Assemblywoman Felicita G. Bernardino Memorial Trade School - Grade 7

Assemblywoman Felicita G. Bernardino Memorial Trade School - Grade 7

Share

This is the official page for the Junior High School Grade 7 students of Assemblywoman Felicita G. B

Photos from Assemblywoman Felicita G. Bernardino Memorial Trade School - Grade 7's post 31/07/2022

Mapagpalang araw BERNARDINIANS!

Para sa mga incoming Grade 7 SY. 2022-2023 na hindi nagkapagsagot sa ating online enrollment. Narito po ang schedule para sa ating in-person enrollment. Aug. 1, 8, and 16, 2022 mula ika-8 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali.

Magpunta lamang po ating paaralan sa mga nasabing pesta para kayo po ay makapagenroll at dalin lamang ang mga sumusunod.
a. Original Copy of SF9/report Card
b. Photocopy of any of the following;
i. Birth Certificate (PSA, NSO, Local Civil Registry)
ii. Baptismal Certificate
iii. Barangay Certificate
c. Vaccination Card
d. Ballpen

Sundin lamang po ang minimum health protocols na pinapatupad ng ating paraalan.

Salamat po..

Photos from Assemblywoman Felicita G. Bernardino Memorial Trade School - Grade 7's post 18/07/2022

Mapagpalang araw BERNARDINIANS!

Sa darating po na Miyerkules, July 20, 2022 ang nakatakdang araw ng bigayan ng card para sa mga mag-aaral ng Grade 7.

Narito po ang mga nakatakdang oras na dapat natin sundin. (see picture below)

STE - GUMAMELA 8:00 AM TO 10:00 AM
HYACINTH - ZINNIA 10:00 TO 12:00NN

Sundin lamang po ang minimum health protocols na pinapatupad ng ating paaralan.

Salamat po..

Photos from Assemblywoman Felicita G. Bernardino Memorial Trade School - Grade 7's post 02/06/2022

Sa darating po na Lunes, June 6, 2022 ang huling araw ng solian ng mga module at answersheet para sa ika-apat na markahan (4th quarter)

Narito po ang mga nakatakdang oras na dapat natin sundin sa ating retrieval.(see picture below)

Paalala rin po para sa mga bata na kasali sa face-to-face classes. Wala po kayong pasok sa lunes (June 6, 2022) para magbigay daan sa ating retrieval ng modules.

Sa June 7, 2022 (Martes) ang inyong balik sa ating face-to-face classes (7:00 - 11:20 am)

Para sa mag-aaral na may problema sa kanilang mga asignatura, kung maaari ay makipag-ugnayan sa ingyong mga adviser at subject teachers.

Maraming salamat po!

Photos from Assemblywoman Felicita G. Bernardino Memorial Trade School - Grade 7's post 18/05/2022

Mapagpalang araw BERNARDINIANS!

Sa darating po na Lunes, May 23, 2022 ay ang nakatakdang araw ng solian ng mga module at answersheet para sa ika-apat na markahan (4th quarter).

Narito po ang mga nakatakdang oras na dapat natin sundin sa ating retrieval.(see picture below)

Paalala rin po para sa mga bata na kasali sa face-to-face classes. Wala po kayong pasok sa lunes (May 23, 2022) para magbigay daan sa ating retrieval ng modules.

Sa May 24 20222 (Martes) ang inyong balik sa ating face-to-face classes (7:00 - 11:20 am).

Maraming salamat po!

11/05/2022

Mapagpalang araw BERNARDINIANS!

Sa May 16, 2022 (Lunes) ang muling pagbubukas ng ating klase para sa mag-aaral ng batch 1 at batch 2 sa ating mass implementation ng face-to-face classes.

Maraming Salamat po.

01/05/2022

Mapagpalang araw BERNARDINIANS!

Upang magbigay-daan para sa "National Election Related-Activities", walang pasok ang mga mag-aaral na kasali sa Face-to-face class mula ika-2 hanggang 13 ng Mayo, 2022.

Salamat po..

Photos from Assemblywoman Felicita G. Bernardino Memorial Trade School - Grade 7's post 14/04/2022

Mapagpalang araw BERNARDINIANS!

Simula sa April 18, 2022 (Lunes) ang simula ng pagpasok ng batch 1 at batch 2 para sa ating mass implementation ng face-to-face class.

Narito po ang masterlist ng mga bata na nakasali sa batch 2 ng ating f2f class, pati na rin po ang kanilang bagong section at pangalan ng kanilang f2f adviser.

Pakibasa na rin po ang ilang mga paalala tulad ng oras ng pagpasok at pag-uwi, mga dapat isuot, mga dapat dalhin at mga kailangang gawin habang sila ay nasa sa loob ng paaralan.

