MHS Brigada Eskwela

Directions

MHS Brigada Eskwela Brigada Eskwela 2025: Sama-sama Para sa Bayang Bumabasa

Halina't makibahagi at mag-ambag!

18/09/2026
PAALALA, MHSians! Ang mga makakapagpatala lamang sa naturang MS Form Link ang mapabibilang sa naturang School-Based Pres...
10/08/2026

PAALALA, MHSians!

Ang mga makakapagpatala lamang sa naturang MS Form Link ang mapabibilang sa naturang School-Based Press Con β€˜26. Kaya ano pang hinihintay mo? Magpatala na dahil baka ikaw na ang susunod na batang mamamahayag ng ating paaralan!

I-click ang link sa ibaba o i-scan lamang ang QR code na makikita sa larawan at punan ng impormasyon ang MS Form upang maitala ang iyong personal na detalye:
πŸ”— https://forms.cloud.microsoft/r/waZh8r6skw

Para sa iba pang-anunsyo, like and follow ang FB Page na Ing Mamalakaya/The Kingfisher - MHS!

ATTENTION, MHSians! πŸ“°

Handa ka na bang ipakita ang iyong husay sa pagsusulat, pag-uulat, pagkuha ng larawan, pagguhit, at iba pang larangan ng pamamahayag?

Magpatala na para sa School-Based Press Conference 2026 ngayong darating na Term Break! ✍️

Ito na ang iyong pagkakataon na maging bahagi ng opisyal na kalahok ng Masantol High School sa mga Press Conference at maipamalas ang iyong talento sa Campus Journalism.

Bukas ang pagpapatala sa lahat ng mag-aaral ng Masantol High School na may interes at dedikasyon sa iba't ibang kategorya ng pamamahayag.

I-click ang link sa ibaba o i-scan lamang ang QR code na makikita sa larawan at punan ng impormasyon ang MS Form upang maitala ang iyong personal na detalye:
πŸ”— https://forms.cloud.microsoft/r/waZh8r6skw

Pagkatapos sumagot, huwag kalimutang i-follow/i-like ang ating opisyal na page na ito para sa mga paparating na anunsyo hinggil sa SBPC '26.

Ano pa ang hinihintay mo, huwag palampasin ang pagkakataong ito! Simulan ang iyong paglalakbay bilang isang mamamahayag at maging susunod na kinatawan ng MHS sa mga paligsahan.




πŸ’›Pagpupugay sa Kabutihang-Loob at Pakikiisa!πŸ’›Bagama’t pormal nang nagtapos ang Brigada Eskwela Week 2026, patuloy pa rin...
10/06/2026

πŸ’›Pagpupugay sa Kabutihang-Loob at Pakikiisa!πŸ’›

Bagama’t pormal nang nagtapos ang Brigada Eskwela Week 2026, patuloy pa ring nabubuhay ang diwa ng bayanihan at malasakit sa Masantol High School sa pamamagitan ng mga taong handang magbahagi ng kanilang biyaya para sa kapakanan ng ating mga mag-aaral.

Lubos ang aming pasasalamat sa Navarro Foods Int’l Inc. Crab Paste sa pagkakaloob ng submersible pump para sa Masantol High School.

Ang inyong kabutihang-loob ay nagpapatunay na ang tunay na bayanihan ay hindi nagtatapos sa isang linggong programa lamang. Ito ay nagpapatuloy sa bawat pusong handang tumulong, makiisa, at magbigay para sa ikabubuti ng edukasyon at kinabukasan ng ating kabataan.

Muli, taos-puso po kaming nagpapasalamat sa inyong walang sawang suporta, malasakit, at pagtitiwala sa Masantol High School. Nawa’y maging inspirasyon kayo sa marami upang patuloy na magsama-sama sa pagtataguyod ng de-kalidad na edukasyon para sa bawat mag-aaral.

Maraming salamat at mabuhay po kayo!






