19/06/2026
Today, June 19, 2026, is Dr. Jose Rizal's 165th Birth Anniversary 🫶
Pagpupugay sa buhay, talino, at kabayanihan ni Dr. Jose Rizal! 🇵🇭✨
Ngayong araw ng paggunita sa kaniyang kapanganakan, ating inaalala ang buhay at mga ambag ni Dr. Jose Rizal—isang manunulat, iskolar, at bayani na nagmulat sa kamalayan ng mga Pilipino sa pamamagitan ng kaniyang mga salita at kaisipan.
Isinilang si Jose Rizal noong 19 Hunyo 1861 sa Calamba, Laguna. Pampito sa 11 anak nina Francisco Mercado at Teodora Alonso, ipinamalas niya ang pambihirang talino at pagmamahal sa bayan sa pamamagitan ng panitikan, pag-aaral, at pagsusulong ng pagbabago.
Bilang isa sa mga pangunahing personalidad ng Kilusang Propaganda, naging aktibo siya sa pagsulat para sa La Solidaridad. Sa kaniyang mga nobelang Noli me tangere (1887) at El filibusterismo (1891), inilantad niya ang mga suliranin at pang-aabuso sa ilalim ng pamamahalang Español, na nagbigay-daan sa mas malalim na pag-unawa sa kalagayan ng lipunan noong kaniyang panahon.
Si Dr. Jose Rizal ay nananatiling isa sa mga mahalagang Sagisag Kultura ng Pilipinas -- isang inspirasyon sa patuloy na pagpapalawig ng kaalaman, pagpapapatibay sa ating pagkakakilanlan, at pagpapalalim ng ating pagmamahal sa bayan.
Alamin ang iba pang impormasyon tungkol sa mga Sagisag Kultura ng Pilipinas!
📖 Mula sa: Rizal, Jose. (2015). In V. Almario (Ed.), Sagisag Kultura (Vol. 1). Manila: National Commission for Culture and the Arts. Retrieved from https://philippineculturaleducation.com.ph/rizal-jose/
12/06/2026
Ngayong araw, nakikiisa ang buong komunidad ng Barangka Elementary School sa pagdiriwang ng ating kasarinlan. Ang kalayaang tinatamasa natin ngayon ay bunga ng tapang, sakripisyo, at pagkakaisa ng ating mga bayani.
Nawa’y maging inspirasyon ang araw na ito upang mas lalo nating pagbutihin ang pag-aaral at paglilingkod para sa mas maunlad at malayang bukas.
Maging malaya sa pag-aaral, pag-abot ng pangarap, at pagtulong sa kapwa.
11/06/2026
Ligtas ang handa!
Maayos na isinagawa ng ating paaralan ang School-Based Earthquake Drill ngayong araw, June 11, 2026, upang masanay ang komunidad sa tamang tugon sa kalamidad.
Taus-pusong pasasalamat sa lahat ng nakiisa:
Teaching at Non-Teaching Staff: Sa disiplina at maayos na paggabay sa evacuation process.
Ilang Magulang: Sa inyong mahalagang suporta sa kaligtasan ng mga mag-aaral.
Pamunuan ng Barangay Barangka: Sa pangunguna ni Kap. Efren "Bulik" Managuit, salamat sa inyong laging pag-alalay at suporta sa ating paaralan.
Ipagpatuloy natin ang pagiging alerto. Tandaan: Duck, Cover, and Hold!
10/06/2026
📌BES EARTHQUAKE DRILL📌
Ang ating paaralan ay magsasagawa ng Announced Earthquake Drill bukas, June 11, 2026.
Ang maayos na pag-execute ng Duck, Cover, and Hold at ang pag-alam sa pinakamalapit na ligtas na exit ay ang pinakamabisang pananggalang natin kapag lumindol. Sa totoong sakuna, ang bawat segundo ay mahalaga. Ang drill na ito ang magsisigurong alam ng bawat isa ang gagawin nang mabilis at kalmado.
Hinihikayat po namin magdala ng hard hats, go bags, tubig, at bimpo ang lahat.
Para sa mga katanungan, mangyaring magpadala ng mensahe sa ating FB page.
Maraming salamat po sa inyong pakikiisa 🫶
09/06/2026
📚 Reading Nook: Read to Rise Program Official Launch!
This morning of June 9, 2026, Barangka Elementary School officially launched its "Reading Nook: Read to Rise" Program.
Our main goal is simple yet powerful: to nurture a lifelong love for reading among our Key Stage 1 learners right at the start of their educational journey. Because indeed, “Nasa pagbasa ang pag-asa.”
A huge thank you to SDO Marikina, teachers, all the guests and stakeholders who came to celebrate this milestone with us. Your presence and support mean the world to our school community!
We also extend our heartfelt thanks to our wonderful storytellers this morning, Mr. Frankie C. Ayuson, OIC- Chief of OPSS and Architect Evelyn Esguerra, who brought the magic of books to life and captivated our young learners' imaginations.
Let's keep inspiring our children to read, rise, and succeed! 📖
08/06/2026
Message of Asec. Jocelyn DR. Andaya for the opening of classes 🫶
READ: Message of DepEd NCR Regional Director and concurrent Officer-in-Charge of the Office of the Assistant Secretary for Operations, Asec. Jocelyn DR Andaya, for the Opening of Classes, School Year 2026-2027
08/06/2026
Happy Birthday, Ma'am Jessielyn 🎂
Enjoy your day with your new set of learners 🫶
07/06/2026
ANNOUNCEMENT 📌📌📌
Please see the image below for the official Room Assignments.
For a smooth transition, we encourage everyone to review their assigned rooms before heading to the school.
Thank you for your continued cooperation and support 🫶