Paalala na rin po para sa mga mag-aaral na nasa BATCH 1 section ng ASTER, BELLFLOWER at COSMOS ito pa rin po ang inyong section at sa April 18, 2022 (Lunes) rin ang inyong pasok.

Sa Gate 1 (Main Gate) ang inyong entrance at exit.

Para sa mga katanungan, ichat/message po ninyo ang inyong mga modular adviser.

Maraming Salamat po.

Photos from Assemblywoman Felicita G. Bernardino Memorial Trade School - Grade 7's post 07/04/2022

Mapagpalang araw BERNARDINIANS!

Sa darating po na Lunes, April 11, 2022 ay ang nakatakdang araw ng solian ng mga module at answersheet para sa ikatlong markahan (3rd quarter). At bigayan ng modules para sa ika-apat na markahan (4th quarter)

Narito po ang mga nakatakdang oras na dapat natin sundin sa ating distribution at retrieval.(see picture below)

Paalala rin po para sa mga bata na kasali sa face-to-face class. Wala po kayong pasok sa lunes-miyerkules (april 11 -13, 2022) dahil sa nalalapit na Semana Santa.

Sa April 18, 20222 (Lunes) ang inyong balik sa ating face-to-face classes (7:00 - 11:20 am, Monday-Friday).

Maraming salamat po!

02/04/2022

Mapagpalang araw BERNARDINIANS!

Simula sa April 4, 2022 (Lunes) ay araw araw (Monday - Friday) na po ang pasok ng mga bata na kasali sa face-to-face class. Ang kanilang klase ay magsisimula sa ika-7 ng umaga at matatapos ng ika-11:20 ng umaga. Ito ay alinsunod sa Regional Memo 180 s. 2022.

Salamat po.

19/03/2022

Mapagpalang araw BERNARDINIANS!

Narito po ang schedule ng pasok para sa mga bata na kasali sa Face-to-Face Class

Sa March 22-25, 2022 (tuesday - friday) ay wala pong pasok ang mga bata sa kanilang F2F class. Sila po ay nasa distance modular learning na kung saan sila po ay magsasagot ng kanilang mga module, answer sheets at mga activity sa kani-kanilang mga bahay.

Sa March 29 - April 1, 2022 (tuesday - friday) ang kanilang balik sa school para sa F2F class.

Salamat po..

Photos from Assemblywoman Felicita G. Bernardino Memorial Trade School - Grade 7's post 17/03/2022

Mapagpalang araw BERNARDINIANS!

Sa darating po na Lunes, March 21, 2022 ay ang nakatakdang araw ng solian ng mga module at answersheet para sa ikatlong markahan (3rd quarter).

Narito po ang mga nakatakdang oras na dapat natin sundin sa distribution.(see picture below)

*Para po sa mga mag-aaral na kasali sa Face-to-face class, ang inyong mga module at answersheets ay ipapasa sa inyong mga f2f subject teacher sa inyong mga klase. Hindi po kayo kasali sa mga magpapasa sa Lunes.

Mga paalala:
- Mga magulang o guardian ang magbalik ng inyong mga modules at answer sheets.
- Magsuot ng face mask
- Magdala ng sariling ballpen

Gayundin po ay sumunod po tayo sa mga pinapatupad na mga health protocols ng ating paaralan.

Maraming salamat po!

14/02/2022

Mapagpalang araw BERNARDINIANS!

Midyear break muna po tayo mula February 14 - 18, 2022
Ang Third Quarter ay magsisimula sa February 21, 2022

PAHABOL NA ANUNSYO
* Bilang paghahanda mula sa Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) patungkol sa pagbubukas ng lmitadong klase sa paaralan (Limited Face to Face classes), ang pamunuan ng Assemblywoman Felicita G. Bernardino Memorial Trade School (AFGBMTS) ay nagnanais na marinig ang inyong boses o mungkahi sa pamamagitan ng pagsasagot ng survey na ito para sa paghahanda ng limitadong klase sa paaralan o Face to Face Classes.*

Maaari po sana na sagutan ninyo ang online survey (nasa baba po ang link). Ito rin po yung survey link na sinend sa inyo ng inyong mga adviser. Paalala lang po na isang beses lamang maaaring magsagot sa survey.(Kung nakapagsagot na po kayo ay huwag na pong magsagot ulit.)

https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLSfypysrSMzKDhTeF83mhzyhv8OjIsRBteasmRo7z0kJ6r8w0w/viewform

Salamat po..

Want your school to be the top-listed School/college in Marilao?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address


Marilao

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm