20/08/2026
๐ฃ๐ฎ๐ด๐๐๐ผ๐ป๐ด ๐ฎ๐ ๐ฃ๐ฎ๐ด๐๐ถ๐น๐ผ๐ป๐ด: ๐ฃ๐ฎ๐ป๐ด๐ธ๐ฎ๐น๐ฎ๐ต๐ฎ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐๐๐ฒ๐บ๐ฏ๐น๐ฒ๐๐ฎ ๐ถ๐๐ถ๐ป๐๐น๐ผ๐ ๐๐ฎ ๐ธ๐ฎ๐ฏ๐ถ๐น๐ฎ ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ด-๐๐น๐ฎ๐ป
โ๏ธ ๐๐๐ถ๐ป๐๐น๐ฎ๐ ๐ป๐ด ๐๐๐ฝ๐ผ๐ป๐ด ๐๐ฑ๐ถ๐๐ผ๐ฟ๐๐ฎ๐น
Nagtipon ang mga mag-aaral ng Politeknikong Kolehiyo ng Marikina para sa Pangkalahatang Asembleya ng mga Mag-aaral noong Agosto 17, 2026, matapos ilipat sa loob ng Pang-Akademikong Gusali ang nakatakdang pagtitipon dahil sa patuloy na malakas na pag-ulan. Ilang daang mag-aaral ang nanatili sa ikalimang palapag, habang ang iba ay gumamit ng mga silid-pulungan sa ibaโt ibang palapag ng gusali upang maisagawa ang umagang programa.
Sa isinagawang asembleya, nagbigay ng mga mensahe ang mga pinuno ng kolehiyo na nakatuon sa malasakit, pagpapatuloy, at pananagutan ng mga mag-aaral bilang bahagi ng komunidad ng MPC. Sa kaniyang mensahe, binigyang-diin ni Ehekutibong Pangalawang Pangulo Engr. Sheila Villanueva ang ibaโt ibang kalagayang kinakaharap ng mga mag-aaral sa kanilang pag-aaral. โNakikita ko kayo. At nakikita kayo ng institusyong ito,โ ani niya.
Sinundan ang mga mensahe ng mga pagtatanghal ng mga mag-aaral at organisasyon ng mga estudyante bago pormal na isinara ang umagang asembleya. Samantala, hindi na itinuloy ang nakatakdang MPC Ikot o Fun Walk para sa mga freshman, gayundin ang BALAI Kiosk dahil sa patuloy na pag-ulan.
Bago ang mga nakatakdang aktibidad sa hapon, nagdeklara naman ang lokal na pamahalaan ng pagsuspinde ng klase sa hapon, dahilan upang ipagpaliban ang Institusyong Asembleya para sa Institusyon ng Edukasyong Teknikal para sa mga G**o (ITTE) at Institusyon ng Agham Pang-aklatan at Impormasyon (BLIS). Dahil dito, ang SGA ang tanging naisagawang pangunahing programa ng MPC para sa araw na iyon.