VEFMHS-Kagawaran ng Filipino

VEFMHS-Kagawaran ng Filipino

Share

In 1974, th Boys Town School was renamed Valeriano E. Fugoso Memorial High School in honor of its fo

Photos from VEFMHS-Kagawaran ng Filipino's post 14/08/2022

Samahan niyo kami sa Birtwal na Pagbubukas ng Buwan ng Wikang Pambansa Agosto 2022! Magaganap ang pambungad na palatuntunan bukas, Lunes, ika-9 ng umaga.

06/08/2022
18/09/2021

Filipino Club Officers
Taong Panuruan 2021-2022

Photos from VEFMHS-Kagawaran ng Filipino's post 17/09/2021

Kagawaran ng Filipino at Filipino Club Officers
Taong Panuruan 2021-2022

06/09/2021

Taos pusong nagpapasalamat ang Kagawaran ng Filipino sa lahat ng sumuporta at tumulong upang maisakatuparan ang Birtwal na pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa Agosto 2021.

BUWAN NG WIKANG PAMBANSA 2021 - PAMPINID 05/09/2021

Birtwal na Pampinid na Palatuntunan

BUWAN NG WIKANG PAMBANSA 2021 - PAMPINID Mula sa VEFMHS-Kagawaran ng Filipino, tunghayan ang ating Birtwal na Pampinid na Palatuntunan kaugnay sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa Agosto 2021

05/09/2021

Samahan niyo kami sa Birtwal na Pampinid na Palatuntunan ng Buwan ng Wikang Pambansa Agosto 2021 bukas, ika-6 ng Setyembre 2021 sa ganap na ika-8 ng umaga

BUWAN NG WIKANG PAMBANSA 2021 16/08/2021

Pagbubukas na Palatuntunan ng Buwan ng Wikang Pambansa Agosto 2021

BUWAN NG WIKANG PAMBANSA 2021 Mula sa VEFMHS-Kagawaran ng Filipino, tunghayan ang ating birtwal na presentasyon ng pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa ngayong taong 2021.

15/08/2021

Narito ang paligsahan para sa Baitang 7-10
Panuntunan
1. Ang kaisipan ng bubuuing Tiktok Video ay nararapat na tumutugon sa tema ng Buwan ng Wikang Pambansa 2021 na "Filipino at mga Wikang Katutubo sa Dekolonisasyon ng Pag-iisip ng mga Pilipino"
2. Ang Tiktok Video ay may habang 3 hanggang 5 minuto lamang.
3. Maipakita dapat sa Tiktok Video ang pagkilala at pagpapahalaga sa Kulturang Pilipino at mga wikang umiiral sa bansa.
4. Ang musikang gagamitin sa Tiktok Video ay kailangang angkop sa nais palutanging kaisipan.
5. Ito ay maaaring ipasa simula Agosto 20 hanggang 25 sa ganap na ika-7:00 ng umaga hanggang ika-2:30 ng hapon sa https://forms.gle/jXwurSpDTyifxVfq6
6. Pipiliin ang mga magwawagi batay sa sumusunod na pamantayan:
A. Nilalaman (50%)
--Kaangkupan sa Tema
--Kabuluhan ng Mensahe
B. Pagmalikhain (30%)
--Husay sa paggamit ng iba-ibang features
--Kasuotan at kagamitan
C. Hikayat (20%)
7. Tiyaking nakasulat ang kumpletong PANGALAN at BAITANG sa ipapasang lahok/entri.
8. Tikayin na ang ipapasang lahok/entri ay may FILENAME sa ganitong format: Pangalan + Baitang + TIKTOK (halimbawa: TrixieSandovalGrade10TIKTOK.mp4)
9. Ang desisyon ng inampalan ay pinal.

15/08/2021

Narito ang paligsahan para sa Baitang 7-10
Panuntunan
1. Ang napiling kinatawan o kalahok ng bawat pangkat ay bibigkas ng sariling likhang tula at marapat na tumatalakay sa tema ng Buwan ng Wikang Pambansa 2021 na "Filipino at mga Wikang Katutubo sa Dekolonisasyon ng Pag-iisip ng mga Pilipino"
2. Tatlo hanggang limang minuto lamang ang haba nito
3. I–upload ang video ng Spoken Poerty sa https://forms.gle/jXwurSpDTyifxVfq6 na tatanggapin mula Agosto 18 hanggang 25 sa ganap na ika-7:00 ng umaga hanggang ika-2:30 ng hapon
4. Ang desisyon ng inampalan ay pinal at hindi na mapasusubalian pa.
Panuntunan sa Pagpupuntos
a. Interpretasyon (50%)
- Tinig
- Bigkas
- Kumpas at ekspresyon ng mukha
b. Kabihasaan (20%)
- Pagsasaulo ng pyesa
- Damdamin
c. Orihinalidad (25%)
d. Hikayat ( 5%)

15/08/2021

Narito ang paligsahan para sa Baitang 7-10
Panuntunan
1. Ang kaisipan ng bubuuing poster ay nararapat na tumutugon sa tema ng Buwan ng Wikang Pambansa 2021 na "Filipino at mga Wikang Katutubo sa Dekolonisasyon ng Pag-iisip ng mga Pilipino"
2. Gagawin ang poster sa ikaapat na bahagi ng puting kartolina.
3. Isusumite ang poster na naka-jpg o jpeg ang pormat ng file.
5. Ang nabuong poster ay maaaring ipasa simula Agosto 16 hanggang 25 sa ganap na ika-7:00 ng umaga hanggang ika-2:30 ng hapon sa https://forms.gle/jXwurSpDTyifxVfq6
6. Ang desisyon ng inampalan ay pinal at hindi na mapasusubalian pa
Pamantayan sa Pagpupuntos:
1. Nilalaman (40%)
-Kaugnayan sa paksa
-Mensahe
2. Pagkamalikhain (50%)
-Istilo
3. Hikayat (10%)

15/08/2021

Narito ang paligsahan para sa Baitang 7-10
Panuntunan
1. Ang kaisipan ng bubuuing Slogan ay nararapat na tumutugon sa tema ng Buwan ng Wikang Pambansa 2021 na: Filipino at mga Wikang Katutubo sa Dekolonisasyon ng Pag-iisip ng mga Pilipino"
2. Isusulat ang slogan sa kalahating puting kartolina.
3. Ang gagawing Slogan ay binubuo ng sumusunod:
a. Dalawang taludtod (2)
b. May lalabindalawahing pantig bawat taludtod
c. May ganap na tugmaan
4. Ipapasa ang Slogan na naka-jpg o jpeg ang pormat ng file.
5. Ang nabuong slogan ay maaaring ipasa simula Agosto 13 hanggang 25 sa ganap na ika- 7:00 ng umaga hanggang 2:30 ng hapon sa https://forms.gle/BRroSZqTuEnHpyTz7
6. Ang desisyon ng inampalan ay pinal at hindi na mapasusubalian pa.
Pamantayan sa Pagpupuntos:
1. Nilalaman (50%)
-Kaugnayan sa paksa
-Kalinawan ng opinyon
-Katiyakan ng impormasyon
2. Kawastuhan (30%)
-Tuntuning panggramatika
-Paggamit ng kohesyong gramatikal
-Wastong pagbabantas
3. Hikayat (20%)

Want your school to be the top-listed School/college in Marikina City?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Website

Address


Boys' Town Complex Parang
Marikina City
1809

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm