22/08/2026
โโ๐๐๐ป๐ด ๐ด๐๐๐๐ผ, ๐บ๐ฎ๐ ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ฎ๐ป; ๐ธ๐๐ป๐ด ๐ฎ๐๐ฎ๐, ๐บ๐ฎ๐ ๐ฑ๐ฎ๐ต๐ถ๐น๐ฎ๐ป.โ
โ
โIto ay simpleng mga salita na naririnig natin nang ilang beses. Minsan ginagamit lang natin siya bilang isang kasabihan, pero kapag pinag-isipan mo nang mabuti, parang ang dami niyang tinatamaan sa totoong buhay.
โ
โKapag gusto natin talaga ang isang bagay, kahit gaano pa kahirap, kaya natin ito gawan ng paraan. Kapag wala tayong oras, tayo na ang naghahanap kung saan puwedeng maglaan. Kapag hindi natin alam kung paano, pinipilit nating matuto. Kapag hindi gumana ang unang plano, susubukan naman muli. Hindi naman ibig sabihin na palagi nating makukuha ang ating mga ninanais. Basta ang mahalaga? Sinubukan natin.
โ
โPero kapag naman ayaw natin, iba rin talaga. Biglaan nalang sumusulpot ang walang katapusang pagdadahilan. โWala akong oras.โ โHindi ko kaya.โ โBaka hindi naman gumana.โ โMamaya na.โ At minsan, hindi naman talaga imposibleโayaw lang talaga nating simulan o kaya gawan ng paraan.
โ
โHindi masamang mawalan ng gana o mapagod. Tao lang din tayo, at may mga araw na kailangan nating huminto muna para magpahinga. Pero may pagkakaiba ang โhindi ko kaya ngayonโ sa โayaw ko nang subukan.โ Dahil minsan, makikita kung gaano natin kagusto ang isang bagay sa paraan ng paghahanap natin ng solusyon kapag nahihirapan na tayo.
โ
โDahil kung gusto, may paraanโpero kung ang takot ang nauuna, baka hindi naman talaga โayawโ ang dahilan.
โ
โโ๐ป: C. Salvador
โ
โ
โ