ALPAS

ALPAS

Share

� 𝓐𝓭𝓱𝓲𝓴𝓪𝓲𝓷 𝓹𝓪𝓻𝓪 𝓼𝓪 𝓛𝓪𝔂𝓪 𝓟𝓪𝓰-𝓪𝓼𝓪 𝓪𝓽 𝓐𝓼𝓮𝓷𝓼𝓸 𝓷𝓰 𝓢𝓪𝓷𝓰𝓴𝓪𝓽𝓪𝓾𝓱𝓪𝓷 �

21/09/2024

TIGIL 🚫 MAKINIG KA 👂

Malapit na ang oras nang aming pagsasalita, hindi na kami mananahimik pa. Kami ang magiging boses ng mga OFW na hindi kayang ipagtanggol ang sarili nila.

Nandito ang ALPAS para sainyo ✊

19/09/2024

Alam nating masisipag ang ating mga Ofw, sila ay may matyaga at matatag na loob, ngunit hindi don nakikita ang tunay na kalakasan nila. Kundi nasa kalooban nila, kung gaano sila katibay at kalakas na harapin ang mga hamon nila sa buhay. Kung saan ay makikita naman natin na handa silang isakripisyo ang buhay nila para lamang maitaguyod ang buhay ng mga minamahal nila sa buhay.

Nakikita ang katatagan nila upang Ipaglaban ang kanilang karapatan. ⚖️

19/09/2024

Hindi nasa mga sikat na superhero makikita ang tunay na katapangan at kalakasan, kundi nasa mga Ofw na bumabangon at sumasakripisyo para sa atin. Kaya sa oras na nangangailangan sila ng tulong, tayoy handa upang magsilbing boses at tumayo para sa patas na katarungan at respetong kailangan nilang ikamit. ⚖️

- Alpas

19/09/2024

"KAKAYANIN"

> Sa kabila ng hirap at pagkasabik sa pamilya ay hindi pa rin sila sumusuko sa mga hamon ng buhay. Ang mga OFW's ay tunay na magiting at matatag ang kalooban, gagawin nila ang lahat para sa mga kanilang minamahal sa buhay.

!! Mahigpit na yakap sainyo mula sa ALPAS !!

15/09/2024

"PARA SA PAMILYA"

Sa bawat yakap at iyak na nadarama, sa pagkumpas ng mga kamay sa likod ay ang isang layunin ang maiahon ang pamilya sa hirap nang may paninindigan at lakas ng loob. Hindi makasisigurado kung ilang patak ng pawis at luha ang babagsak sa tatahaking landas ngunit kung para lamang sa pamilya ay handa silang sumugal at magsakripisyo. Kung para ito sa pamilya ay tiyak na sila ang magpapakakuba para lang sa maayos na kinabuksan, ngunit sa lahat ng hirap na to, sila ba ay matratrato ng tama? sila ba nabibigyan ng dangal na makatao? Sa bawat pagiisip na ito ay ang adbokasiya namin na bumoses sa mga taong walang kakayahan maipabatid ang kanilang mga boses. Kaya sa mga ofw na handang sumugal at magsakripisyo andito lamang kami upang saluhin at isaad ang mga boses na hindi makawala sa inyong bibig.

!! HINDI KAYO NAGIISA SA LABAN NA 'TO, DAHIL NARITO ANG ALPAS UPANG TUMULONG SA INYO. 🫂

11/09/2024

Respeto: Katarungan, kailangan sa bawat hakbang ng buhay.

Want your school to be the top-listed School/college in Marikina City?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Website

Address


Our Lady Of Perpetual Succor College
Marikina City