Prenza Elementary School DRUM & LYRE BAND

Prenza Elementary School DRUM & LYRE BAND Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Prenza Elementary School DRUM & LYRE BAND, School, Prenza 1, Marilao.

To Our Beloved Drum and Lyre Advisers, Thank you for believing in us, guiding us, and standing by our side.You taught us...
05/10/2026

To Our Beloved Drum and Lyre Advisers,

Thank you for believing in us, guiding us, and standing by our side.
You taught us that music is not just about notes and beats — it is about discipline, teamwork, pride, and heart.
Every practice, every correction, every encouragement — all of it made us better musicians and better people.

Thank you for your patience, your sacrifices, and your endless support.
We are who we are because of you. May God bless you with good health, joy, and success always.

With deepest gratitude and respect,
Your Prenza Elementary School Drum and Lyre Family 🥁🎵❤️

Happy Birthday po, Ma'am Marites Salinas ! 💐📚Hindi lang po kayo g**o — kayo po ay aming inspirasyon. Salamat po sa pagti...
19/09/2026

Happy Birthday po, Ma'am Marites Salinas ! 💐📚
Hindi lang po kayo g**o — kayo po ay aming inspirasyon. Salamat po sa pagtitiwala at paggabay sa amin palagi.
Hiling namin ang inyong kaligayahan, mabuting kalusugan, at lahat ng magagandang bagay sa buhay.
Enjoy your special day po! 🎂✨

"Happy Birthday po, Ma'am Grace Ruk's Mercader ! Thank you for your endless patience, guidance, and dedication to our Pr...
01/07/2026

"Happy Birthday po, Ma'am Grace Ruk's Mercader ! Thank you for your endless patience, guidance, and dedication to our Prenza Elementary School Drum and Lyre Band You inspire us to play better and work as one team. Wishing you good health, success, and more blessings! Enjoy your special day po! 🎂✨"

24/06/2026

MAHALAGANG PAALALA: ALAMIN ANG MGA DAPAT GAWIN KUNG MAY SCHOOL VIOLENCE (LOCKDOWN)

Walang puwang ang karahasan sa ating mga paaralan. Ngunit sa oras na hindi inaasahang banta sa seguridad ng lahat o school violence, mahalagang handa, kalmado, at alerto ang bawat g**o at mag-aaral upang matiyak ang kaligtasan ng lahat.

Narito ang 9 na Hakbang sa Pag-Lockdown na dapat nating tandaan at isapuso:

1️⃣ Maging Alerto - Kung may nakitang away, barilan o anumang banta, agad na ipaalam sa pinakamalapit na g**o.
2️⃣ Pakinggan ang Anunsyo - Sundin agad ang anunsyo ng g**o o school personnel. Huwag magtanong. Huwag magpaloko.
3️⃣ Pumasok at Mag-Lockdown - Pumasok o manatili sa loob ng silid-aralan. Isara, at i-lock ang pinto. Harangan kung maari gamit ang mesa o upuan.
4️⃣ Manatiling Tahimik at Huwag Makialam - Manatiling tahimik. Huwag sumigaw, tumakbo, at huwag lumabas. Huwag makialam sa nangyayari sa labas.
5️⃣ Manatiling Nakatago at Lumayo sa Bintana - Lumayo sa pinto, bintana at labas ng silid. Yumuko o magtago sa ligtas na lugar.
6️⃣ Wag Gamitin ang Cellphone Maliban kung Kailangan - Huwag mag-video o mag-post. Manatiling tahimik at huwag makipag-ugnayan maliban kung inutusan ng g**o o pulis.
7️⃣ Maghintay ng Utos - Manatiling kalmado at hintayin ang karagdagang anunsyo ng g**o o mga awtoridad.
8️⃣ Ligtas na Paglabas - Kapag sinabing ligtas na, lumabas nang maayos, nakapila, at sumunod sa g**o.
9️⃣ Mag-ulat at Mag-ingat para sa Lahat - Ipaalam sa g**o ang nakita o nalaman. Tandaan, ang kaligtasan ng lahat ay responsibilidad nating lahat!

Magkasama tayo. Maging matalino. Manatiling ligtas.

Ibahagi ang impormasyong ito sa ating mga kasamahang g**o, magulang, at mga mag-aaral. Ang kahandaan ay susi sa ligtas na paaralan!

24/06/2026

🛡️📚 WALANG PUWANG ANG KARAHASAN SA ATING MGA PAARALAN.

Mga ka-Brigada, sa bawat silid-aralan ay may pangarap na binubuo. Sa bawat mag-aaral ay may kinabukasang dapat pangalagaan. Kaya bilang isang komunidad ng mga Bulakenyo, iisa ang ating paninindigan:

❌ Walang bullying.
❌ Walang pananakit.
❌ Walang pananakot.
❌ Walang anumang uri ng karahasan.

