22/03/2026
โ๐๐ง๐ ๐ค๐๐ฅ๐๐ฒ๐๐๐ง ๐๐ฒ ๐ก๐ข๐ง๐๐ข ๐ข๐๐ข๐ง๐ข๐ ๐๐ฒโ๐ข๐ญ๐จ ๐๐ฒ ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐๐ ๐ฅ๐๐๐๐ง.โ
Ngayong araw, ating ginugunita ang kapanganakan ni Emilio Aguinaldo, isinilang noong ika-22 ng Marso 1869 sa Kawit, Cavite. Siya ang naging unang pangulo ng Pilipinas at isa sa mga nangunang mukha ng rebolusyon laban sa pananakop.
Sa ilalim ng kanyang pamumuno, naipahayag ang kasarinlan ng Pilipinasโisang makasaysayang sandali na sumasalamin sa matinding hangarin ng sambayanang Pilipino na maging malaya. Ang kanyang papel sa himagsikan ay hindi lamang bilang lider, kundi bilang sagisag ng tapang, paninindigan, at pagmamahal sa bayan.
Hindi man perpekto ang kasaysayan, nananatiling mahalagang bahagi si Emilio Aguinaldo sa paghubog ng ating bansa. Ang kanyang mga ginawa ay paalala na ang kalayaan ay bunga ng sakripisyo at pagkakaisa.
Sa kasalukuyan, nawaโy magsilbi itong inspirasyon sa bawat Pilipino na ipagpatuloy ang diwa ng nasyonalismoโhindi lamang sa salita, kundi sa gawa. Sapagkat ang tunay na pagmamahal sa bayan ay naipapakita sa araw-araw na pagkilos para sa ikabubuti ng lahat.
โ๐ป : Christine Joy Alicer | PRESIDENT
๐ผ๏ธ : Angel Tyra De Guia | P.I.O
14/03/2026
๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐
๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐
๐ท๐๐
๐๐๐๐, ๐ท๐๐๐. ๐จ๐๐๐๐๐, ๐ช.๐ฑ.๐ซ ๐ช๐
RESEARCH, DEFENDED! ๐ฅณ
Sa araw na ika-labintatlo ng Marso, taong dalawang libo at dalawampuโt anim (Marso 13, 2026), matagumpay na ginanap ang Science Research & Innovation Fair ng Parang High School. Malugod naming binabati ang aming Pangulo ng organisasyon na si Christine Joy D. Alicer sa kanyang matagumpay na Research Defense. Lubos kang ipinagmamalaki ng buong K*K.
Sa kabila ng pagod, pagsubok, at sakripisyong iyong hinarap, napatunayan mong ang bawat paghihirap ay may katumbas na tagumpay.
Nawaโy ang tagumpay na iyong nakamit ngayon ay maging isa lamang sa maraming hakbang patungo sa higit pang mga tagumpay sa hinaharap. Sa pamamagitan ng iyong dedikasyon, tiyaga, at matibay na determinasyon, nagsisilbi kang inspirasyon sa bawat miyembro ng K*K. Ipinapakita mo na sa pamamagitan ng sipag, tiyaga, at pananalig sa sariling kakayahan, walang pangarap ang hindi maaabot.
Muli, isang taos-pusong pagbati sa iyo. Padayon, Pres. ๐ช
Ang buong Katipunan ng mga Kabataan para sa Kasaysayan (K*K) ay buong pusong sumusuporta at nagdiriwang sa iyong tagumpay. Nawaโy patuloy kang maging ilaw ng inspirasyon sa aming samahan at sa iba pang kabataan.
