26/04/2026
๐๐ฒ๐ฉ๐ข๐ง๐ ๐ญ๐ก๐ +1 ๐จ๐ง ๐จ๐ฎ๐ซ ๐ฌ๐ฐ๐๐๐ญ ๐ญ๐๐๐๐ก๐๐ซ'๐ฌ ๐๐ ๐ ๐๐ฅ๐ ๐จ๐ซ๐ข๐ญ๐ก๐ฆ โ ๐๐๐ฉ๐ฉ๐ฒ ๐๐ข๐ซ๐ญ๐ก๐๐๐ฒ, ๐๐ข๐ซ ๐๐๐ง๐๐ฒ๐ฅ ๐๐ซ๐๐ง๐๐๐ฅ๐! ๐ฅณ๐
Before the day ends, we would like to express our gratitude for having such one of a kind and gracious teacher, Sir B**g. From helping us to understand the technology around us in Empowerment Technologies to guiding us in applying it in the corner of our world through Media and Information Literacy, you make learning both engaging and comfortable.
Thank you for your guidance, dedication, and calm approach to teaching. We wish you another year filled with happiness, good health, and success.
**g
25/04/2026
PLMar STEM
Graduation Day
[ 4 . 21 . 26 ]
Photos: Navio | PLMar STEM Communications
25/04/2026
PLMar STEM
Graduation Day
[ 4 . 21 . 26 ]
Photos: Jumadiao | PLMar STEM Communications
22/04/2026
Mensahe ng Pagtatapos mula sa nagkamit ng Pinakamataas na Karangalan - Taong Panuruang STEM Department 2025-2026
Nang may pusong puno ng pasasalamat,
Isang malaking karangalan na magsalita at tumayo sa harap ninyo bilang kinatawan ng ating klase.
Una sa lahat, taos-puso akong nagpapasalamat sa Diyos, na siyang nagsilbing sandalan ko sa bawat pagsubok na aking hinarap.
To our beloved mayor, Maโam Maan Teodoro, to our school President, Dr. Franklin E. Ayuson, to our Senior High School Principal, Dr. Robert J. Gaviola, to the head of the STEM Department, Bb. Queenie B. Badillos, to our special guests, dedicated teachers, supportive parents, and above all, to my fellow graduatesโisang malugod na pagbati po sa ating lahat.
Dumating ako sa puntong nawalan ako ng gana at muntik nang sumuko. May mga pagkakataon na tila ang problema ay hindi nauubos. At alam kong hindi ako nag-iisaโsapagkat tulad ninyo, hindi lamang ang bigat ng mga responsibilidad bilang isang estudyante ang ating dinadala kundi pati na rin ang ating mga hamon sa labas ng paaralan.
Ngunit nandito tayo lahat ngayon dahil pinilit nating magpatuloy sa kabila ng mga bigat ng ating pinagdaanan. Pinili nating bumangon at magpakita, kahit sa mga araw na ubos na ubos na tayoโsapagkat ang buhay ay hindi humihinto at ang oras ay patuloy na tumatakbo. Kaya naman, hinihikayat ko kayong pagnilayan ang tunay na halaga ng araw na itoโhigit pa sa mga parangal na ating nataganggap.
Ang mga medalya at sertipiko ay hindi sukatan kung sino tayo at ng ating pagkatao. At hindi rin nakabase ang iyong halaga sa mga opinyon ng ibang tao. Mga sarili lamang natin ang tunay na nakakaalam at saksi ng ating mga pinagdaanan para lamang makarating sa ating mga kinatatayuan. At sa bawat hakbang natin patungo sa pagtanggap ng diploma, dala-dala natin ang ibaโt ibang kwento ng pagsisikap, tiyaga, at determinasyon.
At lahat ng ito ay hindi magiging posible kung wala ang mga taong nakapaligid sa โtin.
Lubos akong nagpapasalamat sa pamahalaan ng lungsod ng Marikina at sa pamunuan ng pamantasan ng lungsod ng Marikina upang magkaroon ng libre at dekalidad na edukasyonโisang oportunidad na hindi nabibigay sa lahat.
