07/09/2026
Sa Kabila ng Pagsubok, Pagmamahal sa Wika’y Lalong Nahubog.
Hindi man nasilayan ang ating paaralan sa halos buong buwan ng Agosto at bahagyang nahuli man ang selebrasyon, hindi ito naging hadlang sa mga Sulimanian upang isantabi ang hangaring maipahayag at maipakita ang pagmamahal sa ating wika.
Sa kabila ng baha, ulan at iba pang mga pasanin, patuloy na nanaig ang pagkakaisa at pagkamalikhain ng bawat Sulimanian sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa 2026, na may temang “Wikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon.”
Halina’t sama-sama nating tunghayan kung paano nakiisa ang mga Sulimanian sa makabuluhang pagdiriwang ng ating wika!