MariSci Historia Club

MariSci Historia Club Marikina Science High School's Historia Club. Please HIT the LIKE button.

๐Ÿ—ž๏ธ ๐˜ฟ๐™„๐™‰๐™‚๐™‚๐™„๐™‰ ๐˜ผ๐™‰๐™‚ ๐™‹๐˜ผ๐™‰๐˜ผ๐™’๐˜ผ๐™‚๐™„๐™‰ ๐™‰๐™‚ ๐™๐˜ผ๐™๐™ˆ๐˜ฝ๐˜ผ๐™”๐˜ผ๐™‰: ๐™Ž๐˜ผ๐™‚๐™„๐™Ž๐˜ผ๐™‚ ๐™‰๐™‚ ๐™‹๐˜ผ๐™‚๐™๐™„๐™‰๐˜ฟ๐™„๐™‚ ๐™Ž๐˜ผ ๐™†๐˜ผ๐™Ž๐˜ผ๐™”๐™Ž๐˜ผ๐™”๐˜ผ๐™‰Ngayong ika-21 ng Agosto, bigyang-diin natin an...
21/08/2026

๐Ÿ—ž๏ธ ๐˜ฟ๐™„๐™‰๐™‚๐™‚๐™„๐™‰ ๐˜ผ๐™‰๐™‚ ๐™‹๐˜ผ๐™‰๐˜ผ๐™’๐˜ผ๐™‚๐™„๐™‰ ๐™‰๐™‚ ๐™๐˜ผ๐™๐™ˆ๐˜ฝ๐˜ผ๐™”๐˜ผ๐™‰: ๐™Ž๐˜ผ๐™‚๐™„๐™Ž๐˜ผ๐™‚ ๐™‰๐™‚ ๐™‹๐˜ผ๐™‚๐™๐™„๐™‰๐˜ฟ๐™„๐™‚ ๐™Ž๐˜ผ ๐™†๐˜ผ๐™Ž๐˜ผ๐™”๐™Ž๐˜ผ๐™”๐˜ผ๐™‰

Ngayong ika-21 ng Agosto, bigyang-diin natin ang salamisim ng isang yugto ng ating kasaysayang pinanday ng matinding pagsubok at matibay na paninindigan. Ipinagdiriwang ang Ninoy Aquino Day bilang paggunita sa buhay at pagpanaw ni Benigno โ€œNinoyโ€ Aquino Jr., na naging mahalagang tinig sa pagsusulong ng demokrasya at karapatang pantao. Alinsunod sa Republic Act No. 9256, na nilagdaan noong 2004, idineklara ang ika-21 ng Agosto bilang Ninoy Aquino Day at isang pambansang espesyal na araw bilang pag-alala sa anibersaryo ng kaniyang pagkamatay.

Mula sa pagiging punong-bayan ng Concepcion, Tarlac, hanggang sa pagkakapanalo bilang senador, unti-unting umigting ang kaniyang papel sa larangan ng politika. Naging mariin ang kaniyang pagtutol sa pamahalaan ni Ferdinand Marcos, na humantong sa kaniyang pagkakakulong kasunod ng deklarasyon ng Batas Militar noong 1972. Noong 1980, pinahintulutan siyang magtungo sa Estados Unidos upang magpagamot, at makaraan ang tatlong taon ay nagbalik siya sa Pilipinas.

Noong ika-21 ng Agosto 1983, sa isang malagim na pangyayaring yumanig sa buong sambayanan, pinaslang si Ninoy Aquino sa Manila International Airport, na ngayon ay kilala bilang Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Ang kaniyang pagpaslang ay nagpaigting sa pagkilos ng mga Pilipino laban sa pamahalaan at naging bahagi ng mga pangyayaring humantong sa People Power Revolution noong 1986. Sa pagkakamit ng pagbabagong pampolitika, nanumpa si Corazon Aquino bilang pangulo ng bansa noong ika-25 ng Pebrero 1986.

Hanggang sa kasalukuyan, nananatili si Ninoy bilang isang mahalagang tinig sa kasaysayan ng pakikibaka para sa demokrasya sa Pilipinas. Higit sa pangalang nakaukit sa mga aklat ng kasaysayan, buhay ang kaniyang paninindigan at pagkalinga sa bayan, na kapwa nagsisilbing gunita sa lakas ng loob na magsalita at tumindig para sa karapatan at kalayaan ng sambayanan.

