10/08/2026
Sa ilalim ng DepEd 4H Framework, ang "HINGA" (Check-in) mode ay patuloy na ipatutupad bukas, Agosto 11, 2026.
Ayon na rin sa anunsyo mula sa Marikina PIO, suspendido ang face-to-face at synchronous online classes upang bigyang-daan ang well-being checks at pagbawi mula sa sakuna o masamang panahon.
Walang mabigat na academic requirements o submisyon na ipatutupad, subalit hinihikayat na tapusin at pagbutuhin ang pagsagot sa mga naibigay na mga gawain sa mga nakaraang araw, upang maipagpatuloy ang pagkatuto ng mga aralin.
Hindi pa po tapos ang pakikibaka natin sa habagat, ngunit mas malakas po ang puso ng pamilyang CISIANS kaysa sa anumang baha. Para sa ating mga magulang at mag-aaral, kasama ninyo kami sa patuloy na pagbangon at pag-asa.
Patuloy na magdasal para sa kaligtasan ng bawat isa.
๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ | August 11, 2026
๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ | ๐๐ฎ๐๐ฅ๐ข๐ ๐๐ง๐ ๐๐ซ๐ข๐ฏ๐๐ญ๐ ๐๐๐ก๐จ๐จ๐ฅ๐ฌ
Alinsunod sa 11:00 AM Weather Bulletin ng DOST-PAGASA, inaasahan pa rin ang patuloy na pag-ulan bukas dulot ng Southwest Monsoon (Habagat). Nananatili rin sa SECOND ALARM ang Marikina River, na nasa 16.3 meters as of 1:00 PM.
Bilang pag-iingat, SUSPENDIDO ang FACE-TO-FACE at ONLINE CLASSES sa LAHAT NG ANTAS sa mga pampubliko at pampribadong paaralan sa Lungsod ng Marikina BUKAS, August 11, 2026.
Layunin din nitong mabigyan ng sapat na panahon ang mga pamilyang pansamantalang nananatili sa evacuation centers na makabalik sa kanilang mga tahanan kapag ligtas nang gawin ito.
Ang kaligtasan at kapakanan ng bawat pamilyang taga-Marikina ang ating pangunahing prayoridad.
Pinapayuhan ang lahat na mag-ingat!
โ Mayor Maan Teodoro