Sa aking mga minamahal na g**o, lalo na sa aking g**ong tagapayo na si Maโam Ashley Salangsang, maraming salamat po sa inyong walang sawang paniniwala sa aming mga kakayahan at sa inyong dedikasyon upang hubugin at ihanda kami sa hinaharap. Tunay nga pong kayo ang aming pangalawang magulangโsapagkat hindi lamang aral ang inyong ibinabahagi, kundi kayo rin po ang naggagabay at nag-aalaga sa amin habang kami ay nasa labas ng aming mga tahanan. Malaki po ang inyong naging papel sa aming pag-unlad bilang estudyanteโt indibidwal. Kayo po ay nagsilbing tulay sa pagkamit ng aming mga pangarap.
Sa aking mga kaibigan, ang inyong mga presensiya ang nagsilbi kong pahinga sa gitna ng pagod, at siyang dahilan kung bakit sa kabila ng bigat ng mga problema ay nagagawa ko pa ring ngumiti at tumawa. Sa inyo ko napatunayan ang kahalagahan ng pagpili ng taong mag-aangat sa โyo at makikibahagi sa โyong paglalakbay at tagumpay. Natutuhan kong hindi ko kailangan harapin ang lahat nang mag-isa.
Sa 202-Zephyr, salamat sa dalawang taon na pagsasama sa ating munting silid na napuno ng mga ala-alang isasapuso at hindi makakalimutan. Tayo ay nagsilbing inspirasyon sa isaโt isa at nagbigay ng suporta upang malagpasan ang mga pagsubok ng Senior High. Masaya akong kumpleto tayong nagsimula at kumpleto rin tayong magtatapos.
At kung mabibigyan ako ng pagkakataon na ipasa ang mga medalya at pangaral na aking natanggap, ibibigay ko ang mga ito sa aking magulang at tumayong mga magulangโmama Cess, lolo Cesar, lola Tess, at sa aking mga kapatid na sina kuya Kent at kuya Mateus. Kayo ang naging lakas at inspirasyon ko sa bawat sandali ng panghihina. Sa tuwing gusto ko ng sumuko, kayo ang nagsisilbing paalala na kung pagod ang nag-aaral ay mas pagod ang nagpapa-aral. At kung ano man ang aking marating sa hinaharap, kayo pa rin ang aking magiging inspirasyon at dahilan.
Sa pagtatapos ng Senior High School, alam nating hindi pa rito nagtatapos ang ating kwento. Malayo pa ang ating tatahakin, ngunit malayo na ang ating narating patungo sa ating mga pangarap. Maaaring tulad ko, kayo rin ay may pangamba sa kung ano ang naghihintay na kabanata sa istorya ng inyong mga buhay. Ngunit ating tandaan: ang kinabukasan ay walang kasiguraduhan, ngunit ito ay puno ng mga posibilidad. Hindi natin kailangang malaman ang tiyak na proseso sa pagsagot sa ating mga katanungan at takotโsapagkat tulad ng paglutas ng ibaโt ibang mathematical problems, maaring magkakaiba ang ating mga paraan, ngunit maari pa rin tayong makarating sa tamang kasagutan.
Muli, isang taos-pusong pagbati at mabuhay BATCH 2026!
15/04/2026
PLMar STEM
Recognition Day
[ 4 . 14 . 26 ]
Photos: Lianah, Navio | PLMar STEM Communications
15/04/2026
PLMar STEM
Recognition Day
[ 4 . 14 . 26 ]
Photos: Senga | PLMar STEM Communications
15/04/2026
PLMar STEM
Recognition Day
[ 4 . 14 . 26 ]
Photos: Largo, Rodriguez | PLMar STEM Communications
12/04/2026
PLMar Baccalaureate Mass
[ 4 . 10 . 26 ]
Photos: Jumadiao, Rodriguez, Paghubasan | PLMar STEM Communications
04/04/2026
๐๐๐๐๐ฉ ๐๐๐๐๐๐ฉ๐จ ๐๐๐ง๐ ๐ฃ๐๐จ๐จ
On this day, Jesus Christ is risen! The grave that represents sorrow, fear, despair, and darkness is empty. Easter Sunday reminds us that going through the darkness doesn't mean ending up in the darkness. Trust God that there is a brighter tomorrow.
Even when dreams seem broken
Even if you lose hope
Even when you are tired
Even when you thought it was all over
May Easter Day remind you that just like our King Jesus, you are still rising!โจ๐ป
Caption by: Bhiejhay Santos
Graphics by: Rafael Santiago