Nawa'y manatiling buhay ang kaniyang paninindigan sa pagtataguyod ng isang malaya, makatarungan, at nagkakaisang bayan.

Sulat ni: Soph Muรฑoz
Likha ni: Angelica Cadiang at Rhazmin Quebral

๐Ÿ—ž ๐˜ฝ๐™๐™’๐˜ผ๐™‰ ๐™‰๐™‚ ๐™†๐˜ผ๐™Ž๐˜ผ๐™”๐™Ž๐˜ผ๐™”๐˜ผ๐™‰: ๐™ƒ๐™๐™‰๐™„ ๐™‰๐™‚ ๐™‡๐™„๐™‰๐˜ผ๐™‰๐™‚๐˜– ๐˜—๐˜ช๐˜ญ๐˜ช๐˜ฑ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜ด, ๐˜ฌ๐˜ข๐˜บ ๐˜จ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ช๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ถ๐˜ญ๐˜ข๐˜บโ€”sagana sa tradisyon, kultura, kasaysayan,...
07/08/2026

๐Ÿ—ž ๐˜ฝ๐™๐™’๐˜ผ๐™‰ ๐™‰๐™‚ ๐™†๐˜ผ๐™Ž๐˜ผ๐™”๐™Ž๐˜ผ๐™”๐˜ผ๐™‰: ๐™ƒ๐™๐™‰๐™„ ๐™‰๐™‚ ๐™‡๐™„๐™‰๐˜ผ๐™‰๐™‚

๐˜– ๐˜—๐˜ช๐˜ญ๐˜ช๐˜ฑ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜ด, ๐˜ฌ๐˜ข๐˜บ ๐˜จ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ช๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ถ๐˜ญ๐˜ข๐˜บโ€”sagana sa tradisyon, kultura, kasaysayan, at wika. Ang huni ng linang ay awit ng bayan, sumasalamin sa ating pagkakaisa at pagmamahal sa inang bayan. Kita sa layon ng sangkalupaan mula Luzon, Visayas, at Mindanao, sa bawat salitang binibigkas naririnig ang tibok ng ating kasaysayan at ang sigaw ng ating kalayaan.

Ang agos ng kaisipan sa paglakas ng upos ng ilaw na gumagabay sa ating pagkakakilanlan. Mula sa mga awit ng katutubo, panitikan ng ating mga bayani, hanggang sa makabagong tinig ng kabataan, ay nagbabahagi ng isang tinig: maging magpahayag, magmahal, at makipagkapwa tao. Sa Buwan ng Kasaysayan, ipagdiwang natin ang kalinangan ng ating bayanโ€”ang huni na patuloy na humuhubog sa ating pagkatao.

Mabuhay ang ๐—ฃ๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐˜€! linangin ang kultura sa yaong kinabukasan.

Sulat ni: Ukraine Hulongbayan
Likha ni: Eowyn Cruz

๐Ÿ—ž ๐™†๐™„๐™‰๐˜ผ๐˜ผ๐˜ฟ๐™ˆ๐˜ผ๐™‰: ๐™ˆ๐™ž๐™ฉ๐™จ๐™– ๐™ฃ๐™œ ๐™†๐™–๐™ฉ๐™–๐™ก๐™ช๐™จ๐™–๐™ฃ  Sa alabok ng lansangan ay sumisibol ang mga sulyap na matagal nang naghihintay masilaya...
31/07/2026

๐Ÿ—ž ๐™†๐™„๐™‰๐˜ผ๐˜ผ๐˜ฟ๐™ˆ๐˜ผ๐™‰: ๐™ˆ๐™ž๐™ฉ๐™จ๐™– ๐™ฃ๐™œ ๐™†๐™–๐™ฉ๐™–๐™ก๐™ช๐™จ๐™–๐™ฃ

Sa alabok ng lansangan ay sumisibol ang mga sulyap na matagal nang naghihintay masilayan. Sa bawat dunong na humuhubog sa diwang mapagpalaya, nagkakaisa ang mga kaisipang handang magsilbing mitsa ng katalusang magbibigay-liwanag sa bayan at kinabukasan.

Sa Buwan ng Kasaysayan ngayong Agosto, ipagbubunyi ng Kinaadman, sa ilalim ng temang "Dunong at Diwa: Paghubog ng Kaisipang Nagbubuklod sa Bayan at Kinabukasan," ang mawawaring kahusayan ng salinlahi sa ikaapat na pagkakataon.

Kinasasaklawan nito ang mga paligsahan gaya ng Population Development Quiz Bee (PopDev) at On-the-Spot Oratorical Speech contest, na siyang maaaring dunguhan ng mga kislap na siyang namamayagi sa mga kaalamang hinggil sa populasyon, pati na rin ang kasanayan sa pagsusulat at pagsasalita.

๐Ÿ“Œ ๐™ˆ๐˜ผ๐™ƒ๐™„๐™‚๐™‹๐™„๐™ ๐™‰๐˜ผ ๐™‹๐˜ผ๐˜ผ๐™‡๐˜ผ๐™‡๐˜ผ: Mangyaring basahing mabuti ang nilalaman at mga panuto nakapaloob sa Google Form bago ito sagutan upang matiyak ang wastong pagpaparehistro.

Maaari kayong makilahok gamit ang link na ito:

๐Ÿ”—: https://tinyurl.com/5n7fs7un
๐Ÿ”—: https://tinyurl.com/5n7fs7un
๐Ÿ”—: https://tinyurl.com/5n7fs7un

Sulat ni: Soph Muรฑoz at Aldren Aguilar
Likha ni: Eowyn Cruz at Angelica Cadiang

๐Ÿ—ž๏ธ ๐™„๐™จ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ˆ๐™–๐™ ๐™–๐™จ๐™–๐™ฎ๐™จ๐™–๐™ฎ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ƒ๐™ž๐™ข๐™ฅ๐™ž๐™ก๐™–๐™ฃ ๐™ฅ๐™–๐™ง๐™– ๐™ ๐™–๐™ฎ ๐™ˆ๐™–๐™ง๐™œ๐™–๐™ง๐™š๐™ฉ: ๐™ˆ๐™–๐™ก๐™ž๐™œ๐™–๐™ฎ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™†๐™–๐™–๐™ง๐™–๐™ฌ๐™–๐™ฃ ๐™จ๐™– ๐™–๐™ข๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐™‚๐™ง๐™–๐™™๐™š 11 ๐™‡๐™š๐™ซ๐™š๐™ก ๐™๐™š๐™ฅ๐™ง๐™š๐™จ๐™š๐™ฃ๐™ฉ๐™–๐™ฉ๐™ž๐™ซ๐™š!Isang taos...
20/07/2026

๐Ÿ—ž๏ธ ๐™„๐™จ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ˆ๐™–๐™ ๐™–๐™จ๐™–๐™ฎ๐™จ๐™–๐™ฎ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ƒ๐™ž๐™ข๐™ฅ๐™ž๐™ก๐™–๐™ฃ ๐™ฅ๐™–๐™ง๐™– ๐™ ๐™–๐™ฎ ๐™ˆ๐™–๐™ง๐™œ๐™–๐™ง๐™š๐™ฉ: ๐™ˆ๐™–๐™ก๐™ž๐™œ๐™–๐™ฎ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™†๐™–๐™–๐™ง๐™–๐™ฌ๐™–๐™ฃ ๐™จ๐™– ๐™–๐™ข๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐™‚๐™ง๐™–๐™™๐™š 11 ๐™‡๐™š๐™ซ๐™š๐™ก ๐™๐™š๐™ฅ๐™ง๐™š๐™จ๐™š๐™ฃ๐™ฉ๐™–๐™ฉ๐™ž๐™ซ๐™š!

Isang taos-pusong pagbati sa iyo, Margaret!

Sa pagdiriwang ng iyong kaarawan, malugod kang binabati ng MariSci Historia Club. Maraming salamat sa iyong oras, dedikasyon, at patuloy na paglilingkod. Tunay na pinahahalagahan ang iyong sigasig at kahandaang gampanan ang mga tungkuling ipinagkakatiwala sa iyo. Nawa'y maging makabuluhan ang panibagong yugto ng iyong buhay at magpatuloy kang pagpalain ng mabuting kalusugan, inspirasyon, at tagumpay sa bawat mithiin at pagkakataong iyong tatahakin.

