12/08/2026
Suspendido ang klase sa lahat ng antas bukas AGOSTO 13, 2026 (HUWEBES) alinsunod sa anunsyo ng lokal na pamahalaan.
Ang kaligtasan ng ating mga mag-aaral at g**o ang ating pangunahing prayoridad.
Manatiling nakaantabay sa mga susunod na anunsyo. Mag-ingat po ang lahat.
Bilang pag-iingat sa inaasahang malakas at tuloy-tuloy na pag-ulan dulot ng habagat, suspendido ang klase bukas, Huwebes, 13 Agosto 2026, sa lahat ng antas ng pampubliko at pribadong paaralan sa bayan ng Mariveles.
Hinihikayat din ang lahat ng paaralan na ipatupad ang mga angkop na alternative modes of learning habang suspendido ang face-to-face classes.
Patuloy nating subaybayan ang mga opisyal na abiso at paalala. Mag-ingat po tayong lahat at nawa'y manatiling ligtas ang bawat isa.