iKAPEmo

iKAPEmo

Share

Mapagmahal sa Biblia at Kape📖☕️

30/10/2025

Yung ganitong malamig na tanawin habang may hawak na tasa ng mainit na kape ay sapat na sa akin. O kay sarap alalahanin ang kabutihan ng Diyos sa atin...

20/10/2021

Kapeng nasa drip bag ay maaasahan
Sa gitna ng kapaligirang bakas ang katahimikan☕

18/10/2021

Kapeng nasa tea bag o drip bag man,
Magbitbit saan man ang pupuntahan.
Kung paglubog ng araw ay maabutan,
Sa tabing ilog o maging sa kabukiran,
Kay inam humigop ng kape panghagod sa hapong katawan☕❣️
Nakapagbasa ka na ba ng Biblia ngayong umaga?📖☕️

06/09/2021

Sa panibagong kabanata, maliban sa kapeng nasa tea bag, may bago tayong makakasama...
Kapeng nasa drip bag, malapit nang magbigay saya, dito sa orihinal na kapehan ng mga makata☕

19/03/2021

Paano itimpla ang kapeng nasa teabag?👇
☕Instant brewed coffee☕
Kung ikaw ay namamadali, pero hindi pwedeng di magkape at magdevotion...iKAPEmo💯

08/03/2021

Happy International Women's Day

☕Anumang ganap ng buhay... iKAPEmo☕

01/03/2021

-> Buhusan ng bagong kulong tubig ang tasang may kapeng nasa tea bag
-> paulit-ulit na isawsaw ang tea bag nang mga 30 segundo
-> ibabad nang dalawang minuto upang maluto at makuha ang pinaghalong asim, tamis, at pait ng kape
-> hanguin ang tea bag, langhapin, at tikman
-> dagdagan ng creamer at pampatamis kung hindi mahilig sa black coffee

22/02/2021

Malayo o malapit man
Kapag ginusto ay maraming paraan.

06/02/2021

Wag kaligtaaang kape ay itimpla
Yung kapeng hanep ang lasa at aroma
Sa bawat umagang
Sigla ng katawan at isip ay mahalaga.
Tapos ihanda na ang Iyong Biblia
mabulay-bulay habang kape ay mainit pa.

03/02/2021

Kung sa unang sulyap pa lang
Iyong mata'y dina napigilan
Ang pagpikit at paglanghap
Na tila ba ito'y nasa iyong harap,
Masasabing isa kang tunay na KAPEtid
At aroma ng kape ang lagi mong hanap. ☕

Want your school to be the top-listed School/college in Marilao?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Telephone

Website

Address


Marilao
3019