06/04/2020
Keep safe everyone!
Narito po ang bagong impormasyon tungkol sa kaso ng Covid-19 sa Marikina:
Ang impormasyon na inyong nakikita sa update na ito at sa mga susunod na updates ay VALIDATED at VERIFIED na ng Department of Health-Regional Epidemiology Surveillance Unit (DOH-RESU) at City Health Office - City Epidemiology and Surveillance Unit (CHO-CESU) upang matiyak ang kawastuhan ng datos.
TANONG:
Bakit hindi magkapareho ang data na nakikita sa DOH Covid-19 Tracker sa data na inilalabas ng mga UPDATES ng Pamahalaang Lungsod ng Marikina?
SAGOT:
Ang data sa DOH Covid-19 tracker ay raw data na kailangan pang i-validate/verify ng CHO-CESU. Marami sa pasyente ng Covid-19 ang gumamit ng address ng Marikina o ang ospital na pinagdalhan ay nasa Marikina ngunit ang pasyente ay sa ibang bayan o lungsod nakatira. Sa validation/verification process lumalabas ang wastong address/tirahan ng pasyente.
TANONG:
Bakit nababawasan ang bilang ng kaso (confirmed cases) sa isang barangay?
SAGOT:
May mga pagkakataong lumipat ng bahay/address ang Covid-19 case/s kaya awtomatikong binabawas ito sa bilang ng barangay na dati niyang kinabibilangan.
TANONG:
Bakit huli nang nailalabas ng Pamahalaang Lungsod ng Marikina sa pamamagitan ng Page na ito ang updated Covid-19 report?
SAGOT:
Kadalasan, ang dumadating na data sa CHO-CESU ay pangalan at ospital lamang na pinagdalhan sa pasyente kaya iniisa-isang tinatawagan ng CHO-CESU ang bawat ospital na pinagdalhan sa bawat kaso upang makuha ang buong pangalan ng pasyente, kasalukuyang address/tirahan, edad, medical history, atbp.
Upang hindi na tumaas pa ang bilang ng kaso ng Covid-19, mayroon kang magagawa:
• Huwag lumabas ng bahay. Maaari lamang lumabas ng bahay kung bibili ng pangangailangan ng pamilya o kung papasok sa trabaho na kinabibilangan ng essential services.
• Kung galing sa labas, huwag agad-agad pumasok sa inyong bahay. Bagkus, ang sapatos o tsinelas na isinuot ay iwan din sa labas ng bahay at wisikan ng alcohol o disinfectant solution upang mamatay ang virus na posibleng dumikit dito. Ilagay din sa silya o patungan ang mga gamit na dala ninyo tulad ng pitaka, susi, sunglasses o salamin, cellphone, at iba pa upang idisinfect ang mga ito.
• Gawin ang one-meter social distancing.
• Palagiang maghugas ng kamay gamit ang germicidal soaps o kaya ay magsanitize ng kamay gamit ang alcohol o hand sanitizers.
• Huwag hawakan ang mukha, mata, ilong, at bibig kapag nasa labas ng tahanan.
• Palagiang magsuot ng face mask kapag nasa labas ng bahay maging disposable o washable man ito (alinsunod sa Covid-19 Inter-Agency Task Force)
• Observe coughing etiquette o awtomatikong pagtatakip ng bibig at ilong sa tuwing umuubo gamit ang inyong panyo, tissue o manggas ng damit, ganoon din kapag bumabahing.
Ang inyong kooperasyon ay mahalaga upang mapuksa ang Covid-19! Sama-sama. Tulong tulong. Walang maiiwang Pilipino. Ito ang pag-asa natin laban sa Covid-19.