โ๐ป : Raphael Elijah D. Dames | Auditor & Angel Tyra De Guia | P.I.O
01/03/2026
๐จ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐
๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐โ๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐. ๐ธ
๐ฌ๐ญโ๐ฏ๐ญ ๐ ๐ฎ๐ฟ๐๐ผ ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ
๐ก๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป๐ฎ๐น ๐ช๐ผ๐บ๐ฒ๐ปโ๐ ๐ ๐ผ๐ป๐๐ต
(Alinsunod sa Proclamation No. 227, s. 1988)
Ngayong buwan ng Marso, ating ipinagdiriwang ang National Womenโs Monthโisang pagkilala sa mahalagang ambag ng kababaihan sa kasaysayan, lipunan, at paghubog ng bansa. ๐ซก
Hindi lamang ito selebrasyon, kundi paninindigan: para sa pagkakapantay-pantay, dignidad, at karapatan ng bawat babae. Sa bawat hakbang ng kasaysayan, naroon ang lakas, talino, at tapang ng kababaihanโmula tahanan hanggang pamahalaan. ๐ซถ๐ป
Sa buwang ito, ating ipagdiwang at ipagpatuloy ang laban para sa isang lipunang may pagkilala at paggalang sa kakayahan ng kababaihan. ๐ฉท
โ๐ป: Christine Joy D. Alicer | K*K President |
๐ผ๏ธ: Junina Angeli Ticsay Montante | K*K Digital Arts Committee |
25/02/2026
๐ด๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐
๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐. ๐จ๐ ๐๐ ๐ฌ๐ซ๐บ๐จ, ๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐. ๐ต๐ญ
๐ฎ๐ฑ ๐๐ฒ๐ฏ๐ฟ๐๐ฎ๐ฟ๐ ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ
๐๐๐ฆ๐ ๐ฃ๐ฒ๐ผ๐ฝ๐น๐ฒ ๐ฃ๐ผ๐๐ฒ๐ฟ ๐ฅ๐ฒ๐๐ผ๐น๐๐๐ถ๐ผ๐ป ๐๐ป๐ป๐ถ๐๐ฒ๐ฟ๐๐ฎ๐ฟ๐
๐ฃ๐ฟ๐ผ๐ฐ๐น๐ฎ๐บ๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป ๐ก๐ผ. ๐ญ๐ฌ๐ด๐ญ (๐. ๐ญ๐ต๐ด๐ฒ)
Ngayong ika-25 ng Pebrero, ating ginugunita ang EDSA People Power Revolution, isang makasaysayang pangyayari sa ating pambansang kasaysayan na kinilala sa bisa ng Proclamation No. 1081 (s. 1986). ๐๏ธ
Noong 1986, milyun-milyong Pilipino ang nagtipon sa kahabaan ng Epifanio de los Santos Avenue (EDSA) upang manindigan laban sa diktadura at ipaglaban ang demokrasya. Sa pamamagitan ng mapayapang pagkilos, naipakita ng sambayanan na ang tunay na kapangyarihan ay nagmumula sa nagkakaisang mamamayan. ๐ฅ
Hindi ito isang pangkaraniwang petsa sa kalendaryo. Isa itong paalala na ang kalayaan ay hindi basta ipinagkakaloobโito ay ipinaglalaban, ipinagtatanggol, at pinananatili. Dito natin muling binibigyang-halaga ang pagkakaisa, katotohanan, at aktibong pakikilahok sa lipunan. ๐ฅ
Bilang kabataan at tagapagmana ng kasaysayan, tungkulin nating alalahanin ang mga aral na iniwan nitoโna sa oras ng pagsubok, ang tapang at pagkakaisa ng bayan ang magpapanumbalik ng liwanag. Sa pagdiriwang na ito, nawaโy hindi lamang alaala ang ating dalhin, kundi paninindigan. ๐
โ๐ป: Christine Joy D. Alicer | K*K President |
๐ผ๏ธ: Junina Angeli Ticsay Montante | K*K Digital Arts Committee |
23/02/2026
๐ด๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐-๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐ ๐
Ngayong araw, ika-dalawampu't tatlo ng Pebrero ay ipagdiriwang natin ang Kaarawan ng ating butihing Sergeant at Arms na si ๐ฉ๐๐๐๐ ๐ด๐๐๐๐ ๐ฎ๐๐๐๐.