Ang kaligtasan ng ating mga paaralan ay hindi lamang responsibilidad ng mga g**o at punong-g**o. Ito ay sama-samang tungkulin ng mga magulang, barangay, lokal na pamahalaan, kapulisan, health sector, faith-based organizations, private sector, civil society groups, alumni associations, at lahat ng mamamayang may malasakit sa edukasyon.

Kapag nagkakaisa ang pamayanan, mas nagiging ligtas ang bawat paaralan. Kapag may malasakit ang bawat isa, mas nagiging matatag ang bawat bata. At kapag may pagkakapit-bisig ang lahat ng sektor, walang mag-aaral na maiiwan at walang pangarap na masasayang.

Bilang mga Bulakenyong MaPagMaHaL, hindi tayo magiging tahimik sa harap ng karahasan. Tayo ay magiging tagapagtaguyod ng respeto, pagkalinga, at kapayapaan. Sapagkat ang tunay na lakas ng isang komunidad ay nasusukat hindi sa kapangyarihan nito, kundi sa kakayahan nitong protektahan ang mga pinaka-mahalaga—ang ating mga kabataan.

❤️ Isang Bata.
🏫 Isang Paaralan.
🤝 Isang Komunidad.
🇵🇭 Isang Misyon.

Ligtas na Paaralan, Responsibilidad ng Lahat.
Ligtas na Kabataan, Kinabukasan ng Bayan.


12/06/2026

"Wishing a fantastic birthday to an exceptional adviser! Your dedication and leadership inspire our entire group. I am incredibly grateful for your time and the direction you provide."

Happy Birthday Maam Charlene Pariñas Benitez 🎉🎈🌺🥳
Thank you sa walang sawang pagguide sa Prenza Drum and Lyre Band 🥳🎂💐🎁

📣 PANAWAGAN PARA SA MGA NAGNANAIS SUMALI SA PRENZA ELEMENTARY SCHOOL DRUM AND LYRE BAND 🎺🥁Inaanyayahan namin ang lahat n...
11/06/2026

📣 PANAWAGAN PARA SA MGA NAGNANAIS SUMALI SA PRENZA ELEMENTARY SCHOOL DRUM AND LYRE BAND 🎺🥁
Inaanyayahan namin ang lahat ng mag-aaral na may interes sa musika, pagtugtog, at pagtatanghal na maging bahagi ng Prenza Elementary School Drum and Lyre Band!
Para sa mga bagong miyembro at sa mga nagnanais pang sumali, magkakaroon po ng orientation meeting sa:
📅 Petsa: June 14, 2026
🕒 Oras: 12 noon
📍 Lugar: Grade 4 Bldg. 2nd floor Section Tecson room Prenza Elementary School
Mahigpit pong hinihikayat na samahan kayo ng inyong magulang o guardian upang maipaliwanag nang mabuti ang mga mahahalagang impormasyon, alituntunin, at mga benepisyo ng pagiging miyembro ng ating banda.
✨ Bakit sumali sa Drum and Lyre Band? • Mahahasa ang iyong talento sa musika at pagmamartsa.
• Mabubuo ang iyong disiplina, tiwala sa sarili, at pakikipagkapwa.
• Magkakaroon ka ng pagkakataong kumatawan sa paaralan sa iba't ibang programa at paligsahan.
• Makakabuo ka ng mga bagong kaibigan at makalilikha ng masasayang alaala.
🎶 Huwag palampasin ang pagkakataong maging bahagi ng isang organisasyong nagbibigay ng karangalan sa ating paaralan!
Para sa mga katanungan, mangyaring makipag-ugnayan kina:
• Giraldyn Mendoza
• Marites Salinas
• Grace Mercader
• Charlene Benitez
Sama-sama nating palakasin at palaguin ang Prenza Elementary School Drum and Lyre Band!

Prenza elementary school Brigada 2026-2027 ❤️
01/06/2026

Prenza elementary school Brigada 2026-2027 ❤️

Open for all Participants 🙂
04/05/2026

Open for all Participants 🙂

Sa mga Gustong Sumali ☺️✅ MAJORETTE ✅ FLAGLET✅ LYRIST✅ DRUMMEROR pwede po kayo magDirect Message dito sa Page na to , or...
12/02/2026

Sa mga Gustong Sumali ☺️

✅ MAJORETTE
✅ FLAGLET
✅ LYRIST
✅ DRUMMER

OR pwede po kayo magDirect Message dito sa Page na to , or magPM po kayo kina

Marites Salinas
Charlene Pariñas Benitez
Maam grace

Thank you so much 😊

Address

Prenza 1
Marilao
3019

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Prenza Elementary School DRUM & LYRE BAND posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category