School Youth Formation DepEd Tayo Youth Formation-Suguit NHS

School Youth Formation DepEd Tayo Youth Formation-Suguit NHS "Sa Suguit NHS Posible ang Pagbabago at Pag-unlad"

"Sa Suguit NHS, Posible ang Pagbabago at Pag-unlad"Maligayang Pagdating po sa aming munting paaralan! Bb. AGNES B. SILVE...
20/08/2026

"Sa Suguit NHS, Posible ang Pagbabago at Pag-unlad"

Maligayang Pagdating po sa aming munting paaralan!

Bb. AGNES B. SILVESTRE
JHS G**o I, Araling Panlipunan

Dalangin namin na ang iyong kaalaman, dedikasyon, at pagmamahal sa pagtuturo ay maging ilaw at inspirasyon sa maraming mag-aaral.

"Sa Suguit NHS Posible ang Pagbabago at pag-unlad"Ang aming taos-pusong pasasalamat sa lahat ng mga manlalaro ng ECRMNHS...
15/08/2026

"Sa Suguit NHS Posible ang Pagbabago at pag-unlad"

Ang aming taos-pusong pasasalamat sa lahat ng mga manlalaro ng ECRMNHSugVill, lalo na sa mga manlalaro ng Suguit National High School, na nagpakita ng dedikasyon, sipag, at disiplina sa larangan ng palakasan. Tunay ngang kahanga-hanga ang ipinamalas ninyong sportsmanship, determinasyon, at pagmamahal sa inyong paaralan. Kayo ay naging inspirasyon sa inyong mga kapwa mag-aaral at nagbigay ng karangalan sa buong komunidad ng Suguit NHS.

Taos-puso rin naming binabati ang Suguit NHS Volleyball Players sa kanilang matagumpay na pagkamit ng 3rd Place. Ang tagumpay na ito ay bunga ng inyong walang sawang pagsasanay, pagtutulungan, at pagtitiyaga. Bagamat hindi naging madali ang inyong naging laban, ipinakita ninyo na ang tunay na tagumpay ay nasusukat hindi lamang sa medalya kundi sa sipag, disiplina, at pusong inilaan ninyo sa bawat laro.

Hindi rin magiging posible ang tagumpay na ito kung wala ang suporta at gabay ng inyong mga coach, g**o, at higit sa lahat, ang inyong mga magulang. Maraming salamat sa mga magulang na nagsilbing inspirasyon, tagasuporta, at lakas ng loob ng ating mga atleta. Ang inyong pagmamahal, sakripisyo, at walang sawang paggabay ay malaking bahagi ng kanilang mga natamong tagumpay.

Muli, binabati namin ang lahat ng ating mga manlalaro. Ipagpatuloy ninyo ang pagiging huwaran sa loob at labas ng palaruan. Nawa'y magsilbi itong inspirasyon upang lalo pa ninyong pagbutihin ang inyong kakayahan at patuloy na magbigay ng karangalan sa Suguit National High School.

Mabuhay kayong lahat! πŸπŸ…πŸŽ‰

Happy bday maam Ana Liza Aragon Alanes-Altovar
08/08/2026

Happy bday maam Ana Liza Aragon Alanes-Altovar

Go DepEd Suguit National High School! GoUNIT III ECRMNHSugVill!!! πŸ˜‡
07/08/2026

Go DepEd Suguit National High School! GoUNIT III ECRMNHSugVill!!! πŸ˜‡

πŸ”₯𝗦π—ͺπ—˜π—”π—§, π——π—˜π——π—œπ—–π—”π—§π—œπ—’π—‘, & π—šπ—Ÿπ—’π—₯𝗬πŸ”₯

The countdown to the Maria Aurora District Meet 2026 begins! πŸ…

From the highland court to the lowland fields, our athletes have been training hard for this moment. Witness high-stakes competition and inspiring stories on August 8 & 15, 2026.

Who will take home the gold? Come support your favorite teams and see who advances to the upcoming Aurora Provincial Athletic Association (APAA) Meet 2026. πŸ†




05/08/2026

"Sa Siguit NHS Posiblr ang Pagbabago at Pag-unlad"

Masayang tinanggap ng mga g**o ang mga bagong wireless lapel microphone na ipinagkaloob sa pamamagitan ng suporta ng Tanggapan ng Pangulo sa pamumuno ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. (BBM), katuwang ang Department of Education sa pamumuno ni Secretary Sonny Angara.

Ang kagamitang ito ay bahagi ng patuloy na pagsisikap na mabigyan ang mga g**o ng mas makabagong kagamitan upang maging mas epektibo at magaan ang kanilang pagtuturo. Sa tulong ng mga lapel microphone, mas malinaw na maririnig ng mga mag-aaral ang bawat talakayan, mababawasan ang pagkapagod ng mga g**o sa pagsasalita, at magiging mas maayos, mas interaktibo, at mas produktibo ang bawat klase.