Muli, maligayang kaarawan, Margaret! Hangad namin ang iyong patuloy na tagumpay. โค๏ธ

Sulat ni: Soph Muรฑoz
Likha ni: Rhazmin Quebral

๐Ÿ—ž๏ธ ๐™†๐™๐™‰๐™‚ ๐˜ผ๐™‰๐™‚ ๐™‰๐˜ผ๐™†๐˜ผ๐™๐˜ผ๐˜ผ๐™‰ ๐˜ผ๐™” ๐™ƒ๐™๐™ˆ๐™๐˜ฝ๐™Š๐™‚ ๐™Ž๐˜ผ ๐™„๐™”๐™Š๐™‰๐™‚ ๐™‹๐˜ผ๐™‚๐™†๐˜ผ๐™†๐˜ผ๐™†๐™„๐™‡๐˜ผ๐™‰๐™‡๐˜ผ๐™‰ ๐˜ผ๐™ ๐™†๐˜ผ๐™‡๐˜ผ๐™†๐˜ผ๐™Ž๐˜ผ๐™‰, ๐˜ผ๐™‰๐™Š ๐™†๐˜ผ ๐™†๐™๐™‰๐™‚ ๐™’๐˜ผ๐™‡๐˜ผ ๐™„๐™๐™Š? ๐Ÿ’ญAng bawat henerasyon ay ma...
18/07/2026

๐Ÿ—ž๏ธ ๐™†๐™๐™‰๐™‚ ๐˜ผ๐™‰๐™‚ ๐™‰๐˜ผ๐™†๐˜ผ๐™๐˜ผ๐˜ผ๐™‰ ๐˜ผ๐™” ๐™ƒ๐™๐™ˆ๐™๐˜ฝ๐™Š๐™‚ ๐™Ž๐˜ผ ๐™„๐™”๐™Š๐™‰๐™‚ ๐™‹๐˜ผ๐™‚๐™†๐˜ผ๐™†๐˜ผ๐™†๐™„๐™‡๐˜ผ๐™‰๐™‡๐˜ผ๐™‰ ๐˜ผ๐™ ๐™†๐˜ผ๐™‡๐˜ผ๐™†๐˜ผ๐™Ž๐˜ผ๐™‰, ๐˜ผ๐™‰๐™Š ๐™†๐˜ผ ๐™†๐™๐™‰๐™‚ ๐™’๐˜ผ๐™‡๐˜ผ ๐™„๐™๐™Š? ๐Ÿ’ญ

Ang bawat henerasyon ay may tungkuling balikan ang nakaraan, hindi upang manatili rito, kundi upang higit na maunawaan kung paano nito hinubog ang ating mga paniniwala, pagpapasya, at lipunang ginagalawan. Sapagkat sa pag-unawa sa kasaysayan, mas nagiging malinaw ang pag-unawa sa ating sarili.

Kaya naman, para sa Panuruang Taon 2026-2027, muling binubuksan ng MariSci Historia Club ang panibagong landas para sa mga nagnanais tuklasin ang mga bakas at aral ng kasaysayan. Kung nais mong maging bahagi ng isang samahang nagtataguyod ng makabuluhang talakayan at mapanuring pag-iisip, maaari nang sagutan ang aming pre-registration form sa pamamagitan ng link sa ibaba!

๐Ÿ”—: https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLSek-EEivPU3llnLU4lM5G1FgwmagH3-tnrK5Cn3Y1Li94zzWw/viewform
๐Ÿ”—: https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLSek-EEivPU3llnLU4lM5G1FgwmagH3-tnrK5Cn3Y1Li94zzWw/viewform
๐Ÿ”—: https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLSek-EEivPU3llnLU4lM5G1FgwmagH3-tnrK5Cn3Y1Li94zzWw/viewform

Nawaโ€™y makasama namin kayo sa panibagong landas tungo sa saysay ng kasaysayan. Halinaโ€™t makibahagi, mga ka-Historia! โค๏ธ

