SDO-Masbate Pamilyang Filipino

SDO-Masbate Pamilyang Filipino

Share

Opisyal na FB Page ng mga G**o sa Filipino ng Sangay ng Probinsiya ng Masbate

Photos from SDO-Masbate Pamilyang Filipino's post 24/11/2022

Maligayang pagdating sa SDO Masbate Ma’am Olay Laguda 😊

Photos from SDO-Masbate Pamilyang Filipino's post 24/11/2022

Ganap bukas: Tanggapang Pansangay na Pagsasanay sa Korespondensiya Opisyal (EO 355)

Mga kalahok - puno ng bawat yunit/seksiyon at sangay

Photos from SDO-Masbate Pamilyang Filipino's post 24/09/2022

Panrehiyong Webinar Sa Pagbasa 2022

Pasasalamat sa DepEd ROV top management, Ma’am Olay Laguda - EPS CLMD, sa mahuhusay na tagapanayam mula sa Central Office at ROV, at sa host division at kanilang TWGs sa maayos na daloy ng palatuntunan, timely at relevant na mga paksa at tiyak na tutugon sa hamong kinakaharap ng ating mga g**o hinggil sa pagbasa.

Ang Pamilyang Filipino - Sangay ng Masbate ay buong pusong nagpapasalamat sa mabungang talakayan at gawaing ito. Lahat ng natutuhan ay tiyak na magagamit sa bawat paaralan at higit lalo sa bawat Masbateñong mag-aaral.

Pagbati rin sa magagaling at aktibong 32 Pandistritong Tagapag-ugnay sa Filipino at ang kanilang mga Pampaaralang Tagpag-ugnay.

Sa lahat ng g**ong kalahok mula sa Sangay ng Masbate isang maalab na pagbati! Dios Mabalos!

Mula sa iyong Pamilyang Filipino - SDO Masbate!


Photos from HR Section - DepEd Masbate Province's post 01/09/2022
Photos from SDO-Masbate Pamilyang Filipino's post 30/08/2022

TIGNAN: Ipinagdiwang ng SDO- Masbate ang Buwan ng Wikang Pambansa 2022. Pinangunahan ni G. Joshua E. Oyon-Oyon, Superbisor sa Filipino ang nasabing gawain.

Tampok ang iba’t ibang katutubong sayaw, Natatanging Kasuotang Pilipino, Mutya at Ginoo ng Wika 2022 at Pista sa Nayon.

Naging matagumpay ang pagdiriwang dala ng makukulay na kasuotan at masasayang ngiti sa bawat isa.

Mabuhay ang Wikang Filipino!

Photos from SDO-Masbate Pamilyang Filipino's post 30/08/2022

Mula sa post ni Sir Martin Espayos: Culminating activity Buwan ng Wikang Pambansa Bulletin Board Designing Contest ng Aroroy Stand Alone Senior High School.

Salamat sa pakikiisa sa ating pagdiriwang!

Photos from SDO-Masbate Pamilyang Filipino's post 30/08/2022

Tampok ang iba’t ibang Kasuotang Pilipino ngayong umaga sa SDO-Masbate.

Abangan mamayang hapon sa ganap na 3:00 ng hapon ang iba’t ibang katutubong sayaw!

Photos from SDO-Masbate Pamilyang Filipino's post 29/08/2022

Pagpupulong ng mga Pandistritong Tagapag-ugnay sa Filipino noong Agosto 10, 2022 na ginanap sa Mobo North Central School.

Kumpleto ang 32 kinatawan sa bawat distrito.

Photos from SDO-Masbate Pamilyang Filipino's post 29/08/2022

Opisyal na inilalathatla ng Kagawaran ng Edukasyon ang Memorandum Pangkagawaran Blg. 74, s. 2022 o ang Kapasiyahan ng Komisyon sa Wikang Filipino sa Pagpapatigil ng Paggamit ng Filipinas at Pagbawi sa Pinagtibay na Kapisayahan Kalupunan ng mga Komisyoner Blg. 13-19 Serye ng 2013.

Kalakip ng Memorandum na ito ang kapasiyahan ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) bilang batayan. Inaasahan ang malawakang pagpapabatid at pagpapalaganap ng kapasiyahang ito sa lahat ng paaralan at tanggapan ng Kagawaran.

Para sa iba pang impormasyon, basahin ang Memorandum Pangkagawaran Blg. 74, s. 2022: https://bit.ly/DM74S2022

Photos from SDO-Masbate Pamilyang Filipino's post 29/08/2022

PANSANGAY NA PAGDIRIWANG NG BUWAN NG WIKA 2022

Photos from SDO-Masbate Pamilyang Filipino's post 29/08/2022

Ang SDO- Masbate ay nakikiisa sa Pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa 2022

Tema ngayong buwan: “ Filipino at Katutubong Wika: Kasangkapan sa Pagtuklas at Paglikha”



Photos from SDO-Masbate Pamilyang Filipino's post 29/08/2022

Paghahanda ng Sangay ng Implementsyon ng Kurikulum sa kanilang katutubong sayaw — Ang Karatong bilang presentasyon sa Panapos na Palatuntunan ng Buwan ng Wikang Pambansa 2022.

Want your school to be the top-listed School/college in Masbate?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address


Rodeo Road, Centro
Masbate