06/11/2025
Sa kauna-unahang pagkakataon, nagkamit ng Unang Pwesto ang Sta. Lucia Elementary School sa Gulayan sa Paaralan โ District Level!
Lubos ang pasasalamat ng buong pamunuan ng Sta. Lucia Elementary School sa lahat ng nakibahagi, tumulong, at nagtiyaga upang makamit ang tagumpay na ito.
Ang pagkapanalong ito ay sumisimbolo ng magandang simula at masiglang pagsibol para sa ating paaralan.
Bagamat maliit lamang ang aming paaralan kumpara sa iba pang lumahok, hindi ito naging hadlang upang ipakita ang galing, sipag, at pagkakaisa ng bawat isa.
Isang patunay na sa pagtutulungan at determinasyonโtagumpay ay ating makakamtan!
Pasasalamat din po sa mga sumusunod:
Sa pangunguna po ng aming supportive School Head, Maโam Sally Q. Hulipas, PhD.
Sa aming malikhain, masipag at masigasig na Administrative Officer- Sir Clifford N. Cagbay, ang nagplano ng lahat at naging susi ng aming pagkapanalo.
Sa Teaching and non-teaching personnel na laging handang tumulong sa ikagaganda ng paaralan.
Sa pangunguna din po ng mga SPTA Officers at mga magulang na hindi nagsasawang bumalik-balik, mabilad at ulanin sa pagtatanim para mapaganda ang aming gulayan.
Sa mga mag-aaral na tumutulong na maging malinis ang aming gulayan.
Sa Sanguniang Barangay ng Sta. Lucia, sa pangunguna ng masipag na Punong Barangay Kap. Jennifer M. Estrada sampu ng kaniyang mga konsehales.
Higit sa lahat sa Diyos na lumikha! Bagamat kami'y dinaanan nang baha at bagyo ay hindi natinag at nanatiling matibay ang aming gulayan! Sa Diyos ang pinakamataas na papuri at PASASALAMAT.