Sulat ni: Jannah Marie Felipe
Likha ni: Eowyn Cruz

๐Ÿ—ž๏ธ ๐™Ž๐™–๐™œ๐™ž๐™จ๐™–๐™œ ๐™ฃ๐™œ ๐™†๐™–๐™จ๐™–๐™ง๐™ž๐™ฃ๐™ก๐™–๐™ฃ: ๐™„๐™จ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ฅ๐™–๐™œ๐™ฅ๐™ช๐™ฅ๐™ช๐™œ๐™–๐™ฎ ๐™จ๐™– ๐˜ผ๐™ง๐™–๐™ฌ ๐™ฃ๐™œ ๐™†๐™–๐™ก๐™–๐™ฎ๐™–๐™–๐™ฃNoong ika-12 ng Hunyo 1898, buong dangal na iwinagayway sa...
12/06/2026

๐Ÿ—ž๏ธ ๐™Ž๐™–๐™œ๐™ž๐™จ๐™–๐™œ ๐™ฃ๐™œ ๐™†๐™–๐™จ๐™–๐™ง๐™ž๐™ฃ๐™ก๐™–๐™ฃ: ๐™„๐™จ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ฅ๐™–๐™œ๐™ฅ๐™ช๐™ฅ๐™ช๐™œ๐™–๐™ฎ ๐™จ๐™– ๐˜ผ๐™ง๐™–๐™ฌ ๐™ฃ๐™œ ๐™†๐™–๐™ก๐™–๐™ฎ๐™–๐™–๐™ฃ

Noong ika-12 ng Hunyo 1898, buong dangal na iwinagayway sa Kawit, Cavite ang pambansang watawat ng Pilipinas kasabay ng pagtugtog ng ๐˜”๐˜ข๐˜ณ๐˜ค๐˜ฉ๐˜ข ๐˜•๐˜ข๐˜ค๐˜ช๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ญ ๐˜๐˜ช๐˜ญ๐˜ช๐˜ฑ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข. Ang makasaysayang pagpapahayag ng kasarinlan ay nagsilbing sagisag ng pagwawakas ng mahigit tatlong siglong kolonyalismo, na siyang nagsilang ng isang malaya bansa. Ang bawat kulay, bituin, at sinag ng araw sa ating watawat ay sumasalamin sa dugo, pawis, at sakripisyong inialay ng mga bayaning nagtaguyod tungo sa ating kasarinlan.

Sa paggunita ng ika-128 na ๐˜ˆ๐˜ณ๐˜ข๐˜ธ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜’๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜บ๐˜ข๐˜ข๐˜ฏ, marapat na higit pa sa pag-alala sa nakaraan ang maging diwa ng pagdiriwang. Ang kasaysayan ay hindi lamang tala ng mga nagdaang pangyayari kundi paalala rin ng tungkuling ipagpatuloy ang pagtataguyod ng katarungan, pagkakapantay-pantay, at kabutihang panlahat. Sa bawat hakbang tungo sa pag-unlad ng bayan, patuloy na nagbibigay-buhay ang diwa ng kalayaan.

Bilang kabataang pinagkalooban ng talino at kakayahan, nawaโ€™y manatiling buhay sa ating kamalayan ang mga aral ng kasaysayan upang maipagpatuloy ang paghubog ng katarungan at kaunlaran para sa sambayanang Pilipino.

Muli, Isang Makasaysayang ๐˜ผ๐™ง๐™–๐™ฌ ๐™ฃ๐™œ ๐™†๐™–๐™ก๐™–๐™ฎ๐™–๐™–๐™ฃ!

Sulat ni: Arkin Maglaqui
Likha ni: Eowyn Cruz

๐Ÿ—ž๏ธ ๐™ˆ๐™๐™‡๐™„๐™‰๐™‚ ๐˜ฝ๐˜ผ๐™‡๐™„๐™†๐˜ผ๐™‰: ๐™๐™ฃ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐˜ผ๐™ง๐™–๐™ฌ ๐™ฃ๐™œ ๐™†๐™ก๐™–๐™จ๐™šSa muling pagbubukas ng mga silid-aralan para sa panibagong yugto ng pagkatuto, at...
08/06/2026

๐Ÿ—ž๏ธ ๐™ˆ๐™๐™‡๐™„๐™‰๐™‚ ๐˜ฝ๐˜ผ๐™‡๐™„๐™†๐˜ผ๐™‰: ๐™๐™ฃ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐˜ผ๐™ง๐™–๐™ฌ ๐™ฃ๐™œ ๐™†๐™ก๐™–๐™จ๐™š

Sa muling pagbubukas ng mga silid-aralan para sa panibagong yugto ng pagkatuto, ating balikan ang makasaysayang paglalakbay na humubog sa sistemang pang-edukasyon na tinatamasa natin ngayon.

