05/06/2026
From ''Di ko kaya" to" Kaya ko pala"!
Saksi ang mga tala sa pagsusunog ninyo ng kilay gabi-gabi. Kasangga ang isang tasang kape sa pagharap sa mapapait na hamon ng buhay, kasabay ng paulit-ulit na pagtatanong sa sarili: 'Kaya ko pa ba?' dahil sa totoo lang, nakakapagod na.
Ngunit ngayon, ang bawat patak ng luha, puyat, at sakripisyo ay napalitan na ng isang matamis at maningning na tagumpay. Napatunayan ninyo na ang sipag, tiyaga, at hindi matitinag na determinasyon ang tunay na susi upang maabot ang mga bituin sa kalangitan.
Bako-bako man ang landas na inyong binagtas ngunit tingnan ninyo ang inyong mga sarili ngayon—nagtagumpay, nakatindig nang mataas, at handang-handa nang harapin ang susunod na kabanata ng buhay bilang mga bagong gradwado.
Walang katapusang papuri at paghanga sa inyong katatagan! Isang taos-pusong pagbati sa inyo.
Maligayang Pagtatapos, mga Ka-Wika! 🎓✨