGA BATA

Isang nagkakaisang pagbati sa ating buong komunidad sa Barangay San Salvador, Masinloc, Zambales!

Katok sa puso ng bawat isa... Malapit na naman po ang pasukan! Muli tayong tinatawag ng ating paaralan para sa BRIGADA ESKWELA 2026 ngayong June 1-5, 2026.

Ang bawat sulok ng silid-aralan ay saksi sa mga pangarap ng ating mga anak. Kaya naman, sama-sama nating ihanda ang kanilang pangalawang tahanan upang ito ay maging ligtas, malinis, at puno ng inspirasyon!

TAWAG NG TUNGKULIN: PARA SA ATING MGA G**O, MAGULANG, AT KA-BARANGAY!
Inaanyayahan at lubos po namang inaasahan ang partisipasyon ng bawat isa sa ating komunidadโ€”mga G**o, Magulang, at lahat ng ating mga Ka-Barangay, lalong-lalo na po ang mga may mga anak na nag-aaral sa Elementarya!

โ€ข Para sa mga Magulang: Walang mas sasarap pa sa pakiramdam na makitang ligtas at komportable ang ating mga maliliit na anak sa kanilang pag-aaral. Ang inyong oras at lakas ay ang pinakamagandang regalo na maibibigay ninyo sa kanilang kinabukasan ngayong darating na pasukan.

โ€ข Para sa mga G**o: Katuwang ang komunidad, gabayan natin ang ating mga mag-aaral sa pamamagitan ng paghahanda ng isang maayos na kapaligiran na gaganahan silang matuto.

โ€ข Para sa ating mga Ka-Barangay: Ang paaralan ay ang puso ng ating barangay. Ang inyong pagdalo at pagtulong, may anak man o wala sa eskwelahan, ay patunay ng ating nagkakaisang layunin na itaguyod ang pag-asa ng ating bayan.
PARA SA ATING MGA NGO AT ORGANISASYON
Upang mas maging produktibo at organisado ang ating pagtutulungan, narito po ang schedule ng bawat grupo. Mangyaring makipag-ugnayan po sa inyong mga Presidente para sa mga detalye:

โ€ข Barangay Official โ€“ Kapitan Richard Pascual
โ€ข Fisherfolk - Olive Naboya
โ€ข Farmers - Alberto Esmende
โ€ข ComsCa/Bantay Dagat- Taklobo - Edna Sarmiento Clarence Dela Cerna
โ€ข Eco aide - Necita B. Ramirez
โ€ข Bantay Dagat - Big Sanctuary - Rommel Legaspi
โ€ข La Salvia โ€“ Jeoffrey Elad
โ€ข Sanvizama -Allan Legaspi
โ€ข 4ps - Kimberly Meer
โ€ข (Para sa iba pang mga samahan na nais tumulong, bukas na bukas po ang ating pinto! Mag-iwan lamang ng mensahe sa aming page).

๐Ÿ› ๏ธ MGA PAARAAN PARA MAKATULONG:
Hindi kailangang malaki, basta't bukal sa puso! Maaari kayong magbahagi ng:

1. Lakas at Oras: Pagwawalis, pagpinta, pag-aayos ng mga sirang upuan at mesa, at pagpapaganda ng kapaligiran.
2. Kagamitan (Donasyon): Pintura, brushes, walis, basahan, o mga medical supplies at alcohol para sa ating school clinic.

"Ang malinis at ligtas na paaralan, ay susing gabay sa magandang kinabukasan ng kabataan."
Kita-kits po tayo, mga ka-San Salvador! Ipakita natin ang tatak ng Bayanihang Masinloqueรฑoโ€”dahil pagdating sa edukasyon ng ating mga anak, walang imposible kapag tayo ay sama-sama!
May mga katanungan ba kayo? Mag-comment lang po sa ibaba o direktang mag-message sa page na ito. Maraming salamat po!

Warmest welcome to San Salvador Elementary School, Sir Owen Neil F. Ocden โ€“ Head Teacher III!We are truly grateful and e...
26/05/2026

Warmest welcome to San Salvador Elementary School, Sir Owen Neil F. Ocden โ€“ Head Teacher III!

We are truly grateful and excited to have you as part of our school family. May your journey with us be filled with success, inspiration, and meaningful experiences. Looking forward to your leadership and guidance.

Welcome and God bless, Sir!โœจ๐Ÿ’—

โœจ Thank you, Sir Sandy M. Nilo, for your dedication, guidance, and inspiring leadership. Your kindness and service will ...
26/05/2026

โœจ Thank you, Sir Sandy M. Nilo, for your dedication, guidance, and inspiring leadership. Your kindness and service will always be remembered by the San Salvador Elementary School family.๐Ÿซก

Good luck on your new school assignment. Wishing you more success and blessings ahead. God bless you always, Sir!๐Ÿ’—

๐Ÿ“šโœจ ENROLLMENT IS NOW OPEN โœจ๐Ÿ“šSan Salvador Elementary School officially welcomes all learners for S.Y. 2026โ€“2027! ๐Ÿ’™๐Ÿ—“ ENROL...
10/05/2026

๐Ÿ“šโœจ ENROLLMENT IS NOW OPEN โœจ๐Ÿ“š

San Salvador Elementary School officially welcomes all learners for S.Y. 2026โ€“2027! ๐Ÿ’™

๐Ÿ—“ ENROLLMENT PERIOD

๐Ÿ“Œ May 25, 2026 โ€“ Kinder to Grade 3
๐Ÿ“Œ May 26, 2026 โ€“ Grade 4 to Grade6

Tara na at magpalista para sa panibagong taon ng pagkatuto, pagkakaibigan, at tagumpay! ๐ŸŒŸ

Sa pangunguna ng aming masipag na School Head,
๐Ÿ‘จโ€๐Ÿซ Sir Sandy M. Nilo, Principal II

๐Ÿ“ San Salvador Elementary School
โ€œTogether, we learn, grow, and achieve our dreams.โ€

Address

Sitio Maligaya, San Salvador
Masinloc
2211

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when San Salvador Elem School 106896 posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The School

Send a message to San Salvador Elem School 106896:

Shortcuts

Share

Category