Noong 1901, matapos ang pagwawakas ng mahigit tatlong siglong pananakop ng Espanya at sa pagsisimula ng pamamahalang Amerikano sa bansa, ipinasa ng Philippine Commission ang ๐˜ˆ๐˜ค๐˜ต ๐˜•๐˜ฐ. 74 o ang ๐˜Œ๐˜ฅ๐˜ถ๐˜ค๐˜ข๐˜ต๐˜ช๐˜ฐ๐˜ฏ ๐˜ˆ๐˜ค๐˜ต ๐˜ฐ๐˜ง 1901. Sa pamamagitan nito, naitatag ang pampublikong sistema ng edukasyon sa Pilipinas, isang mahalagang hakbang tungo sa mas malawak na akses sa libre at sekular na pag-aaral para sa mga Pilipino.

Bunga rin ng batas na ito ang pagkakatatag ng ๐—ฃ๐—ต๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฒ ๐—ก๐—ผ๐—ฟ๐—บ๐—ฎ๐—น ๐—ฆ๐—ฐ๐—ต๐—ผ๐—ผ๐—น (๐—ฃ๐—ก๐—ฆ), na nilikha upang magsanay ng mga g**ong magtuturo sa mga kauna-unahang pampublikong klase sa Pilipinas. Sa panahong nagsisimula pa lamang ang bagong sistemang pang-edukasyon matapos ang kolonyal na pamamahala ng Espanya, mahalagang papel ang ginampanan ng mga g**ong ito sa paghahatid ng kaalaman sa libo-libong kabataang Pilipino. Sa paglipas ng panahon, lumago ang institusyong ito at naging ๐—ฃ๐—ต๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฒ ๐—ก๐—ผ๐—ฟ๐—บ๐—ฎ๐—น ๐—จ๐—ป๐—ถ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ฟ๐˜€๐—ถ๐˜๐˜† (๐—ฃ๐—ก๐—จ), na kinikilala ngayon bilang National Center for Teacher Education sa bansa.

Ang mga repormang isinulong ay nagsilbing mahalagang haligi ng makabagong edukasyon sa Pilipinas. Mula sa pagtatatag ng pampublikong sistema ng pag-aaral hanggang sa paghubog ng mga g**o, ang mga hakbang na ito ang naglatag ng daan para sa kasalukuyang estruktura ng edukasyon sa ilalim ng ๐——๐—ฒ๐—ฝ๐—˜๐—ฑ, ๐—–๐—›๐—˜๐——, at ๐—ง๐—˜๐—ฆ๐——๐—”, gayundin sa pagpapatupad ng Kโ€“12 curriculum.

Sa pagpasok natin sa paaralan ngayong araw, bitbit natin ang pamana ng ating mga ninuno, isang paanyayang pahalagahan ang bawat pagkakataong matuto at gamitin ang kaalaman para sa ikabubuti ng sarili, ng bayan, at ng kinabukasan.

Muli, isang makabuluhang ๐™๐™ฃ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐˜ผ๐™ง๐™–๐™ฌ ๐™ฃ๐™œ ๐™†๐™ก๐™–๐™จ๐™š, MariScian! ๐Ÿ“–

Sulat ni: John Aguinaldo at Jesther Toledana
Likha ni: Eowyn Cruz

๐Ÿ—ž๏ธ ๐™‹๐˜ผ๐™‰๐˜ผ๐™‰๐˜ฟ๐˜ผ๐™‰๐™‚-๐˜ฝ๐˜ผ๐™”๐˜ผ๐™‰ ๐™Ž๐˜ผ ๐™†๐˜ผ๐™’๐˜ผ๐™‡๐˜ผ๐™‰๐™‚ ๐™’๐˜ผ๐™†๐˜ผ๐™ŽNang matapos ang Labanan sa Alapan noong ika-28 nang Mayo 1898 sa Imus, unang nasila...
28/05/2026

