03/08/2026
“Wikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon.”
Sa pagsalubong sa Buwan ng Wikang Pambansa 2026, ang Enrique Legaspi Sr. Elementary School ay buong-pusong nakikiisa sa pagdiriwang na nagbibigay-halaga sa ating Wikang Filipino, mga katutubong wika, kultura, at pagkakakilanlang Pilipino. 🇵🇭
Sa panahon ng mabilis na pag-unlad ng teknolohiya at Artificial Intelligence (AI), mahalagang matutuhan nating gamitin ang makabagong teknolohiya nang wasto, responsable, at makabuluhan bilang katuwang sa pagkatuto, pananaliksik, at pagpapalaganap ng ating wika.
Sa pangunguna ng ating masigasig na School Principal, Ma’am Rossana R. Letada, sama-sama nating isulong ang isang paaralang nagpapahalaga sa wika, kultura, karunungan, at makabagong teknolohiya. 👩🏫📖💻