27/07/2026
📢 OFFICIAL SCHOOL ANNOUNCEMENT
Masantol Elementary School
July 27, 2026
Magandang araw po sa ating mga magulang, mag-aaral, at iba pang stakeholders.
Matapos ang masusing pakikipag-ugnayan at koordinasyon ng Masantol Elementary School sa Philippine National Police (PNP), Department of the Interior and Local Government (DILG) sa municipal at barangay level, at sa School Parents-Teachers Association (SPTA), ipinababatid po namin na binabawi na ang suspensyon ng face-to-face classes.
Dahil sa mga isinagawang hakbang upang matiyak ang kaligtasan ng ating paaralan, magpapatuloy na ang regular na face-to-face classes simula bukas, Hulyo 28, 2026.
Bilang karagdagang hakbang sa seguridad, magtatalaga ng Municipal Task Force na magbabantay at magsasagawa ng regular na security monitoring sa loob at paligid ng Masantol Elementary School habang hindi pa ganap na humuhupa ang sitwasyon. Ang hakbang na ito ay bahagi ng ating sama-samang pagsisikap upang matiyak ang kaligtasan ng bawat mag-aaral, g**o, at kawani ng paaralan.
Patuloy naming hinihiling ang pakikiisa ng mga magulang at ng buong komunidad. Kung may mapansin o makatanggap ng anumang impormasyon na maaaring makaapekto sa seguridad ng paaralan, mangyaring agad itong iulat sa pamunuan ng paaralan o sa mga kinauukulang awtoridad.
Lubos po kaming nagpapasalamat sa mabilis na pagtugon at suporta ng PNP, DILG, mga Barangay Officials, Municipal Task Force, SPTA, at sa lahat ng mga magulang na nakiisa sa pagpapanatili ng kaligtasan ng ating paaralan.
Maraming salamat po sa inyong patuloy na pagtitiwala, kooperasyon, at suporta. Sama-sama nating panatilihing ligtas ang Masantol Elementary School para sa ating mga mag-aaral.
LALAINE M. VIRAY, Ed. D.
Principal IV/0956 704 9626
Masantol Elementary School