01/10/2026
🐾 Sama-sama Para sa Ligtas at Walang Rabies na Komunidad! 🐾
Ngayong, October 30, 2026, katuwang ng Municipal Veterinary Services Office-Marilao, Barangay Loma de Gato Council at Loma de Gato Health, isinagawa ang free rabies vaccine para sa aso at pusa sa Catajan Looban II Barangay Loma de Gato! 🐶🐱
Maraming salamat sa lahat ng mga fur-parents na nakiisa at nagdala ng kanilang mga alagang aso at pusa upang mabigyan ng libre at mahalagang pet anti-rabies vaccination! Malaking hakbang ito para mapanatiling ligtas hindi lamang ang ating mga alagang hayop kundi pati na rin ang buong pamilya.
Para naman sa patuloy na proteksyon ng ating mga mamamayan, patuloy pa rin ang pagbibigay ng human anti-rabies vaccination sa ating RHU 3 Heritage at Clinica De Loma. Huwag po nating balewalain ang kalusugan—magpabakuna at maging responsable!
Ipagpatuloy natin ang pagtutulungan para sa isang komunidad na malayo sa rabies. Ligtas ang alaga, ligtas ang pamilya! 💙🏡