10/08/2026
๐๐๐ฉ๐๐ง๐๐ง๐ฎ | ๐ฒ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ต๐๐โ๐ ๐จ๐๐๐๐ ๐ท๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐,๐ต๐๐๐๐โ๐ ๐ฒ๐๐๐๐๐ ๐ต๐๐๐ ๐ท๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ป๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐
Kay gandang pagmasdan ng bundok. Luntian, tahimik, at tila yakap ng kalikasan. Ngunit paano kung sa halip na mga puno, basura ang unti-unting tumubo? Paano kung ang dating tanawin ay mapalitan ng isang bundok na hindi gawa ng kalikasan, kundi gawa ng kapabayaan?
Sa isang bahagi ng Zambales, hindi na lamang likas na yaman ang makikita sa kabundukan. Naroon ang bundok na binuo mula sa mga bagay na itinapon ng taoโmga bagay na ayaw na nating makita, ngunit kailangang harapin ng mga taong nakatira malapit dito.
Para sa ilan, basura lamang ito. Itatapon, tatabunan, at makakalimutan.
Ngunit para sa mga Ayta, hindi ito basta tambakan. Ito ang lupang kanilang tinubuan. Dito sila namumuhay, nagtatanim, kumukuha ng pagkain, at umaasa sa kalikasan. Kaya sa bawat basurang itinatambak, tila may bahagi rin ng kanilang tahanang ibinabaon.
Nakakapanlumo isipin na ang isang lupang dapat sanaโy protektahan ay naging lugar kung saan itinatago ang problemang ayaw nating makita. Para bang mas madaling ilayo ang basura kaysa harapin ang sistemang lumikha nito.
Tayo baโy mag-aasa na lamang sa kanilang mga desisyon? O magsasawa sa mga gawaing paulit-ulit na ipinapangako ngunit tila hindi naman natutupad?
Sapagkat ang bundok ng basura ay hindi lamang binubuo ng plastik, bote, at iba pang itinapon. Binubuo rin ito ng mga desisyong hindi pinag-isipan, mga reklamong hindi pinakinggan, at mga responsibilidad na ipinasa-pasa.
At habang patuloy na tumataas ang bundok na ito, unti-unti namang lumulubog ang tinig ng mga taong dapat sanaโy unang pinakikinggan.
Hindi baโt kakaiba? Ang gobyernong dapat maglinis ay tila siya pang nagdagdag ng kalat. Ang institusyong dapat mag-ingat sa kalikasan ay tila naging manhid sa unti-unting pagkasira nito.
Kaya sa susunod na tumingin tayo sa isang magandang tanawin, sanaโy huwag lamang natin hanapin ang ganda. Hanapin din natin ang kuwentong nasa likod nito. Dahil maaaring sa likod ng luntiang bundok ay may pamilyang unti-unting nawawalan ng tahanan, at sa likod ng bawat tambak ng basura ay may buhay na unti-unting nalulunod sa kapabayaan.
At kung patuloy tayong magbubulag-bulagan, baka isang araw, hindi na lamang basura ang ating makita sa bundok.
Baka makita na rin natin ang mukha ng kapabayaan.
โ๏ธ | John Kansen Mhon Chan
๐๏ธ | Christian Edodollon