๐Ÿ—ž๏ธ ๐™‹๐˜ผ๐™‰๐˜ผ๐™‰๐˜ฟ๐˜ผ๐™‰๐™‚-๐˜ฝ๐˜ผ๐™”๐˜ผ๐™‰ ๐™Ž๐˜ผ ๐™†๐˜ผ๐™’๐˜ผ๐™‡๐˜ผ๐™‰๐™‚ ๐™’๐˜ผ๐™†๐˜ผ๐™Ž

Nang matapos ang Labanan sa Alapan noong ika-28 nang Mayo 1898 sa Imus, unang nasilayan ang watawat ng Pilipinas na gawa ni Doรฑa Marcela Mariรฑo de Agoncillo kasama ang kanyang anak at pamangkin na itinahi nila sa Hong Kong. Ang pakikibaka na ito ay nagbigay ng kalayaan sa Cavite sa pamumuno ng hukbo ni Emilio Aguinaldo laban sa pwersa ng Espanya.

Ayon sa R.A. 8491 (Flag and Heraldic Code of the Philippines), mula Mayo 28 hanggang Hunyo 12 ay iniimbitahan ang sambayanang Pilipino na magkabit ng Watawat ng Pilipinas sa mga kani-kanilang tahanan o establishmento upang igunita ang "๐—ก๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป๐—ฎ๐—น ๐—™๐—น๐—ฎ๐—ด ๐——๐—ฎ๐˜†."

Bilang pagbibigay pugay sa sagisag ng ating bansa, ang mga kawani ng Historia Club ay nagsabit ng watawat sa ating paaralan. Sa kasalukuyang Araw ng Pambansang Watawat, magtamo nawa tayo ng karunungan sa mga bagay na sumisimbolo ng kagitingan, kalakasan, at katatagan upang maipakita na umaapoy ang damdaming Pilipino.

Muli, isang mapagpalayang ๐—”๐—ฟ๐—ฎ๐˜„ ๐—ป๐—ด ๐—ช๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐˜!

Sulat ni: Ukraine Hulongbayan
Kuha ni: Corinth Portia Gaygay at Aldren Elijah Aguilar

๐Ÿ—ž๏ธ ๐™†๐™ž๐™จ๐™ก๐™–๐™ฅ ๐™ฃ๐™œ ๐™‹๐™–๐™œ๐™ฅ๐™ช๐™ฅ๐™ช๐™œ๐™–๐™ฎ ๐™–๐™ฉ ๐™‹๐™–๐™œ-๐™ช๐™ฃ๐™ก๐™–๐™™: ๐˜ผ๐™ฃ๐™œ ๐˜ผ๐™ง๐™–๐™ฌ ๐™ฃ๐™œ ๐™ข๐™œ๐™– ๐™ˆ๐™–๐™ฃ๐™œ๐™œ๐™–๐™œ๐™–๐™ฌ๐™–Noong 1902, nabuo ang Obrera Democratica Filipina (UODF)...
01/05/2026

๐Ÿ—ž๏ธ ๐™†๐™ž๐™จ๐™ก๐™–๐™ฅ ๐™ฃ๐™œ ๐™‹๐™–๐™œ๐™ฅ๐™ช๐™ฅ๐™ช๐™œ๐™–๐™ฎ ๐™–๐™ฉ ๐™‹๐™–๐™œ-๐™ช๐™ฃ๐™ก๐™–๐™™: ๐˜ผ๐™ฃ๐™œ ๐˜ผ๐™ง๐™–๐™ฌ ๐™ฃ๐™œ ๐™ข๐™œ๐™– ๐™ˆ๐™–๐™ฃ๐™œ๐™œ๐™–๐™œ๐™–๐™ฌ๐™–

Noong 1902, nabuo ang Obrera Democratica Filipina (UODF) na binuo sa pangunguna ni Isabelo delos Reyes, na naglalayong ipaglaban ang karapatan ng mga manggagawa. Noong Ika-1 ng Mayo, 1903, nagmartsa ang mahigit 100,000 na mga manggagawa mula Plaza Moriones hanggang Malacaรฑang, na siyang pinag-ugatan ng ๐˜ˆ๐˜ณ๐˜ข๐˜ธ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜”๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜จ๐˜ข๐˜จ๐˜ข๐˜ธ๐˜ข, matapos ang isang dekada, na siyang ipinagdiriwang noong Mayo 1, 1913. Tanging pinapakita nito ang pakikibaka ng mga manggagawang Pilipino para sa paglalayong na magkaroon ng patas na pagtrato, at mas mabuting kalagayan sa pagtatrabaho.

