20/12/2021
Konsehal Guam Partosa, siya po ang founder ng Adopt a Marilao Community, siya ay dating SK Kagawad ng Tabing Ilog, at nag-aral ng Law.
Hindi galing sa pamilya ng mga pulitiko, o ng mga mamamayamang may mga negosyo. Hindi gaya ng mga kandidato ngayon, noong kasagsagan ng pandemya siya ay bumaba at tumulong sa mga tao.
Si Guam Partosa ay galing sa hanay ng mga ordinaryong Marilenyo, para sa mga ordinaryong Marilenyo. Panahon na para magkaroon tayo ng representate sa Sangguniang Bayan!
Bago sa pulitika, pero siya ay may plano. Suportahan natin!
11/10/2021
Tumatanggap nang muli ang COMELEC ng mga magpaparehistrong mga Marilenyo para makaboto sa halalan 2022! :)
28/09/2021
HEADS UP, MARILENYO!
Voter Registration
September 29-30, 2021
SM Marilao, from 8 AM - 5 PM.
AGAHAN ANG PAG PUNTA, dahil 200 lang ang kanilang inisyal na tatanggapin. Dalhin ang mga requirements, magface mask at magsuot din ng face shield! :)
27/09/2021
Gising ka na ba? Nakapila ka na ba sa munisipyo?
Last 2 days nalang! Pakibalitaan po ako sa magiging experience mo sa pagpaparehistro today!
11/09/2021
Nag cut-off na daw po ang COMELEC kaninang 8:30 AM sa SM Marilao, may 200 pax nang iaaccomodate. Sa bagong munisipyo nalang po kayo magparehistro sa darating na Lunes hanggang Sabado, 8:00 AM to 5:00 PM.
09/09/2021
LAST 20 DAYS NALANG BAGO ANG DEADLINE NG VOTER REGISTRATION. Marileño, nakapagparehistro ka na ba?
COMELEC SATELLITE OFFICE at SM Marilao
September 10 - 11, 2021
8:00 AM to 5:00 PM
Ano ang mga requirments?
1. Para sa mga bagong botante, magpapatransfer at reactivation:
- Student ID o Library Card
- Employee's ID
- Any government issued ID
2. Para sa pagbabago/pagwawasto ng entry:
- Birth Certificate (PSA copy) - kung ang registration ay naglalaman ng maling entries gaya ng maling spelling ng pangalan, araw ng kapanganakan, lugar kung saan ipinanganak o may typographical error.
- Marriage Contract (PSA copy)/ Court Order - kung ang pagpapalit ng pangalan ay dahil sa kasal o court order.
3. Magdala ng mga sumusunod:
- Sariling ballpen na itim;
- Face mask;
- Face shield;
Kung hindi pa, puntahan ang link na ito para sa mga requirements: https://www.facebook.com/TatakMarileno/posts/105584824901450
! ! !
UPDATE re: Satellite Office at SM Marilao:
First 200 lang po ang iaaccomodate nila ngayon sa SM, dahil tayo ay naka MECQ padin. Pero sarado po ang kanilang opisina sa munisipyo today and tomorrow.
Pwede pong pumunta at magparehistro ang buntis, senior at PWD, pero sila ay pinapayuhan na sa opisina nalamang ng COMELEC magparehistro para sila ay maprioritise.
Para sa voter’s ID, hininto na po ang pag issue nito simula 2017 in anticipation of the national ID. Pero pansamantalang pwedeng magrequest ng Voter Certification sa kanilang opisina (hindi pwede sa SM), hindi ko lang po alam if libre ito o may bayad, iupdate ko po kayo tungkol dito.
Simula next week, bukas ang opisina ng COMELEC Lunes - Sabado, from 8:00 AM to 5:00 PM. Bagong Munisipyo. Magparehistro na! !
18/07/2021
Magandang hapon, Marileño!
Mayroon pa bang hindi nakakapag parehistro sa inyo?
22/06/2021
100 araw na lamang para ikaw ay magparehistro!
PAANO BA AKO MAKAKAPAG PAREHISTRO? 2 EASY STEPS.
STEP 1: Maaari kang mag fill-out ng ONLINE APPLICATION FORM, pumunta lamang sa https://irehistro.comelec.gov.ph/cef1. Kung ikaw naman ay isang OFW o Filipino citizen na nasa ibang bansa, dito ka magfill-out ng application form: https://irehistro.comelec.gov.ph/irehistro/ovf1
Kung hindi maka access sa mga link sa itaas, idownload at iprint ang mga sumusunod na form nang tatlong (3) kopya, at back-to-back ang print gamit ang long bond paper (8.5 x 13): https://drive.google.com/file/d/1W45qovaVgUAtWM2N7PU9L9h0DJLsx9CT/view?fbclid=IwAR1zFXYAzlfUULeLNliwQR73Y7oum2-jmG41NUJsC7PdfNo9RDMyMDHkjiQ
Iprint at sagutan din ang Health Declaration Form: https://drive.google.com/file/d/1Pe4kymsqCBlOXY5jEIPP-zEPLiN6Z-jf/view?fbclid=IwAR0nWFNWFLjT81qqtH2a72v-DZt1CO07ou7NONIQUKpQcQeDYsRu-sH8LEc
Kung hindi makapagdownload at print, maaaring humingi ng application form sa opisina mismo ng COMELEC at doon ito sagutan.
* Pagbukas mo ng Application Form ay papipiliin ka ng Uri ng Application:
a) New Registration - para sa mga ngayon palamang magpaparehistro at boboto;
b) Transfer of Record - kung ikaw ay nakarehistro na ngunit gusto magpalipat sa ibang lugar. Kailangan ikaw ay residente sa bago mong tinitirhan nang mahigit isang taon;
c) Reactivation of Registration Record - para sa mga nakapagparehistro na noon, ngunit hindi nakaboto sa loob ng dalawang magkasunod na eleksyon;
d) Change of Name due to Marriage or Court Order - para sa mga nagpapalit ng pangalan;
e) Inclusion of Records in the Book of Voters/Voters List - kung ikaw ay nakapagparehistro na noon at regular na bumoboto (national at barangay election).
STEP 2: Magpunta sa inyong lokal na COMELEC Office, o kaya naman ay sa Embassy o Consul kung ikaw ay isang OFW o Filipino Citizen na nakatira sa ibang bansa, para magsubmit ng iyong application form at para makuha ang iyong biometrics, makunan ng larawan at pumirma sa iyong application form.
PAALALA: Magdala ng sariling BLACK ballpen, magsuot ng face mask at face shield at magdala ng alcohol. Huwag kalimutan magprint, magsagot at dalhin ang Health Declaration Form.
Magparehistro HABANG WALA PANG MAHABANG PILA. Ingat!
! ! !
06/04/2021
Public announcement from COMELEC Marilao Bulacan.
04/04/2021
PUBLIC ANNOUNCEMENT:
Sarado ang opisina ng COMELEC Marilao, Bulacan hanggang ika-11 ng Abril, 2021, dahil ang ating lalawigan ay kasama sa NCR+ na kasalukuyang under Enhanced Community Quarantine (ECQ).
Marileño, siguruhing makapagparegister agad kapag nagbukas muli ang opisina ng COMELEC nang hindi maabutan ng nagbabadyang pagextend pa ng ECQ at ng mahabang pila kapag malapit na ang deadline.
Manatiling malusog, hangga't posible ay manatili sa loob ng ating bahay at magsuot ng mask kapag lalabas upang mamili ng essential goods at magtatrabaho.
! !