πŸ“’ π“π€πŽπ’-ππ”π’πŽππ† ππ€π’π€π’π€π‹π€πŒπ€π“β€οΈβ€οΈAng buong pamunuan ng Masantol High School ay taos-pusong nagpapasalamat sa lahat ng mga ma...
05/06/2026

πŸ“’ π“π€πŽπ’-ππ”π’πŽππ† ππ€π’π€π’π€π‹π€πŒπ€π“β€οΈβ€οΈ

Ang buong pamunuan ng Masantol High School ay taos-pusong nagpapasalamat sa lahat ng mga magulang, mag-aaral, g**o, alumni, mga opisyal ng pamahalaan, katuwang na ahensya, organisasyon, at mga boluntaryong nakiisa sa matagumpay na pagsasagawa ng Brigada Eskwela 2026. Ang inyong oras, sipag, dedikasyon, at mga donasyon ay malaking ambag sa paghahanda ng ating paaralan para sa ligtas, maayos, at makabuluhang pagbubukas ng klase.

Sa pamamagitan ng inyong pakikiisa, naipakita nating muli ang tunay na diwa ng bayanihan at pagkakaisa para sa kapakanan ng ating mga mag-aaral at ng buong komunidad ng paaralan.

Maraming salamat sa inyong walang sawang suporta at malasakit. Nawa’y patuloy nating pagtibayin ang ating samahan upang higit pang mapaunlad ang kalidad ng edukasyon para sa bawat mag-aaral.

Mabuhay ang diwa ng Bayanihan! Mabuhay ang Masantol High School!





Hats Off, Teachers! πŸ‘ Isang taos-pusong pagpupugay sa ating masisipag at dedikadong mga g**o na buong pusong nakiisa sa ...
05/06/2026

Hats Off, Teachers! πŸ‘

Isang taos-pusong pagpupugay sa ating masisipag at dedikadong mga g**o na buong pusong nakiisa sa Brigada Eskwela 2026 at patuloy na naghahanda para sa panibagong taong panuruan.

Ang inyong dedikasyon ay patunay na ang pagiging g**o ay hindi lamang isang propesyon kundi isang bokasyon na puno ng pagmamahal at paglilingkod. Ang bawat nilinis na silid-aralan, inayos na kagamitan, at inihandang materyales ay sumasalamin sa inyong hangaring makapagbigay ng de-kalidad na edukasyon sa ating mga mag-aaral.

Maraming salamat sa inyong sipag, tiyaga, at walang sawang serbisyo. Kayo ang tunay na mga bayani ng edukasyon!







Ang inyong pakikibahagi at pagbibigay ng tulong sa pamamagitan ng donasyon ng mga kagamitan o anumang suporta ay malakin...
31/05/2026

Ang inyong pakikibahagi at pagbibigay ng tulong sa pamamagitan ng donasyon ng mga kagamitan o anumang suporta ay malaking ambag upang maging handa ang Masantol High School sa pagbubukas ng bagong taon ng pag-aaral!

Inaanyayahan ang buong komunidad β€” mga g**o, magulang, mag-aaral, alumni, at mga katuwang sa edukasyon β€” na makiisa sa B...
31/05/2026

Inaanyayahan ang buong komunidad β€” mga g**o, magulang, mag-aaral, alumni, at mga katuwang sa edukasyon β€” na makiisa sa Brigada Eskwela 2026!

🏫 Sama-sama nating ihanda ang ating paaralan para sa isang malinis, ligtas, at maayos na taon ng pag-aaral.

🌱 Ipakita ang diwa ng bayanihan sa pamamagitan ng pagtutulungan, boluntaryong serbisyo, at pagmamalasakit sa ating paaralan.

Hunyo 23, 2025Maraming salamat po kay Konsyal Bajun Lacap sa donasyon na school supplies (Elmer's Glue for Art Activitie...
24/06/2025

Hunyo 23, 2025

Maraming salamat po kay Konsyal Bajun Lacap sa donasyon na school supplies (Elmer's Glue for Art Activities) na paniguradong magagamit ng mga mag-aaral sa kanilang pagkatuto.

Luid kayu pu!

22/06/2025

Address

Masantol High School Main Site ( Bebe Anac, Pampanga); Junior High School Extension Site (Golden Residences); Senior High School Site
Masantol
2017

Opening Hours

Monday 7am - 5pm
Tuesday 7am - 5pm
Wednesday 7am - 5pm
Thursday 7am - 5pm
Friday 7am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when MHS Brigada Eskwela posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share