30/05/2026
Isang mainit na pagbati mula sa pamunuan ng GREGORIO T. VILAR ELEMENTARY SCHOOL!
Kaisa ang buong komunidad, kami po ay malugod na nag-aanyaya sa inyo na lumahok sa pagbubukas ng ating Brigada Eskwela 2026 Kick-Off Program na gaganapin sa Hunyo 01, 2026, ganap na ika-7:30 ng umaga sa Kindergarten Classroom.
Sa ilalim ng temang, "Bayanihan sa paaralan nagkakaisa para sa kaayusan at kaalaman," layunin nating pagtulungan ang paglilinis, pagkukumpuni, at pagpapaganda ng ating paaralan upang masig**o ang ligtas at maayos na espasyo para sa ating mga mag-aaral.
Hinihikayat po ang mga boluntir na magdala ng mga kagamitang pang-linis tulad ng:
β
walis tingting
β
dustpan
β
kalaykay
β
basurahan/trash bags
Hinihikayat din po namin na makiisa ang ating mga 4ps beneficiaries, BLGU, SK at iba pang stakeholders/partners.
Inaasahan po namin ang inyong presensya at suporta. Ang inyong pakikiisa ay patunay na walang imposible kapag ang komunidad ay sama-samang kumikilos para sa edukasyon.