17/06/2026
๐โจ ๐๐๐ฆ ๐๐ฎ ๐๐๐: ๐ฃ๐ฎ๐๐๐น๐ผ๐ ๐๐ฎ ๐ฃ๐ฎ๐ด๐น๐ฎ๐ด๐ผ! โจ๐
Patuloy na lumalawak ang oportunidad para sa pangalawang pagkakataon sa edukasyon sa Assemblywoman Felicita G. Bernardino Memorial Trade School (AFGBMTS) dahil sa pagpasok ng bagong taon ng pag-aaral para sa Alternative Learning System โ Senior High School (ALS-SHS)!
Sa taong ito, buong pagmamalaking ibinabahagi ng paaralan na mayroon na tayong mahigit 80 ALS-SHS learners na handang magpatuloy sa kanilang paglalakbay tungo sa mas maliwanag na kinabukasan.
Nagkaroon din ng makabuluhang Orientation para sa Persons Deprived of Liberty (PDLs) ng BJMP Marilao, na magiging bahagi ng ALS-SHS Program ng paaralanโisang patunay na ang edukasyon ay para sa lahat at walang pinipiling pagkakataon.
Lubos ding pinahahalagahan ang isinagawang monitoring at technical assistance ni Sir Edgardo Macarasig, Education Program Specialist II โ ALS ng Schools Division of Bulacan, bilang suporta sa patuloy na pagpapalakas at pagpapaunlad ng implementasyon ng ALS program.
Ang mga tagumpay na ito ay naisasakatuparan sa pamamagitan ng pamumuno nina School Principal IV, Sir Roman M. Carreon, Assistant School Principal II for Academics, Maโam Olivia D. Marcelo, at Assistant Principal II for Operations at ALS-SHS Focal Person, Sir Lawrence A. dela Cruz.
Pasasalamat din sa mga taong naging daan upang maisakatuparan ang mga ito. Sa Division Education Program Supervisor in Inclusive Education, Dr. Agnes R. Bernardo, sa Public Schools District Supervisor ng Marilao South District, Dr. Priscila P. Illiscupidez, at sa ALS Coordinator ng Marilao South District, Ma'am Melissa Serrano at sa lahat ng tumutugon sa pangangailangan ng ating mga ALS Learners. Mabuhay po kayo!
Sama-sama nating itaguyod ang edukasyong nagbubukas ng pangarap, nagbabago ng buhay, at nagbibigay ng pag-asa para sa bawat mag-aaral.
๐โค๏ธ ALS-SHS @ AFGBMTS: Edukasyon para sa lahat, pag-asa para sa kinabukasan. โค๏ธ๐