Patunay ito ng patuloy na pagpapahalaga at suporta sa kapakanan ng mga g**o at sa pagpapataas ng kalidad ng edukasyon para sa bawat mag-aaral.

Maraming salamat po πŸ˜‡πŸ’›πŸ’š

"Sa Suguit NHS Posible ang Pagbabago at Pag-unlad"Matagumpay na isinagawa ngayong unang araw ng Agosto ang taunang Unit ...
01/08/2026

"Sa Suguit NHS Posible ang Pagbabago at Pag-unlad"

Matagumpay na isinagawa ngayong unang araw ng Agosto ang taunang Unit Meet 2026 ng Unit III at ECRMNHSugVil, na nagsilbing batayan sa pagpili ng mga atletang kakatawan sa ating yunit sa nalalapit na District Meet 2026.

Taos-puso naming binabati ang ating mga mag-aaral na nagpakitang-gilas at nagkamit ng karangalan sa kani-kanilang mga larangan:

🏸 Badminton
β€’ Chezkyle Canonico

πŸƒβ€β™‚οΈ Long Jump
β€’ King John G. Lozano

⛹️‍♂️ Basketball 3x3 Team

🏐 Volleyball Team
β€’ Jedidiah Aeon L. Abillonar
β€’ Alyssa Shane G. Licay
β€’ Abegail P. Limon
β€’ KC Anne K. Collado
β€’ Rejoice-Jane D. Lejano
β€’ Janell R. Quiming
β€’ Jayzel F. Delos Santos
β€’ Princess Lovely Subad
β€’ Arianna Canonigo
β€’ Andrea Drapeza
β€’ Angel Collado
β€’ Rhea Mae Del Campo

Lubos naming ipinagmamalaki ang inyong dedikasyon, disiplina, at husay. Nawa'y magsilbi itong inspirasyon upang higit pa ninyong pagbutihin ang inyong pagsasanay habang naghahanda para sa District Meet 2026.

Patuloy nating ipakita ang diwa ng sportsmanship, pagkakaisa, at kahusayan.

Congratulations sa lahat ng atletang Suguit, Hangad namin ang inyong tagumpay sa susunod na antas ng kompetisyon. πŸ’›πŸ’š

πŸ“Œ Paalala: Ang lahat ng larawang ibinahagi sa post na ito ay may pahintulot ng mga magulang o legal na tagapag-alaga para sa SY 2026–2027, alinsunod sa Republic Act No. 10173 (Data Privacy Act of 2012).

Basta Rehiyon Tres, Dabes! Pagbati sa Newly NFSSLG PresidentFAITH NOEMI R. MANGANAAN πŸ‘
31/07/2026

Basta Rehiyon Tres, Dabes!

Pagbati sa Newly NFSSLG President
FAITH NOEMI R. MANGANAAN πŸ‘

31/07/2026

Good luck Mga Batang Suguit πŸ’›πŸ’š



ctto: Photo & Audio

"Sa Suguit NHS Posible ang Pagbabago at Pag-unlad"Malugod at taos-pusong pagbati sa aming dalawang butihing g**o sa kani...
31/07/2026

"Sa Suguit NHS Posible ang Pagbabago at Pag-unlad"

Malugod at taos-pusong pagbati sa aming dalawang butihing g**o sa kanilang matagumpay na pagtatapos ng Graduate Studies!

Ang inyong sipag, dedikasyon, at walang sawang pagsisikap sa patuloy na paglinang ng inyong kaalaman at propesyon ay tunay na kahanga-hanga at nagbibigay-inspirasyon sa buong komunidad ng paaralan.

NORALYN G. ALBANO, LPT, MEd
Master of Education Major in Home Economics

GLIZEL JOAN D. CENON, LPT, MEd
Master of Education Major in Language Education

Kapwa nagtapos sa Wesleyan University-Philippines, Cabanatuan City.
Nawa'y magsilbi itong tagumpay bilang inspirasyon sa inyong mga mag-aaral, kapwa g**o, at sa buong komunidad. Hangad namin ang inyong patuloy na pag-unlad at marami pang tagumpay sa larangan ng edukasyon.

Muli, taos-pusong pagbati sa inyong makabuluhang tagumpay! Mabuhay kayong dalawa! Mabuhay ang

GURONG SUGUIT πŸŽ‰πŸŽ“πŸ’›πŸ’š

Ang aming maalab na pag bati πŸ’›πŸ’šβœ¨οΈ
29/07/2026

Ang aming maalab na pag bati πŸ’›πŸ’šβœ¨οΈ

Address

Brgy. Suguit, Aurora
Maria Aurora
3202

Opening Hours

Monday 8am - 4:45am
Tuesday 8am - 4:45pm
Wednesday 8am - 4:45pm
Thursday 8am - 4:45pm
Friday 8am - 4:45pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when School Youth Formation DepEd Tayo Youth Formation-Suguit NHS posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category