Maraming salamat sa iyong tapat na paglingkod sa ating organisasyon at sa iyong dedikasyon. Ipagpatuloy mo ang iyong pagiging mabuting tao. Ang aming hiling para sa iyo ay ang patuloy maayos na kalusugan, at ang paglago bilang isang mag-aaral, nawa ang araw na ito ay mapuno ng kaligayahan at pag-unlad mo bilang isang lider kabataan at sa iyong buong pagkatao.
๐ผ๏ธ : Angel Tyra De Guia | P.I.O
โ๐ป : Raphael Elijah D. Dames | Auditor
18/01/2026
Ngayong araw, ika-labing-walo ng Enero, ipinagdiriwang natin ang kaarawan ng ating masipag at mapagkakatiwalaang Auditor, si ๐น๐๐๐๐๐๐ ๐ฌ๐๐๐๐๐ ๐ซ. ๐ซ๐๐๐๐.
Nawaโy ang araw ng iyong kapanganakan ay mapuno ng kagalakan, tagumpay, at patuloy na pag-unladโhindi lamang bilang isang responsableng opisyal, kundi bilang isang mabuting tao at huwarang mag-aaral.
Maraming salamat sa iyong dedikasyon, katapatan, at tahimik ngunit matatag na paglilingkod sa aming samahan. Ang aming hiling para saโyo ay patuloy na mabuting kalusugan, malinaw na landas sa iyong mga mithiin, at mas marami pang tagumpay na darating.
โ๐ป : Christine Joy D. Alicer | President
๐ผ๏ธ : Angel Tyra De Guia | P.I.O
15/01/2026
Maligayang Kaarawan po, Ginang Carcueva โค๏ธ
Ngayong araw, sa kabila ng inyong pagpanaw, hindi namin kayo nakakalimutan. Ang inyong gabay, inspirasyon, at pagmamahal sa amin ay patuloy na nagliliwanag sa aming puso at isipan. ๐น
Sa bawat aralin at bawat turo na iniwan ninyo, patuloy kayong nagiging ilaw na naggagabay sa amin sa aming paglalakbay. Nawaโy payapa at puno ng pagmamahal ang inyong kaarawan sa langit. โจ
Maraming salamat po sa lahat, Maโam. Maligayang kaarawan po, at lagi kayong mananatiling alaala sa aming puso. โค๏ธ๐๏ธ
โ๐ป: Christine Joy D. Alicer | K*K President
๐ผ๏ธ: Angel Tyra De Guia | K*K P.I.O
13/01/2026
"'๐ช๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐'๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐จ๐๐
๐๐๐๐๐๐๐
๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐'๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐"-๐ป๐๐๐๐๐ ๐บ๐๐๐๐
Ngayong araw, ika-labingpu't tatlo ng Enero, ipinagdiriwang ang Kaarawan ng ating ๐ฎ๐๐๐
๐ 9 ๐น๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ na si ๐ฑ๐๐๐ ๐บ. ๐ฉ๐๐๐๐๐๐๐. Ang araw ng iyong pagkasilang ay nawa'y mapuno ng kaligayahan at pag-unlad bilang isang mabait na tao, at mabuting mag-aaral.
Maraming salamat dahil ika'y nagsisilbing simbolo ng kasiyahan sa panahon ng kalungkutan. Ang amin hiling para sa'yo ay nawa'y maging maayos ang iyong Kalusugan at lalo pang mapabuti ang iyong pag-aaral.
