18/08/2026
Suguit ES, 2nd Place sa 2026 Search for Best Schools in Solid Waste Management
MARIA AURORA, AURORA— Muling nagningning ang Suguit Elementary School matapos nitong makamit ang 2nd Place sa 2026 Search for Best Schools in Practicing Solid Waste Management – Big School Category.
Opisyal na tinanggap ng paaralan ang parangal ngayong araw sa Municipal Office of Maria Aurora, kasama ang mga espesyal na pagkilala bilang Best Composting Facility at Cleanest and Greenest School.
Samantala, kinilala rin ang Brgy. Suguit sa Gawad Serbisyong Marialeño, kabilang ang 2025 Seal of Good Local Governance for Barangay (SGLGB) at iba pang pagkilala sa mahusay na pamamahala at pagpapatupad ng mga programang pangkomunidad.
Nakatanggap din ang barangay ng mga parangal para sa BCPC (1st Place), BADAC (1st Place), VAW Desk (2nd Place), BDC (2nd Place), at BPOC (3rd Place). Nakamit din nito ang 3rd Place sa 2026 Search for Best Barangays Practicing Proper Solid Waste Management at Best Material Recovery Facility (MRF), gayundin ang Best Implementer sa Gulayan sa Barangay/Hapag 2025.
Ang mga parangal ay patunay ng sama-samang pagsisikap ng paaralan at komunidad tungo sa mas malinis, luntian, at responsableng Maria Aurora.