Kagawaran ng Araling Panlipunan : Prenza National High School

Kagawaran ng Araling Panlipunan : Prenza National High School

Share

Opisyal na Pahina ng Kagawaran ng Araling Panlipunan πŸ’–

19/06/2026

Ang Kagawaran ng Araling Panlipunan ay nakikiisa sa Pagpupugay at Paggunita sa ika-165 Taon ng Kapanganakan ni Dr. Jose P. Rizal. πŸ’™πŸ€β€οΈ

πŸ“Œ Alam n'yo ba na may pitong bayan sa Pilipinas ang ipinangalan kay Rizal? Ito ay matatagpuan sa Nueva Ecija (1912), Cagayan (1914), Laguna (1918), Zamboanga del Norte (1950), Occidental Mindoro (1969), Kalinga (1971) at Palawan (1987).

19/06/2026

Isang karangalan at malaking tagumpay para sa buong
PRENZA NATIONAL HIGH SCHOOL!πŸ†βœ¨

Sa ilalim ng mahusay at makabuluhang pamumuno ni Dr. Rosauro A. Villanueva, ang Prenza National High School ay kinilalang Regional Awardee for Functional School Governance Council (SGC) at Cap-Build on Expanded School Governance, ngayong araw, June 18, 2026.

Ang parangal na ito ay patunay na ang tunay na tagumpay ay bunga ng pagkakaisa, mabuting pamamahala, at aktibong pakikilahok ng bawat isa sa paghubog ng dekalidad na edukasyon para sa ating mga mag-aaral.

Maraming salamat sa lahat ng naging bahagi ng makabuluhang tagumpay na ito. Nawa'y magsilbi itong inspirasyon upang lalo pa nating pag-ibayuhin ang ating serbisyo at pagmamalasakit para sa bawat batang Prenzanian.

Padayon, Prenza NHS!
To God be all the glory!



17/06/2026

Maligayang Kaarawan Sir Melvin P. Barraza, g**o sa Ikawalong Baitang πŸŽ‰πŸŽ‚πŸŽπŸ’–

Hangad namin ang iyong kasiyahan sa araw na ito. Dahil sa iyong dedikasyon, maraming mag-aaral ay ikaw ang inspirasyon. Dalangin nami'y patuloy ka pang pagpalain at pagkalooban ng malusog na pangangatawan.

Pagbati mula sa Kagawaran ng Araling Panlipunan πŸ’™πŸ€β€οΈ

17/06/2026

Belated Happy Birthday to our Grade 8 Teacher Sir Daryl Mangubat πŸŽ‰πŸŽ‚πŸŽŠπŸŽ

D-ala ay pag-asa para sa mga bata
A-ng husay at galing ang laging sandata
R-egalong karunungan laging inihahanda
Y-aong sa propesyon laging may pagpapala
L-ubos na maganap lahat ng iyong adhika

Pagbati mula sa Kagawaran ng Araling Panlipunan πŸ’™πŸ€β€οΈ

12/06/2026

Kalayaan para sa Kaayusan, Kabutihan, Karunungan at Katarungan mula sa Paaralan hanggang buong Lipunan πŸ‡΅πŸ‡­πŸ™

Maligayang Araw ng Kalayaan! πŸ‡΅πŸ‡­

Sa pagdiriwang ng ika-128 anibersaryo ng Proklamasyon ng Kalayaan ng Pilipinas, kaisa ang Kagawaran ng Edukasyon sa pagpupugay sa katapangan at sakripisyo ng ating mga bayani na nagbukas ng landas tungo sa ating kasarinlan.

Nawa’y magsilbing inspirasyon ang kanilang pamana upang patuloy nating mahalin ang bayan, pahalagahan ang kalayaan, at magkaisa para sa mas maunlad na kinabukasan ng bansa.

