15/09/2026
Bangon, Masantol High School‼️
Ang Masantol High School ay matinding naapektuhan ng pagbaha na tumagal nang mahigit isang buwan at kalahati. Maraming bahagi ng paaralan, kagamitan, silid-aralan, at iba pang gamit ang nasira dahil sa matagal na pagkakalubog sa tubig. Dahil dito, naapektuhan din ang pag-aaral ng mga mag-aaral.
Kailangan ng paaralan ng tulong upang maisagawa ang paglilinis, pagkukumpuni, at pag-aayos ng mga nasirang pasilidad. Layunin nitong maihanda nang maayos ang mga mag-aaral sa kanilang pagbabalik-eskwela sa isang ligtas, malinis, at maayos na kapaligiran.
Kaya naman, ang Masantol High School ay nangangalap ng tulong in kind at in cash. Anumang tulong ay malaking ambag sa pagbangon ng paaralan. Ang Panginoon na ang bahalang magbalik ng bawat kabutihang ibinahagi.
Maaring magmessage sa page na ito or sa mga g**o ng Masantol High School para sa tulong na nais ipaabot.