Ang manggagawang Pilipino ay kilala sa katatagan at dedikasyon sa trabaho. Sa likod ng bawat pagbubuwis ng pagod ay naroroon ang makabuluhang pagpupursigi sa pagpapatakbo ng mga komunidad at sa patuloy na pag-usad ng lipunan. Ang kanilang sipag, husay, at pananagutan ay nagsisilbing matibay na pundasyon ng araw-araw na gawain at kolektibong kaayusan.

Sa bawat taon na lumilipas, hinding-hindi mawawala ang pagpupugay sa ating mga natatanging manggagawa. Ngayong araw, ating ginugunita ito bilang pagkilala para sa mga taong hindi lamang ibinubuhos ang kanilang pawis, dugo, kundi pati na rin ang kanilang buhay para sa ikauunlad at ikalalago ng sambayanang Pilipino.

Muli, isang Dakilang ๐˜ผ๐™ง๐™–๐™ฌ ๐™ฃ๐™œ ๐™ข๐™œ๐™– ๐™ˆ๐™–๐™ฃ๐™œ๐™œ๐™–๐™œ๐™–๐™ฌ๐™–!

Sulat ni: Aldren Aguilar at Arkin Maglaqui
Likha ni: Ukraine Hulongbayan at Eowyn Cruz

๐Ÿ—ž๏ธ ๐™‹๐˜ผ๐˜ฟ๐˜ผ๐™”๐™Š๐™‰ ๐™Ž๐˜ผ ๐™ˆ๐™‚๐˜ผ ๐™๐˜ผ๐™‚๐˜ผ-๐™‹๐˜ผ๐™ˆ๐˜ผ๐™ƒ๐˜ผ๐™‡๐˜ผ 2025-2026Sa pagtatapos ng Taong Panuruan 2025โ€“2026, buong puso naming ipinapaabot ang am...
18/04/2026

๐Ÿ—ž๏ธ ๐™‹๐˜ผ๐˜ฟ๐˜ผ๐™”๐™Š๐™‰ ๐™Ž๐˜ผ ๐™ˆ๐™‚๐˜ผ ๐™๐˜ผ๐™‚๐˜ผ-๐™‹๐˜ผ๐™ˆ๐˜ผ๐™ƒ๐˜ผ๐™‡๐˜ผ 2025-2026

Sa pagtatapos ng Taong Panuruan 2025โ€“2026, buong puso naming ipinapaabot ang aming pasasalamat at pagpupugay sa mga nagsilbing opisyal ng Historia Club. Ang inyong pamumuno ay hindi lamang nagbigay ng direksyon, kundi naghatid din ng inspirasyon at malasakit sa bawat kasapi ng ating samahan.

Lubos naming kinikilala ang inyong mahahalagang ambag sa isang makasaysayan at makabuluhang taon para sa ating organisasyon. Naipamalas ninyo ang determinasyon, pakikipagkapwa-tao, at pagiging huwaranโ€”at kami ay naging saksi sa bawat hakbang na inyong isinakatuparan para sa ikauunlad ng club.

Sa inyong pagpapaalam sa tungkulin bilang mga tagapamahala, mananatili ang inyong alaala at pamana sa puso ng bawat kasapi ng organisasyong ito.

Hanggang sa muliโ€”nawaโ€™y patuloy kayong maging inspirasyon sa pagtahak ng mas maliwanag na landasin.

Muli, padayon! ๐˜ˆ๐˜ฅ ๐˜๐˜ช๐˜ต๐˜ข๐˜ฎ ๐˜ˆ๐˜ฆ๐˜ต๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฎ.

Address

Marikina Science High School
Marikina City
1801

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when MariSci Historia Club posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The School

Send a message to MariSci Historia Club:

Shortcuts

Share

Category