โ๐ป : Raphael Elijah D. Dames | Auditor
๐ผ๏ธ : Angel Tyra De Guia | P.I.O
30/12/2025
"๐๐ง๐ ๐ฉ๐๐ -๐ข๐๐ข๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐ฒ๐๐ง ๐๐ฒ ๐๐ง๐ ๐ฉ๐๐ -๐ข๐๐ข๐ ๐ฌ๐ ๐ฌ๐๐ซ๐ข๐ฅ๐ข." - ๐๐จ๐ฌรฉ ๐๐ซ๐จ๐ญ๐๐๐ข๐จ ๐๐ข๐ณ๐๐ฅ ๐๐๐ซ๐๐๐๐จ ๐ฒ ๐๐ฅ๐จ๐ง๐ฌ๐จ ๐๐๐๐ฅ๐จ๐ง๐๐
Ngayong araw ika-tatlumpu ng Disyembre, ipinagdiriwang ang ๐น๐๐๐๐ ๐ซ๐๐ na nagsisilbing araw ng pag gunita natin sa buhay at pagkamatay ni ๐๐ซ. ๐๐จ๐ฌ๐ ๐๐ข๐ณ๐๐ฅ, Ang pambansang bayani ng Pilipinas. Ayon sa ๐ฉ๐๐๐๐ ๐น๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐ฉ๐๐. 229, idineklara ni Dating Pangulong Manuel Roxas na ang ๐ซ๐๐๐๐๐๐๐๐ 30 ay kikilalanin bilang "๐น๐๐๐๐ ๐ซ๐๐" para sa pagpapakilala sa Filipino nationalist at makabayang manunulat.
Ang kaniyang pagsusulat ay nagbigay daan upang mamulat ang nasyonalismo ng mga Pilipino upang lumaban para sa ating kalayaan. Ang mga akdang kanyang isinulat na "๐ต๐๐๐ ๐ด๐ ๐ป๐๐๐๐๐๐" at "๐ฌ๐ ๐ญ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐" ay nagsilbing paglalarawan sa karanasan noong panahon ng mga Espanyol at nag-udyok sa rebolusyon para sa kalayaan. Ang kanyang pagkamatay ay lalong nagpasiklab sa diwa ng Pilipino upang ipagpatuloy ang laban para sa kalayaan ng Pilipinas.
Ngayong tayo'y malaya, huwag nating sayangin ang pagkakataong makatulong sa ating bansa. Ang pag-ibig sa bayan ay hindi lamang nasusukat sa salita, kundi sa gawa. Gawin nating inspirasyon ang buhay at mga aral ni ๐๐ซ. ๐๐จ๐ฌ๐ ๐๐ข๐ณ๐๐ฅ upang patuloy na magsikap para sa pag-unlad ng ating bayan.
โ๐ป : Angel Tyra De Guia | P.I.O & Raphael Elijah D. Dames | Auditor
๐ผ๏ธ :Junina Angeli Ticsay Monantante | Digital Arts Committee
24/12/2025
"๐๐ข๐ญ๐ญ๐๐ซ๐ฌ๐ฐ๐๐๐ญ ๐ฌ๐ข๐ฑ๐ญ๐๐๐ง ๐ฌ๐ฎ๐๐๐๐ง๐ฅ๐ฒ"- ๐๐๐ฒ๐ฅ๐จ๐ซ ๐๐ฐ๐ข๐๐ญ ๐ช
Ngayong araw ay ipagdiriwang natin a ika-labingpu't anim na kaarawan ng ating Presidente ng K*K, si Ate ๐ช๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐ฑ๐๐ ๐ซ. ๐จ๐๐๐๐๐. Itong araw na ito ay itinutuon namin sa pasasalamat sa'yo dahil ika'y nagsisilbing liwanag na kumikinang upang maging gabay sa amin tuwing panahon ng pagsubok. Kaya, maraming salamat dahil sa iyong katalinuhan, dedikasyon, at higรญt sa lahat, sa iyong mahusay na pamumuno.
Sa iyong bagong kabanata nawa'y patuloy ang iyong pag lago bilang isang mabuting tao. At mapuno nawa ng kaligayahan at pagpapala ang iyong kaarawan.
"๐๐๐๐ข ๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐ ๐ซถ"- ๐๐ช๐ฐ๐ถ๐ช๐ถ๐ช๐ฑ๐ช๐ต, ๐๐๐ธ๐ท๐ฐ ๐๐ต๐พ๐ซ, ๐๐๐.
โ๐ป : Raphael Elijah D. Dames | Auditor
๐ผ๏ธ : Angel Tyra De Guia | P.I.O