07/06/2026

Welcome Back to School Prenzanians! 😍πŸ₯°

Sa unang araw ng School Year 2026-2027, nawa'y puspusin ka ng pag-asa sa bagong yugto ng iyong pag-aaral. Baunin ang iyong pangarap at layunin ng paaralan na ikaw ay maging isang mabuti at mahusay na mag-aaral.

Huwag kalimutan ang bilin ng iyong mga magulang at g**o sa loob at labas ng paaralan. Ang Edukasyon ang iyong pinakamabisang sandata sa pakikibaka sa buhay.

Ang iyong PAPEL ay maging matalinong mag-aaral. Iguguhit ng LAPIS ang iyong mga pangarap sa buhay. Itatala mo sa iyong KWADERNO gamit ang iyong BOLPEN ang mga magaganda mong karanasan. Hayaan mong hasain ng PANTASA ang nanghihina mong puso at burahin ng ERASER ang mga takot sa iyong isip. Kulayan mo ng CRAYONS ang mga malulungkot mong alaala. Gawin mong gabay ang COMPASS sa pagtahak nang tamang direksyon sa buhay. πŸ’™πŸ€β€οΈ

Mobile uploads 05/06/2026

πŸŽ‰ πŸŽ‰ π“π€πŽπ’-ππ”π’πŽππ† ππ€π†ππ€π“πˆ! πŸŽ‰ πŸŽ‰

Malugod na binabati ng Kagawaran ng Araling Panlipunan : Prenza National High School

🌟 Analyn B. Cabuhat sa kanyang pagkakatalaga bilang Officer-in-Charge ng Tiaong Elementary School (Guiguinto District);

Ang iyong dedikasyon, husay sa pamumuno, at walang sawang paglilingkod sa edukasyon ay tunay na nagbibigay-inspirasyon sa buong komunidad ng mga g**o. Nawa’y maging matagumpay at mabunga ang iyong panunungkulan sa mga bagong tungkuling ipinagkatiwala sa iyo.

Ikaw ay tunay na ipinagmamalaki ng Araling Panlipunan Kaguruan ng Bulacan. Mabuhay at higit pang pagpalain ang inyong paglilingkod para sa kapakanan ng mga mag-aaral at ng sambayanang Pilipino!




04/06/2026

Maligayang Kaarawan at Masayang Pagbabalik sa Kagawaran ng Araling Panlipunan : Prenza National High School sa iyo, Ma'am Princess Soriano πŸŽ‰πŸŽ‚πŸ‘‘πŸ’–πŸ™

Hangad namin ang iyong kasiyahan at malusog na pangangatawan. Nawa'y puspusin ka pa ng masaganang pagpapala sa'yong larangan.

Ang iyong pagbabalik sa Kagawaran ay isang karangalan. Ipagpatuloy mo ang pagiging isang g**o na mabuti at huwaran. Magbabahagi sa mga mag-aaral ng sapat na kaalaman. Sa iyong propesyon ay uukit sa kasaysayan.

-pagbati mula sa mga g**o ng Kagawaran ng Araling Panlipunan πŸ’™πŸ€β€οΈ

Photos from Kagawaran ng Araling Panlipunan : Prenza National High School's post 03/06/2026

Brigada Eskwela 2026 : Day 2 πŸ’–πŸ₯°πŸ πŸŒΏπŸ–οΈπŸ‘Š

"Bayanihan sa Paaralan : Nagkakaisa para sa Kaayusan at Kaalaman"

Ang Kagawaran ng Araling Panlipunan : Prenza National High School ay buong-puso at tapat na nakikiisa sa BE 2026 para sa lubos na pag-aayos at paghahanda ng paaralan sa Taong Panuruan 2026-2027. Kaisa ng mga magulang, mga mag-aaral, mga lokal na tagapamahala at iba pang opisyal ng Kagawaran ng Edukasyon, higit kaming mga g**o ng Araling Panlipunan ay masiglang nakikiisa sa ating iisang layunin. πŸ’™πŸ€β€οΈ

Want your school to be the top-listed School/college in Marilao?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Website

Address


Villarica Road
Marilao
3019